Fabian's POV
Zzzzzzzz
*I talk a lot of shhh, when I'm drink'n baby I know-
Umagang umaga ang ingay ingay. Dumilat ako at nakita ko ang puting kisame ng kwarto ko. Pinatay ko ang alarm ng cellphone ko. Ang sakit ng ulo. Hindi ko na maalala anong nangyari kagabi. Basta naghiwa- i mean, basta yun na yun tapos pumunta ako ng bar at saka....
Ang sakit na nga ng ulo ko masakit pa tong likod ko. Ano ba tong bagay sa likod ko.
Kinuha ko kung ano man tong sagabal sa paghiga ko.
"Huh? " nasambit ko ng makuha ko ang bagay na ito.
Wallet? Violet na wallet? Ang dami kong katanungan bakit may wallet ako sa kwarto ko. At mali kung ano man yang iniisip niyo dahil hindi ako BAKLA!! Hindi rin ako defensive, nagsasabi lang ng totoo.
Balik tayo sa pitaka. Kanino ba to? Nahagip ng mata ko ang isang jacket na nakasabit sa upan ng kwarto ko.
"Huh? " hayyy puno yata ako ng huh ngayong umaga ah.
Napatingin ako sa wallet ulit at may nakita akong marka ng pagkakagat nito.
"Huh? " sinong bobo ang kumakagat ng wallet? Aso? Wala naman akong aso dito ah. Napaungol ako sa biglang pagsakit ng ulo ko. Mamaya na nga lang ako magdedective conan and gusto ko mag chillax ngayon. Hayy buhay parang life.
Jenny's POV
Nandito ako ngayon sa paaralan. Busy ako dahil nga ay may magtatransfer raw na bata dito at galing daw sa isang mayamang angkan. Halata naman eh, wala kayang mahirap na estudyante dito yung guro lang hehe. Dahil nga ay importante yung batang iyon ay pati ako ay pinalinis dito sa harap mismo ng gate kasi maarte daw ang batang iyon. Magkakasakit daw siya. Letse, mayaman naman siya kaya afford niya yung gamot niya tsk.
Maricar's POV
Heto ako, basang basa sa ul- i mean naglalakad sa daan. Walang masisilung- i mean walang masasakyan. Anong nangyari sa akin ngayon? Wala good mood lang haha. Ako nga pala si Maricar Alcantara, ang oh so cute na kapatid ni Ate Jenny. Grade 6 na nga pala ako sa Sky Academy. Sosyal ang name di ba? Pero may nagsponsor lang sa akin na kumare ni mama. Swerte ako kasi dito ako nag-aaral at dahil matalino naman ako di tulad ng kapatid ko de joke lang haha.
Naglalakad ako sa hallway papuntang classroom ko nanag may nakasalubong akong demonyo.
Mapagtripan nga.
"Ang aga namang naghahanap ng biktima ang demonyo. Wala bang higaan sa hell? Ay oo nga hindi pala natutulog ang mga devil. Tss" pang-asar ko sa kaniya
"Talk to the mirror, idiot"
"Hoy sinong idiot? Ikaw yun boba! "
Ako yata na badtrip doon ah. Ang gwapong lalaki ang galing mang inis letse.
"Tss insane"
Ako. Insane? Si Maricar Alcantara? Insane?
"Hoy ikaw yung insane. Matalisod ka sana mamaya! "
"Tss see you later, Ms. Insane" nagsmirk siya habang sinasabi iyon.
"Ahhhhhhhhhhh humanda ka sa akin mamaya!! "
Hindi ko napigilang sumigaw dahil sa pagkainis ko. Walang hiya siya.
Habang tumatagal nagiging gwapo yung devil na yun, tumataas din yung sungay. Humanda sa akin yun.
Nagstart na yung klase pero hindi pa rin pumapasok ang demonyo. Hala! Wala akong pake sa kanya. Since grade 3 ko naging kaaway ang devil na yun at since grade 3 din siya yung katabi ko sa upuan. Dito sa school namin ay may 2 taong magkatabi dahil na rin sa porma ng table na pangdalawahan ang maaring makaupo. Sad to say parating demonyo ang katabi ng isang anghel na tulad ko. Nagbubuhat ako ng sariling bangko. Ang hirap na nga eh dahil bumibigat na rin. Sa ganda ko ba naman hahaha.
"Mr. , you're late"
"Sorry ma'am something important came up" paliwanag niya kay mam at saka tumabi sa akin. Important daw? Ano kaya yun?
"Okay, let's continue our discussion "
Tumingin ako sa kanya na seryosong nakikinig kay mam. Di ko inaasahan ang bigla niya rin na pagtingin sa akin kaya mabilis akong umiwas.
"Hey insane, I need your help"
Bulong niya sa akin.
Nagulat ako sa binulong niyang iyon. Isang devil na humihingi ng tulong sa isang angel? Asaan ang hustisya?
Matthew? Devil? A devil needs help from an angel? Choos
BINABASA MO ANG
Mr. Snatcher
Teen FictionPaano pag may makasalubong ka na snatcher? Snatcher na gwapo, mayaman at mayabang? Snatcher mo pa ba siyang maituturing kung pati puso mo na snatch na rin?