Jenny's POV
Iyak ako ng iyak kagabi habang nagreminisce sa maladelubyung pangyayari sa buhay ko. Huhuhu. Sa tanang buhay ko, yung pagnanakaw na yun ang hindi ko namalayan. Siguro nagbabasa yun ng "How to snatch without noticing" o di kaya "How to steel," o "How to grasp and remove"
Hayy masyado siguro akong lutang sa gabi na iyon kaya hindi ko na namalayang nanakawan na pala ako. Noon kaya palaging nabibilanggo ang kawatan kapag ako yung ninanakawan nila. Sa kapal ba naman ng mukha ko ay hindi talaga ako mananakawan at boses na mala-Anne Curtis. Kung nakita ko lang talaga yung mukha ng gagong yun, sisiguraduhin ko talaga na makakain yun ni Botchok, yung aso ni Mang Canor.
Heto ako ngayon, nasa labas ng paaralan dahil sa I.D. ko na nanakaw rin.
"Manong papasukin niyo na ako. Klarong klaro naman na dito ako nagtatrabaho eh. Teacher ako dito manong TEACHER. Tingnan niyo pa uniform ko. " Sabi ko sa guard ng school na baguhan yata.
"Miss ilang beses ka ba inire ng nanay mo. NO I. D. NO ENTRY po talaga ang sinusunod ng paaralan namin"
"Wow manong ha!! School namin talaga. Inyu ba to? Ha? DY po ba apelyido niyo? Kaya naging Dy Preschool tong maliit na paaralang ito? Ha manong? Tinaasan ko talaga siya ng boses. Manong wants war, I'll give him war.
"Pero miss bakit wala ka namang I. D.? Eh sana kanina ka pa nakapasok at hindi talak ng talak dito. "
"Eh nanaka-
"Manong, let her in. She's teaching her"
Napatulala ako sa kararating lang na babae. Hayy akala ko hanggang mamaya pa ako magtatalak sa harap ng gate.
"Marissa, huhuhu mabuti naman at dumating ka na"
"Kung hindi ako dumating anong gagawin mo ha, Jenny? "
"A-ah hehe, pupuntahan ka sa inyu at sasamahan ako rito? "
Uh oh, wrong answer. Ang sungit talaga ng kaibigan kong ito. Siya nga pala si Marissa Laine. Bestfriend ko since collage. Gusto niya daw magnurse pero ewan ko at dito sa pagguguro sa preschool ang naging bagsak. Ayaw pa naman niya sa mga bata. Walang nilalampasan iyang kasungitan niya at pati bata binibigyan ng sample hehe. Tinatanong ko naman siya kung bakit hindi siya nagnurse tapos sinasagot niya ako ng "Si Marissa ka ba ha? Sige ikaw yung mag-aral ulit at maging alalay ng mga doctor!! " yan yung sinasagot niya kaya hindi na ako nagtanong muli. May galit din yata to sa mga doctor. Kung ako papipiliin? Magnunurse na lang ako nang makakita ng mga papabols na doctor hahaha. At dahil hindi ako si Marissa ay magteteacher ako.
Naglalakad ako papuntang classroom ng Rose. Oo at iba ang pangalan ng section dito. Rose saakin at Tulip naman kay Marissa. May apat na section dito sa Dy Pre-school. Ito ang Rose, Tulip, Gumamela at Sampaguita. May kasama pa kaming dalawang guro dito. Okay lang naman kami dito kasi mga chikiting pa ang binabantayan namin so keri lang talaga. May malawak kaming play ground dito at mga bench kung saan pwede maging hintayan na rin ng mga magulang sa kanilang anak. Kung tinatanong niyo private po to kaya mga rich kid din yung mga estudyante dito pero mga mababait naman.
Nandito na ako sa harap ng pintuan at kitang kita ko na nagtatakbuhan papunta sa kanikanilang upuan ang mga bata. Hehe ganyan tayo eh, pagnakita si teacher nagiging ninja papuntang upuan.
"Good Morning Kids" with a smile yung bati ko sa kanila.
"GOOOOOOD MOOOOOORRRRRNNIIIING TEACHEEER JENNYY"
15 lang sila pero ang lalakas na ng boses nila. Hehehe parang yung teacher lang nila.
*lunch break*
"Marissa, saan ka kakain? " tanong ko sa kanya.
"Sa bahay na lang siguro"
Sabay kaming naglakad ni Marissa dahil half day lang talaga kami at ibang guro at estudyante naman sa hapon.
"Bakit nga pala wala kang ID kanina?" tanong ni Marissa sa akin.
"Ah, yun ba? "
"Ah, hindi yun Jenny hindi talaga yun" pamimilosopo niya sa akin.
"pshhh""Seriously, bakit nga? " balik niyang tanong
"Nasnatch kasi ako kagabi" sagot ko
Kwenento ko sa kanya lahat ng pangyayari. Kung saan ako nanggaling hanggang sa pag-uwi ko.
"Bumili ka talaga ng mga notebook para sa mga estudyante mo. Alam mo ba na mas mayaman pa sila kaysa sa iyo? Yan tuloy tatanga tanga. Nag-overtime ka pa kahapon para palitan si Christine. Alam mo ba na baka nakikipaglandian lang iyon kahit saan. Ha, naintindihan mo ba ako Jenny Jean?
"Ayan na naman yang panenermon mo Marissa. Eh gusto ko magovertime at bumili ng mga notebooks eh. Bakit si Jenny ka ba? At isa pa hindi ako tanga. Kagabi ko pa yan narinig eh. Magsama nga kayo ni Maricar. Ikaw na nga lang si Jenny at kapatid mo si Maricar. Wag ka nga masungit kaya hindi ka nagkakalovelife eh. Naiintindihan mo ba ako Marissa?
Ginaya ko talaga yung pananalita ni Marissa. Isa yan sa pamimikon ko sa iba.
"....."
Isa pa yan eh. Kapag lovelife niya yung pinaguusapan ay tumatahimik siya. Yan yun panlaban ko kapag sinisermonan niya ako.
"Punta kaya tayo sa prisinto? "
"Sige"
Hayyy mabuti na yung sigurado tayo di ba? Mga 10, 000 din yung pera ko doon eh. Tapos yung ID at listahan pa ng mga crush ko. Kulay violet yun eh. Fave ko.
*Prisinto*
"Sir may irereport sana ako. " pan
"Go on" ayy english speaking pa la si kuya.
"Nasnach po kasi ako kagabi eh. Yung pitaka ko lang po yung nakuha kasi binangga niya po ako"
"Okay, do you have any clues so we can know the, um, the ah-
"Snatcher" dagdag ni Marissa. Feeling ko napipikon na to eh. Trying hard kasi si kuya magenglish eh pwede naman siya magtagalog.
"Yeah snatcher, um, where did the snatcher is snatching? "
Hanggang puno na ako sa wrong grammar na tanong. Lumabas siya sandali ngunit bumalik naman agad.
"Im sorry mam but your wallet is lost
Not
Found"
"Ano? Sa dami dami mong tanong hindi niyo mahanap yung snatcher?
"But mam you have dont, um, ahh basta walang CCTV sa lugar niyo tapos walang witness at hindi mo nakita yung mukha ng snatcher kaya wala tayong magagawa.
"Alis na tayo Jenny"
"Sige" matamlay kong sagot.
Humanda ka sakin snatcher ka. Mahahanap din kita.
BINABASA MO ANG
Mr. Snatcher
Teen FictionPaano pag may makasalubong ka na snatcher? Snatcher na gwapo, mayaman at mayabang? Snatcher mo pa ba siyang maituturing kung pati puso mo na snatch na rin?