Jenny's POV
YESSSSSHHHH!!! APRIL NA. Halos one month din akong najulalay dito. Oo at alalay ako dito hindi assistant o teacher. Palaging sugo doon, sugo dito tapos timpla doon, timpla dito. Huhuhu hindi na nga sila na awa sa akin. Wala pa akong sweldo. Wala din akong maibigay na pagkain kay Maricar kaya lumayas siya huhuhu
HAPPY APRIL FOOLS. HAHAHA Nakikiuso lang sa mga kabataan hehehe.
"JENNNNNNYYYYYY" Sigaw ng boss kong nakalunok ng speakers pati mic sinama na. Hayyy! Alalay mode.
"Bakit po? " tanong ko sa kanya
"Pagtimpla mo ako ng kape" sabi nya sa akin habang busy sa kung ano mang papeles diyan. Hindi ko pa nga siya formally na naipakilala sa mga katrabaho ko eh. Di ko alam dito kay sir at mukhang loner ata.
Pumunta na ako sa mini kitchen dito at nagtimpla na ng kape. Parang apartment na nga tong office ni sir at take note, magandang apartment. Parang dito na nga siya natutulog eh dahil may blanket sa couch dito.
Maricar's POV
"Wala bang thank you man lang diyan" parinig ko kay Matthew na busy sa pagsusukat ng toga. Yesss at gagraduate na kami ng elementary. High school, im coming hahahaha
"Tsk"
tingnan mo to kung hindi ko to tinulungan sa mga subjects niya baka gr. 6 pa rin siya sa susunod ng pagbubukas. At ang maganda ngayon ay bukas na ang graduation namin kaya todo practice kami ngayon. Salutatorian ako kaya alam kong todo ipon din si ate para bilhan akong cellphone hahaha. Nagpustahan kasi kami na kapag ako ang valedictorian ay magpapabili ako sa kanya ng laptop at kapag salutatorian naman ay cellphone. Dahil walang tiwala si ate sa akin ay pumusta naman siya na kapag first honorable ako ay maglilinis ako ng bahay ng 1 week. Bwuhahaha na sa akin pa rin ang huling halakhak haha.
Hindi ko muna pinansin si Matthew at kumain muna ako. Nakakapagod kaya magpractice ng graduation, kaming mga tanga na linya lang ng linya. Anong akala nila sa amin? Bobo para hindi maintindihan kung saan pupunta. Kung pwede nga lang medal tsaka certificate na lang yung kukunin ko pero dahil proud si inay sa akin ay sasamahan niya ako sa stage.
Bigla namang kumanta itong valedictorian namin na katabi ko dahil bff ko to eh pero inaaway ko hahaha. Sarap pagtripan eh.
"So it's gonna be forever and its gonna go down in fame. And you tell me when it's over like the heart is worth of pain. Got a long list Starbucks lovers....... "
Hindi ko alam kung bakit naging valedictorian to eh. Nakakahiya mang isipin na best friend ko tong kumakanta ng wrong lyrics. Hindi man lang siya nahiya sa katabi niyang maganda, lakas ng hangin hooo.
Nang tumingin ako sa kanya ay tumingin din siya sa akin sabay sabing " Happy April fool's hehe"
"Wag ka na mahiya. Ginawa mo pang dahilan ang okasyon. Bakit ka ba navaledictorian kung ganyan ka parati. Mahiya ka naman sa best friend mong maganda" pansin kong naluluha na siya sa mga sinasabi ko ngayon haha. Kawawang bestty
Lumakad ako palayo sabay sigaw sa kanya ng " Happy April fool's day, APRIL" tiningnan ko siya at gumuhit ang mga ngiti sa labi niya. I have my own way to make my besty, April, happy.
Jenny's POV
YESHHHHH na naman!!! Alam niyo kung bakit? Ha ha ha may important meeting si Sir Owner at dahil wala siya. IM FREEEEEEEE HAHAHA. Sarap ng buhay dito sa office. Kanina pa natapos ang trabaho ni Marissa at dahil sa instant job ko ay whole day na naman ako. Pero dahil wala si sir ay napagisip-isap ko na lang na dito mag stay hahaha.
