Fabian ( Fabyan)
Fabianne (Febi-an)
*flashback 20 years ago*
Fabian's POV (6 years old)
"Hurry Marco, baka mahuli ka ni Jacob" said Fabianne na mabilis tumakbo
"Ikaw kasi eh ang bagal mo tumakbo, yan tuloy ikaw ang taya sa susunod na laro"
"ang init init kaya sa pilipinas tapos pinapatakbo mo ako ha Fabianne"
"Ang arte arte mo Marco ha. Para kang babae. Baka naman bakla ka? Hahaha okay lang kakambal mo naman ako kaya tatanggapin ko hahaha" tukso niya sa akin
" H-hindi ahh, Im a boy Fabianne" protekta ko sa sarili
"Halina kayo maglalaro tayo ng hide and seek at dahil talo ka kanina Fabian ay ikaw ang taya sa game natin ngayon" wi ka ng isa naming kalaro na si Jacob
"Wag na kaya muna ngayon at malapit nang magdilim" sabi mi Fabianne
"Maglalaro tayo. Baka naman takot ka Fabianne? Sige na nga. Ako na ang taya" pagsang-ayon ko.
"Hindi ako takot noh! Sige game" matapamg niyang sagot sa akin.
***
" Pagbilang ko ng sampu nakatago na kayo" dito ako sa mango tree ng paaralan nagbibilang. Dito kasi kami nila Fabianne at Jacob naglalaro parati eh. Si Jacob ang anak ni tito Tristan na bestfriend ni dad.
" 5, 4,3,2. And 1"
Hinahanap ko na si Fabianne at Jacob. Saan kaya nagtago ang dalawang iyon.
Hinanap ko na sila ngunit hindi ko parin sila nakikita.
"Ahhhhhhhh" may narinig akong tili at alam ko na kay Fabianne yun
"Fabian, s-si kambal mo tulungan natin" sigaw ni jacob kaya sumunod na lang ako.
Takbo kami ng takbo hanggang umabot kami malapit sa isang bangin. Hindi pa ito nakokoral at konektado pa rin ito sa paaralan.
Lumapit ako kay Fabianne na ngayon ay isang kamay na lang ang nakasabit sa isang sanga na konektado sa lupa.
"Fabian, tu-tulong"
"Wag kanang umiyak tutulungan kita , hold my hand"
"Di ko maabot"
"Jacob humingi ka ng tulong"
"Si-sige, babalik ako agad"
"Kaya mo yan Fabianne, iabot mo yung isang kamay mo sa akin"
"Di ko kaya " patuloy pa rin ang agos ng luha niya. Ang ayaw ko sa lahat ay ang makitang umiiyak ang kambal ko.
"Shhh, don't cry. Diba your strong kaya abutin mo na kamay ko. Don't look down"
Malapit na bumigay ang sanga na sinasabitan niya dahil na rin sa tagal ng pagkapit niya rito at sa bigat at natatakot ako na baka mahulog siya.
"Hindi ko na ka-kaya F-Fabian. Bibitaw na ako. I love you Kambal"
Nahulog siya sa ibaba na nakangiti at di ko na siya nakita dahil sa mga malalaking kahoy na nakaharang sa ibaba.
Di ko napigilang umiyak. Ba't ka bumitaw? Di ba sabay tayong la-laki ?
"Fabian, nandito na ako" may sumigaw sa likod ko at nakita ko si Mom na natataranta.
"Where is Fabianne? Nasaan ang kambal mo? Answer me! "
Di ko napigilang umiyak
"Bumitaw siya mom"
Humagolgol ng iyak si mom kaya hinug ko siya ngunit tinulak niya lang ako.
"Bakit mo hinayaang mawala ang kapatid mo Fabian? Bakit? Lumayo ka sa akin! Ang bata bata pa niya!! Naiyak na lang din ako.
Kasalan ko ba na bumitaw siya? Hindi ko man lang napahiran ang luha niya. Umaasa akong buhay pa siya.
May lumapit na dalawang lalaki kay mom.
"Ma'am ito lang po yung nakita namin at wala pong katawan na nahulog mam"
"Tiningnan po namin ang layo ng binagsakan ngunit imposible nang mabuhay kahit sino mang nahulog sa banging iyon"
Kinuha ni mama ang isang sapatos ni Fabianne at yumakap siya rito at umiyak
"Fabianne, fabianne" patuloy niyang sambit habang yakap yakap ang huling gamit ni Fabianne at umiiyak.
Kasalanan ko nga.
Nabalitaan na ito ni dad at umiyak din siya. Mula ng aksidenteng iyon ay may galit na nakatanim si mom sa akin. Linalapitan ko siya ngunit siya mismo nagtataboy sa akin. Parati namang sinasabi nila Dad at Jacob sa akin na " It's not your fault, maybe yun na talaga ang game over ng kanyang buhay" Pero ako pa rin sinisisi ni mom.
Tama naman siya kung hindi lang sana ako nagpumilit na makipagtaguan sa kanya edi sana bu-
* I talk a lot o-*
Nabuhay ako sa tunog ng phone at mabilis kong sinagot ang tawag ng cellphone ko. Pinahiran ko muna ang luha ko at saka sinagot
"Hello"
"Sir, nandito po sa ospital si Sir Stepan at-"
Hindi ko na siya pinatuloy sa pagsasalita at lumabas na ako ng bahay at pumasok sa kotse.
Not again. Not Stefan or Matthew. They're not joining Fabianne.
BINABASA MO ANG
Mr. Snatcher
Teen FictionPaano pag may makasalubong ka na snatcher? Snatcher na gwapo, mayaman at mayabang? Snatcher mo pa ba siyang maituturing kung pati puso mo na snatch na rin?