Noob

6 1 0
                                    

Jenny's POV

"Kuya nakita mo ba yung batang transferee?" tanong ko kay manong guard. Alalang alala na kasi ako kakahanap dun eh.

"Ah yung kakalipat lang na estudyante? "

"Hindi manong, kaya nga transferee eh dahil hindi siya  nagtransfer" pamimilosopo ko kay kuya.  Sa oras na ito halatang naiinis na ako dahil sa inaasta nitong si kuya eh. Siya yung hindi nagpapasok sa akin noon eh.

"Ah, hehe yung nakablue shirt po?"

"Oo kuya. Siya yun!! "

"Nagpumilit po kasing lumabas yun mam eh kaya pinayagan ko na"

"Ano?!!! " gulat kong tanong sa kanya.

"Bakit mo pinalabas manong!!! Bata pa yun eh tapos baka kung ano ng mangyari dun. Lagot ka talaga manong. Naglalaro lang kami ng hide and seek eh kaya pala di ko na nahanap dahil pinalabas mo!!!" galit kong sabi sa kanya

" Mam pinagbantaan po kasi ako na ipapapayrd (fired) daw po ako kapag hindi ko siya pinalabas eh. " sabay kamot sa ulo

"Manong, una sa lahat. Siya ba may ari ng school? Tapos bata lang yun manong grabe ka naman, fired ka agad? "

"Eh mam diba naglaro kayo ng tagu taguan?  Sino yung taya mam? "

"Ako"

"Yun naman pala mam eh. Baka. Tinakot niyo kaya nagtago sa labas ng paaralan" sinisisi pa ako ni kuya

"Uy manong grabe ka naman. Teacher  ako at hindi ako nananakot ng estudyante "

"Yun nga yung point ko mam eh. Kayo yung guro tapos ikaw pa yung taya. Hindi niyo binantayan ng maigi yung bata well in fact na kayo yung nandiyan sa loob bago pa man nakapunta ang bata sa guard house. Lagot ka mam" kinabahan tuloy ako kay manong. Ano ba yan!  Isisi ba daw sa akin . Galing ni manong bumaligtad ah

"Manong naman, tulungan mo na lang kaya ako maghanap"

"Sige, ay teka- Sinong magbabantay dito mam? " tanong niya sa akin

"Aisshhh,  ako na nga lang manong "

Lumabas na nga lang ako ng gate at hinanap ang bubwit. Bakit kasi nauto ako sa kondisyon niyang yun eh. Ikaw kasi Jenny Jean tatanga tanga rin eh. Daan pa naman ang labas ng paaralan eh. Baka kung ano nang mangyari doon.

May nahagip akong batang umiiyak malapit sa ice cream vendor.

Maputi check

Nakablue shirt check

Confirmed siya yung transferee

Tinabihan ko siya sa pag-upo sa gutter kaya napatingin siya sa akin.

"Hey noob, I want ice cream" sabi niya sa akin kahit basa pa yung mukha niya. Pero ano daw?  Noob? Ako?  Letcheng bata

"Excuse me bata, baka hindi mo naiintindihan ang meaning ng noob." paliwanag ko sa kanya.  Nakalimutan ko nga pangalan ng batang to eh. Di ko rin alam yung background niya. Tapos hindi pa ako nakinig sa program kahapon, yan tuloy.

"Noob means lack of experience or a newbie" sabi niya sa akin habang tinitingnan yung ice cream.

"Gusto mo? "

"Yes"

"Wala kang pera? "

"I don't have"

Mr. SnatcherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon