Another Victim

11 1 0
                                    

Jenny's POV

Nanginginig kong sinamahan si Sir Dy papunta sa office niya raw. Walang nakatatak sa pinto kung anong office ito na mas lalong ikinakaba ko. Hindi pa ako ready. Pano ng future ko huhuhu. Pero napagisip-isipan ko na mas okay ng marape kay Sir Dy kaysa maboyfriend si Estong hahaha ang bad ko.

Dahil sa lutang ako ngayon ay di ko na namalayan na nakapasok na pala kami sa office at isa lang ang masasabi ko. Wow. Ang laki laki tapos ang ganda ng mga furniture na nandito. Kung titingnan para siya kwarto sa isang bahay. Hehe okay na ako kung dito ako matutulog sakaling palayasin ako ni inay hehehe di ako makkikipagshare kay Maricar bwuahhhhaaaa. Joke lang.

Nawala sa isip ko ang rape thingy dahil sa lugar.

"Ms. Alcantara,  have a seat" full of authority niyang sabi sa akin kaya umupo ako sa opposite  niya dahil sa swivel chair siya nakaupo.

"Sir,  bakit niyo po pala ako pinatawag" with a smile kong pagkasabi sa kanya.

"About that, first of all" nagstop siya at tumingin sa aking mata.

"I don't like you but my brother insist na ipagpatuloy ang pagiging guro mo dito" sumingkit ang singkit kong mata pagkasabi niya nun

"Bakit pa kayo nag-aaksayang ihire ulit ako sir kung ayaw niyo naman sa akin. Ano to, araw-araw tayong magplastikan kung magkikita tayo?! " galit kong saad sa kanya. As if na naman like ko siya. May attitude problem yata to eh.

"Bakit? Magkikita ba tayo araw-araw?  Tsk, parang gusto naman makita kita araw-araw" sabi niya sa akin na ikinagulat ko. Pshh feeling. Kaya pala mataas ang singil ng meralco sa paaralan, ang lakas ng hangin eh. Dami sigurong nakatagong aircon dito.

"Sakali lang naman sir" sabi ko sa kanya. He glared at me. Pssh parang takot ako eh di naman

"By the way you d-" Naputol ang sasabihin niya dahil nagring yung phone niya. Ganda ng ringtone, the vamps hehe. I love brad kaya, yung vocalist nila. Ayiii kilig to the bones haha

"Excuse me, I'll just take this call" pageexcuse niya sabay labas ng office.

Ako naman nakatulala lang rito.

Napatingin ako sa isang picture frame sa table niya. Family picture yata nila ito eh. May dalawang kapatid pala siya. Itong maliit, kilalang kilala ko to si bubwit. Tapos ito isa na parang kaedad lang yata to ni Maricar eh   , gwapo rin. Gwapo naman ni sir pagnakasmile. Pero pansin ko lang, lahat sila nakasmile except sa nanay ata ni sir owner. Parang strikta na ewan basta ang lungkot ng mukha niya. Dumako naman ang tingin ko sa fullname ni sir na katabi lang ng frame.  Fabian Marcos Dy.  Ang gandang pangalan naman. Yan din ang ipapangalan ko sa magiging anak ko hehe ang cool kasi pakinggan. So cool pala si Sir owner hehe .

Biglang bumukas ang pinto kaya napaupo ako ng maayos dahil pumasok si sir.

"Okay let's continue " pagsisimula niya sabay upo sa swivel chair niya.

"You don't need to pack your things here. You may go out at puntahan mo na yung students mo" sabi niya habang abala sa mga papeles niya.  May sasabihin pa pala ako sa kanya hehe. Sana magustuhan niya yung suggestion ko.

"Sir may isusuggest ako sa yo, ba't di mo lagyan ng sign na Principal's office para kung may reklamo mapupuntahan ka agad dito, alam mo na hehe" napatigil si sir sa ginagawa niya dahil sa sinabi ko. Nagustuhan kaya niya?

" I am not a freaking principal here Ms. Alcantara. I am the owner so don't mind others business, you're not a businesswoman after all!" galit niyang saad sa akin. Oo nga naman hindi ako businesswoman. May point din si Sir kaya tuluyan ko ng sinirado yung pinto.

No comment  ako, galit eh.

Uwian na nang marinig ko ang kadarating lang na kasamahan namin ni Marissa sa pagtuturo. Panghapon kasi sila. Sila si Christine at Angela.

"Ohh, the bitchfriend are here" sabi ni Marissa sa akin na hindi narinig nila dahil malayo pa sila sa aming kinaroroonan. Hindi na lang ako nagsalita.

"Omg girl, ang hot talaga ng owner ng pre-school na ito" kinikilig na sabi ni Angela kay Christine.

Nadaanan namin sila kaya naririnig namin yung pinag-uusapan nila. Mukahang si Mr. Owner yung topic nila kesyo hot daw, gwapo baka daw may abs.

"Magteteacher ba yun o prostitute? " tanong ni Marissa sa akin.

"Syempre teacher, anong klaseng tanong yun Marissa "-ako

"Ang lalandi kasi" - Marissa

"Wag mo na patulan ang gaganda kaya ng pangalan nila. Angela, angel tapos Christine, christ. Ganda di ba" -ako

"They're just ruining their names. Sabihin mo na lang bitter ka sa pangalan mo, Jenny Jean" panunukso sa akin ni Marissa. Halata namang uuwi akong nosebleed no! May halo kasing American. Amerikanang hilaw shh wag niyong sabihin kay Marissa. Maganda naman yun haha

"Wag ka nga magsimula ng gulo Marissa " saway ko sa kanya

"Pupunta pa pala akong mall. May bibilhin lang akong libro at dun na din ako kakain. Byebye" pamamaalam niya sa akin.  Hayyy uuwi nanaman akong mag-isa.

Naglalakad ako sa daan ng may tumatakbong lalaki papunta sa direksyon ko at binangga ako.

"Araaaay bwisit. Tingin tingin din pag may time" sigaw ko sa lalaki ngunit nakaalis na. Nagmamadali ata.

May nakita akong brown na pitaka kaya pinulot ko. Ano ba yan!  Naalala ko tuloy ang nawawalang pitaka ko. Letse noon binangga ako, nawalan ako. Ngayon naman binangga ako,  dumating naman ito.

May lalaki ding may edad na lumapit sa akin at nagtanong. Simple lang ang suot niya mukhang hindi mapera, sayang joke lang

"Ineng may nakita ka bang lalaking tumatakbo na may dalang bag. Nanakawan kasi ako eh. Yung iphone at pitaka ko nandoon " sabi niya sa akin hawak ang dibdib niya na tila nahihirapang huminga, dahil na rin siguro sa pagtakbo. Siya siguri may ari ng pitakang ito.

"Tatang sa inyo ba itong pitaka?  Ito po nahulog ng magnanakaw kanina. Sayang po di ko nakuha pati bag niyo" kukunin ko sana pati iphone niyo hehe dugtong ko sana.

"Salamat ineng ha. Ang bait mo" sabi ni tatang. Parang hindi naman to mahirap eh at yung mukha pang mayaman. Yung damit nga lang.

"Alam ko po kasi  pakiramdam ng manakawan ng pitaka eh. Hehe tanga lang yung snatcher at hinulog pa yung pitaka pero atleast may iphone siya hehe" nashock ako sa sinabi ko kaya dinugtungan ko nalang baka hindi pa nakamove on si tatang eh

"Joke lang. Sige bye tatang" pamamaalam ako dahil baka kung ano pa magawa ni tatang sa sinabi ko hehe baka naoffend kaya di ko na ako lumingon.

Tatang's POV

Papunta na ako sa kotse ko nang may humablot ng bag na dala ko. Okay lang sana dahil mayaman naman ako ngunit nandoon yung pitaka na nandoon din yung susi ng kotse ko. Hindi ako makakauwi ng wala iyon. Tumakbo ako kahit matanda na ako ay kaya ko pa rin naman at may nakita akong dalagita kaya tinanong ko na.

"Ineng may nakita ka bang lalaking tumatakbo na may dalang bag. Nanakawan kasi ako eh. Yung iphone at pitaka ko nandoon " dahil na rin sa katandaan ay kapos na sa hininga.

May ipinakitang brown na pitaka sa akin ang dalaga at alam kong akin iyon.

"Tatang sa inyo ba itong pitaka?  Ito po nahulog ng magnanakaw kanina. Sayang po di ko nakuha pati bag niyo"

Salamat naman at nakuha niya hahaha "Salamat ineng ha. Ang bait mo".

"Alam ko po kasi  pakiramdam ng manakawan ng pitaka eh. Hehe tanga lang yung snatcher at hinulog pa yung pitaka pero atleast may iphone siya hehe" nakakatawang bata naman ahehehe
"Joke lang. Sige bye tatang" akala niya siguro ay magagalit ako kaya dinugtungan niya.

Pagpalain sana siya ng Diyos.

Mr. SnatcherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon