Jenny's POV
Nandito ako ngayon sa mansyon ng mga Dy. At isa lang ang masasabi ko. Wow. Yan naman ang palagi kong sinasabi eh pero hindi ko mapigilang sabihin yon sa bawat lakad namin dahil nakakamangha naman talaga rito.
"Ang laki ng bahay niyo sir" -ako
"Fabian" sabi niya sa akin
"Huh" iba rin trip ni sir eh. Bigla na lang sinasabi yung pangalan niya.
"Call me Fabian since mag-asawa na tayo. Saan ka nakakarinig na ang tawagan ng mag-asawa ay mam/sir?" tanong niya sa akin
"Ang awkward naman. Fabian Fabian Fabian Fabian Fabian Fabian Fabian Fabian Fabian Fabian Fabian Fab-"
"Shut up! " Galit niyang sabi sa akin.
"Oh? Ikaw nga naiirita sa sarili mong pangalan, ako pa kaya? "
"Isa na lang Jenny, makakatikim ka na talaga sa kin¡" pagbabanta niya sa akin. Pshh im scared.
"Okay Fabby" napataas naman ang kilay niya dahil doon. Fabby is not bad tho. Ang ganda kaya pakinggan ng Fabby tapos siya naman Jenny. Ang cute
Hindi naman siya sumagot kaya patuloy lang kami sa paglalakad. Nakakita ako ng violet na bulaklak kaya nilapitan ko.
"Ang gandaaaaaa~" eh ang ganda naman talaga eh. Gusto ko tuloy kunin sa vase nito.
Kukunin ko na sana ngunit may epal.
"Hoy anong gagawin mo jan?! Ano kaba mukha kang magnanakaw! " - Fabby
"Ihhhhh~ ang ganda kasi eh" para akong bata na hindi binilhan ng laruan.
"Ilang taon ka na ba? Ha? Halika na nga hinahanap na tayo" hinila na niya ako kaya hindi na ako nakapalag. Habang naglalakad kami ay di ko mapigilan ang pagtingin sa kanyang mukha. Ang gwapo gwapo ni Fabby hihihi. Crush ko namn yan noon eh nung nandoon pa siya sa Dy preschool. Pero siyempre si Marissa lang ang nakakaalam at pati na rin sa situation ko ngayon na Mrs. Dy na ako. Tapos si inay din pinamigay na ako kay Fabby huhuhu
"Nandito na pala kayo" nakasalubong namin si Daddy, yeah dumadaddy na rin ako eh haha. Napansin ko naman ang isang babae sa likod nito.
"Mom" biglang sabi ni Fabby dun sa babae na ngayon ay nasa tabi na ni Daddy.
Ang ganda ng mommy ni Fabby. Kamukha niya si Bubwit. Dito siguro nagmana yung bata. Bigla na lang niyakap ni Fabian ang mommy niya na parang hindi sila nagkita ng ilang taon. Sabagay kahit ako mamimiss ko rin naman kung hindi nagpapakita ang nanay ko sa akin. Alam ko na ang story ni Fabby. Kwinento sa akin ni Daddy.
"Anak, Fabian *sob* , Sorry talaga *sob*. Patawarin mo si Mommy kung ngayon ko lang naintindihan ang lahat. Sana mapatawad mo ako *sob*." sabi ng mommy niya.
"Its okay mom. I understand. Thank you dahil bumalik ka ulit. Let's start a new memories mom. We need to move on and let go. " sabi niya sa mommy niya.
"O-okay, teka ikaw ba ang asawa ng anak ko? "binaling niya ang atensyon sa akin.
"A-ah opo, ako nga po Mam" magalang kong sagot sa kanya.
"Mommy na lang iha. "
"Yes, mommy"
Hayon nagdinner nga kami kasama yung pamilya niya tapos nakilala ko rin yung mangalawa nyang kapatid, si Matthew.
Pagkatapos ay lumabas muna ako sa mansyon nila at nagpahangin. Di ko akalain na mapupunta pala sa ganito yung buhay ko. Akala kasi ni inay noon na baka magtatandang dalaga ako kaya minsan nirereto niya ako kay Estong. Nagalit nga ako sa kanya dahil sa dami-daming lalaki sa mundo si Estong pa. Pshhh, mabuti na tong natali ako sa gwapo, masungit naman. Asawa na nga niya ako pero nagtuturo pa rin ako tsaka assistant na rin. Sabi naman ni Kuya Eddie na sociable siya noon eh bago sila maghiwalay ng ex niya. Siguro maganda yung ex ni Fabby kasi hindi pa rin siya maka move on. Ano kaya magiging reaksyon niya na ako ang asawa ni Fabby? Hayyz bahala na nga.
Nagulat ako nang may tumabi sa bench na inuupuan ko.
"Uyy, ba't ka nandito" tanong ko kay Fabby.
"Of course, amin to eh" pilosopong sagot niya sa akin. Oo nga naman sa kanila to.
"Ang lalim ata ng iniisip mo ah" -siya
"Hindi naman mababaw lang"- ako
"Gaano kababaw? " curious niya tanong sa akin. Matagal ko na sanang sabihin ko sa kanya to eh pero masyado siyang busy pagkatapos ng kasal namin.
"Depende sa'yo kung masasalo mo ako. " makahulugan kong sabi sa kanya
"Huh? Anong pinagsasabi mo dyan? Baliw" ayan nanaman siya sa pagsasabi sa akin ng baliw at stupid. Nakakahurt din minsan ha. Huhuhu
"What I mean is, paano pagna-ano, nagustuhan kita? " buong tapang kong tanong sa kanya.
"Then? " anubayan, may pa then-then pa siyang nalalaman. >_<
"Ah, basta sagutin mo na lang" alam kong di malayo na mapupunta din ako dyan. Natatakot kasi ako na baka bitawan lang niya ako.
Bigla siyang tumingin sa akin na ikinakabog ng puso ko.
"Don't worry, I 'll catch you"
Napangiti naman ako sa sagot niya
"Ta-talaga? " he nodded at me
"Anong timbang mo baka di kayanin ng braso ko? " -Fabby
BINABASA MO ANG
Mr. Snatcher
Teen FictionPaano pag may makasalubong ka na snatcher? Snatcher na gwapo, mayaman at mayabang? Snatcher mo pa ba siyang maituturing kung pati puso mo na snatch na rin?