Shopping
Pagkatapos ng tawag na iyon, hindi ko na mapigilang mag-isip. Ano bang trip niya at bakit niya naman ako tatawagan diba? That ass really... Talagang gusto niya akong inisin.
"So, kamusta ang US?"
Nandito na ako ngayon sa condo. Ilang araw na lang ay magpapasukan na naman. Umuwi na agad kami pagkatapos ng New Year dahil may emergency daw si Daddy sa work. While my mom and brother flew to Makati to attend a board meeting. They own numerous stocks and investment in some of the large company here in the Philippines.
Inangat ko ang tingin kay Sophia. She looks different. Her skin was tan. Nag swimming ba siya buong bakasyon?
"It's fine. I brought you chocolates." Sambit ko at inabot sa kanya yung bag na puno ng cadbury, snickers, tobleron at iba pang klase ng chocolates.
She excitedly grabbed it from my hand. May pasalubong din siya sa akin na bicol express, pili nuts at yung cacao bitter chocolate na galing sa probinsiya nila.
Maghapon kaming nanood lang ng stranger things sa netflix. Kinabukasan ay nag grocery lang kami sa baba ng condo dahil wala na rin kaming stock ng pagkain. Kung alam ko lang na makikilala ko si Sophia ay isang unit na lang ang kinuha namin. Kasi minsan nasa condo niya lang ako tapos pag wala naman ako sa condo niya, kumakatok lang siya sa kabila at siya naman ang pumunta.
"I saw your friend post on IG. Sa New York din pala siya nagbakasyon?" Sambit niya habang may soju na hawak sa kamay.
Kumunot ang noo ko, lito kung sino ang itinutukoy niya. Is she pertaining to Mark? Iyon lang naman kasi ang napapakilala ko sa kanyang kaibigan ko. Kung sa New York nga rin siya pumunta, hindi niya naman sinabi sa akin. Maybe he's mad. Nagkasagutan kami, normal lang na hindi niya ako pansinin.
"Who?" I asked. Kinuha ko ang hawak niyang soju at inilagay iyon sa basket. Ngayon ay may hawak na naman siyang yogurt.
"Sino pa ba. Yung parang boyfriend 'kuno' mo. Mark ba yun?" She smirked.
I shake my head and decided to ignore what she said. Nilagpasan ko siya habang hila iyong push cart. Pero hindi niya ako tinigilan.
"LQ ba kayo?" Dagdag niya pa.
Huminga ako ng maluwag bago siya tinapunan ng tingin. Parehas lang kaming nakashort at tshirt na dalawa. Usually ganito lang ang suot namin tuwing nasa condo lang. Mukha na nga kaming kambal, ang kaibahan lang ay straight ang buhok ko.
"Hindi nga kami, okay?" Ani ko.
"I know naman." She smirked more. Napaawang ang bibig niya na parang biglang may nakita. I was about to glanced my back but she did not let me. Kumunot ang noo ko nang biglaan niya akong hilain paharap.
What is wrong with her?
"Nandyan si River." She whispered.
Mas lalong kumunot ang noo ko. River? Sino?
"Sino yun?" Tanong ko pero bago pa man ako sagutin ni Sophia, bigla na lang siyang umayos ng tayo at tumingin sa likuran ko.
"Hi River!"
Mabilis akong humarap. Ganoon na lang ang gulat ko nang makita kung sino ang kausap ni Sophia. Napaatras ako ng kaonti dahilan ng pagkahulog ng gamit sa cart. Gumulong iyon patungo sa harap, saktong malapit pa sa sapatos ni River.
Oh My God. It was the menstruation pad!
Napahawak ako sa bibig dahil sa gulat at sa hiya. Tinapunan ako ni Sophia ng tingin. Tiningnan ko iyon habang pinupulot ni River. Ngayon ko lang napansin ang suot niya. He was wearing a trunk top and a jersey short. Siguro galing siya ng gym.
I suddenly jumped a bit when I met his eyes. What the hell is happening to me?
Hawak niya na ngayon ang menstruation pad. Mabilis iyon na kinuha ni Sophia at inilagay ulit sa cart. Pagkatapos ay parang wala lang iyon sa kanila at nagpatuloy sila sa pag-uusap. Habang ako, hindi na makagalaw sa tinatayuan.
"Bakit nandito ka? I thought parehas kayo ni Jason ng gym?" rinig kong tanong ni Sophia.
I took my phone out to save myself from awkwardness. Nagpatuloy ako sa pag scroll ng cellphone ko kahit wala naman talagang importanteng meron doon. Nang maramdaman na tapos na sila sa pag-uusap ay inangat ko na ang tingin ko.
"Therese. I'll buy some bacon and meat muna." Si Sophia.
Kumunot ang noo ko nang mabilis niya akong nilagpasan. Nasa kabilang section pa iyon pero pwede namang isama niya na lang ako?
"Sama ako!" Sambit ko pero mabilis siyang lumiko at nawala.
Napailing ako at tiningnan ang cart namin na halos puno na. I was hesitant to push the cart so I can follow Sophia but I when I saw River still standing there, I decided to continue.
I know I was being rude not to greet him. Kung tutuusin ay magkakilala na rin naman kami. Pero kung mamalasin nga naman, nahulog na naman iyon ang menstruation pad.
"T-hanks." Mahinang sambit ko nang ibigay niya sa akin iyon.
"You're welcome." Aniya. I can feel that he is staring at me.
I pushed the cart and I know that he's following me. Hinayaan ko na lang siya at hinanap na lang ang kaibigan pero nang makarating ay wala naman siya roon.
I sighed. Saan naman kaya iyon pumunta. Pasimple akong tumingin sa gilid ko, nakasunod pa rin si River! What an unlucky day.
"Do you need something?" I asked. Hindi ko na talaga napigilan.
Napaawang ang bibig niya. He pursed his lips and a smile pass through his face. Pero nang itinaas ko ang kilay ko, napaayos siya ng tayo. Hindi ko alam kung namamalik-mata lang ba ako o ano.
"Wala." Aniya.
Tatalikod na sana ako pero nagsalita ulit siya. I don't want to talk to him but he was trying to strike a conversation with me..
"So, don't y-ou know me?" He stuttered to asked. Is he scared to me? I mean... why would he stumbled?
"You are River." I said as my forehead creased. Hindi ko alam kung anong gusto niyang iparating.
He look away as he brushed his hair using his hand. Mas lalong kumunot ang noo ko. He's unpredictable. Binalik niya ang tingin sa akin at nang makita niyang nakatingin pa rin ako sa kanya, napaawang ang bibig. He bite his lower lips.
"I want to be your friend."
Ako naman ngayon ang napaawang ang bibig. All of the sudden? He wants to... what?
"If you don't mind." Mabilis na sambit niya ng hindi ako magsalita.
Gulat pa rin ako. Siguro ilang segundo na rin ang nakalipas ay hindi pa rin ako nagsasalita. I honestly don't want him. I maybe judgemental, yes. But I won't come up with my conclusion without him providing me his vivid gesture.
Assuming lang ba ako? Hindi ako makahanap ng rason kung bakit bigla na lang siyang narito at sumusunod sa akin. Gusto niya ba akong maging kaibigan dahil sa nakita ko? O baka naman gusto niya ako maging isa sa paglalaruan niya.
~~
YOU ARE READING
Sadyang Mapaglaro Ang Tadhana (Feeble Love #2)
Novela JuvenilIn the first place, she knows it would drown her. River, a person nor place was supposed to be her comfort zone but it turns out to be a curse.