Jenny's POV
Pano na to? Wala na ba talaga akong trabaho? Ano na lang ipapakain ko sa bunganga ni Maricar? Paano si Nanay?
Aisshhh. Bakit kasi ngayon ko lang nalaman na sila pala yung may-ari. Wala na ban
g patutunguhan ang istoryang to.?
"Tahan na anak, marami pa namang opportunidad ang naghihintay sayo diyaan"
Pagpapatahan ni inay sa akin
Aha!
"Ibenta na lang kaya natin si Maricar nay? ! " ganda ng naisip ko hehe
"Hoy ate. Wag ako ang perahan mo. Ibenta mo kaya yang utak mo para mawala yang katangahan mo tapos bumili ka ng bago para magamit mo!!! "
"Hoy! Makahoy ka naman parang di mo ako ate huhuhu"
"Makahoy ka rin parang di mo ako kapatid!!! "
"K"
"Ahhhh nay si ate nambubwisit" hehehe yan yung art of annoying ko. Ang letter K means okay.
"Tama na nga yan!! Hoy Maricar mag-aral ka dun" alam niyo na saan kami nag mana sa hoy haha
"Bleeh" pahabol ko kay Maricar
"hmp"
"Anak ano ba talaga yung mga pangarap mo? " seryosong tanong ni nanay
"Nay gusto ko lang makapagtrabaho tapos magpatayo ng mansyon at mamuhay ng matiwasay tapos-" sagot ko kay inay
"Tapos? " dagdag niya
"Tapos na nay yun na yun-ARAY NAY!! " Paluin ba daw ako ng tsinelas sa pwet
"Di ka mag-aasawa anak?!" gulat na tanong ni nanay.
"Nay bata pa po ako tapos wala po akong boyfriend eh" paliwanag ko sa kanya
"Anak maghintay ka lang darating din yang boyfriend mo na yan" sabi ni inay
*tok tok tok*
"Nandito na pala boyfriend mo anak" nakangiting sabi ni inay habang binubuksan ang pinto at hanudaw? Boyfriend?
Pagbukas ng pinto
"Hii mameh, wazup Jenny baby? " bati niya sa amin
"Inaaaaay namannn, magbibiro ka ng boyfriend wag mo naman iexample si Estong" Big NO talaga kung si Estong ang magiging boyfriend ko. Eww jeje tapos ang pangit. Eeeew talaga
"Parang sinasabi mo namang pangit ako Jenny babes. Pangit ba talaga ako sa iyong paningin? "
"Hah, nagtanong ka pa" sagot ko
"Hahaha, Oo nga Estong, wag kana magtanong, nag-aaksaya ka lang ng oras haha" sabi ni inay habang tumatawa.
"Mag ina nga kayo" sabi nalang niya hahaha kawawang Estong.
"Bakit ka nga ba nandito? "
"Nangangamusta lang" sagot niya sa tanong ni inay.
"Wow ha, ang layo ng bahay niyo tapos mangangusta lang. Ang bait mo naman " sarkastiko kong pagkasabi sa kanya. Fyi katabi lang namin yung bahay nila.
"Hehe may dala akong saging" pagiiba niya ng usapan
"Sige salamat Estong " sagot ni inay
BINABASA MO ANG
Mr. Snatcher
Teen FictionPaano pag may makasalubong ka na snatcher? Snatcher na gwapo, mayaman at mayabang? Snatcher mo pa ba siyang maituturing kung pati puso mo na snatch na rin?