"Pwede naman siguro akong manghalungkat ng gamit dito. Wala namang cctv kaya hindi ako mahuhuli sa akto. "
Sumakit ulo ko sa mga papeles dito sa table ni sir. Wala akong maintindihan ha ha. Feel na feel ko ngayon maging owner ng pre school habang paikot ikot sa swivel chair ni sir.
"Wohooooo" sabi ko habang parang bata na naglalaro sa upuan.
May narinig akong kumatok kaya mabilis akong tumalikod. Hindi makikita kung sino ang nakaupo dahil sa desinyo ng upuan.
Jacob's POV
Hey sweetie *wink* . Akala niyo si Kim Bum, si Jacob Takishima lang pala hahaha. Gulat kayo noh? Ehem, ehem. I'm Jacob Takishima, half filipino half adonis, ay este japanese. April fools you know! I'm here in Dy pre school para bisitahin ang best buddy kong owner. Heard it right, Im the best friend of Fabian Marcos Dy.
Papunta na ako sa office niya na may plain door lang. Tss, wala man lang nilagay kung kaninong office. Baka mapagkamalan pa tong ladies' room, swerte niya lang haha.
Kumatok ako ngunit walang nagbubukas kaya binuksan ko na.
*Phhhhht*
"Hello"
"Bro"
"Hoy tingin tingin din pag may time. Hindi mo ba ako na -Ahhhhhh- di mo sinabi? Nagpachange ka na pala!!! " Nagulat ako nang humarap ang nakaupo sa swivel chair at babae ang bumulaga.
"Hi Mr., whoyouare. I am the wife of the owner of this school" mataray niyang pagpapakilala sa akin at anu daw?! Wife??? Eh kakabalita pa lang ng daddy ko na kakabreak lang ni bro at ni Cheska ah. Ambilis naman.
"Oh hi Mrs. D-
"HAPPY APRIL FOOL'S DAY" Sigaw niya sa kin na ikinagulat ko.
"Ha ha ha" putol putol na pagtawa ko sa kanya.
"Sorry sir may dinalohan lang pong meeting si sir Dy. Jenny nga po pala assistant niya hehe"
Nakipagkamay naman ako sa kanya. Hanep tong assistant ni bro ah. Mabiro nga hahaha
Nakipagkwentuhan lang ako sa kanya at masarap naman pala tong kausap.
"Alam mo ba na isa akong astronaut "- Ako
"Talaga? Wow ang ganda naman! Magkano sweldo? " tanong niya sa akin at halata sa mukha niya na interesado siya. Puno na ng kasinungalingan ang pinagsasabi ko sa kanya at halata namang naniwala siya. Kanina ko pa nga gustong tumawa eh ngunit pinanindigan ko talaga tong pinasok ko hahaha.
"HAHAHAHA anshaket na po ng tiyan ko" -Jenny
"Akala ko talaga nung una si Fabian ka tapos naniwala naman akong asawa ka nya haha" sabi ko sa kanya.
*ring ring ring*
May tumawag sa akin kaya kailangan ko ng magpaalam sa kanya.
"Sige paalam Jenny ha may appointment pa pala ako sa Planet Mars" - ako
"Sige sir Jacob baka importante yan. Byebye" pamamaalam niya rin sa akin.
Lumabas na ako ng office ngunit bumalik ako sabay sabing "HAPPY APRIL FOOL'S DAY JENNY DY" tumakbo akong mabilis papunta sa kotse ko at di ko na nakita yung reaksiyon niya
Buwahahaha
BINABASA MO ANG
Mr. Snatcher
Teen FictionPaano pag may makasalubong ka na snatcher? Snatcher na gwapo, mayaman at mayabang? Snatcher mo pa ba siyang maituturing kung pati puso mo na snatch na rin?