Annoyed
"Ang hilig pala mag regalo ng family mo ng property. Sa susunod sana yung club naman para libre na kami palagi." Si Jessa.
Bahagya akong napatawa. Kahapon pa kami nakauwi galing Batangas at ngayon, nasa condo na kami. Today's officially my birthday. Lunes ngayon at dahil sa hapon pa naman ang pasok namin, nandito sila para tulungan ako mag distribute ng mga goods.
I started the Hope You Care fundraising for a purpose since then with the help of Miss Jennifer. I decided to help the street people and the homeless this time. Ang sakit lang isipin na nakakaranas sila ng diskriminasyon araw-araw. Pilit na iniiwasan, pinangdidirian at higit sa lahat tinatapak tapak ang pagkatao. We need to open our mind, understand that they are just human too. Gaya natin, tao rin sila. Have compassion at least.
"Where's the location by the way? And do we need to bring all this stuff?" Lorraine asked.
I nodded. We are wearing a white crop tee printed with Hope you Care logo na kulay asul at hugis puso.
"Malapit lang sa school."
Nagkalat ang malalaking box ng brand ng health care product sa paligid ng condo ko. Papunta na si Miss Jennifer para ipick-up ang mga ito. Dito lang din naman sa covered court ng barangay ang location. Nakipag coordinate na rin naman kami sa mga opisyales ng barangay kaya maayos na ang lahat. Napag-alaman ko rin na isa ito sa problema ng barangay at hindi nila matugunan dahil nga hindi sapat ang pondo.
"Hindi ba sasama Mark? And your other friend, si Sophia?" tanong ni Jessa kaya napahinto ako at napatingin sa kanya.
Pagkatapos kong marinig ang pag-uusap nila Tito at Tita, naramdaman ko ang pag-iwas ni Mark sa akin. I've known Mark for so many years. Bata pa lang ay kaibigan ko na siya, at masasabi kong may punto si Tita Milla. Indeed, he dream to be an engineer and to inherit their business someday. Sa UST dapat siya mag-aaral pero ng malaman niyang sa ibang school ako, gumaya siya. I did not ask him why he choose to study Psychology. Akala ko, nagbago ang gusto niya. At kung totoo nga ang naiisip kong dahilan niya ngayon, hindi ko na alam.
Bakit niya naman ako pipiliin kapalit ng pangarap niya?
"Susunod na lang daw si Sophia." Sambit ko. Hindi ko na binangit si Mark dahil hindi ko naman talaga alam kung nasaan siya.
A minutes later, bumaba na rin kaming tatlo dahil nasa baba na rin si Miss Jennifer. She was wearing beige two piece coat suit. Napansin ko rin na blonde na ang hanggang balikat niyang buhok. Wow! She looks different.
"Happy Birthday Therese." Sambit niya, may inabot na isang paper bag at niyakap ako.
"Thank you always, Miss." I whispered.
She's always been there for me. Alam kong trabaho niya ito pero kahit kailan hindi niya pinaramdam na ginagawa niya lang ito para sa trabaho. She's sometimes a mother, sister and a friend.
"By the way, your parents called. They're waiting for you."
I gently nodded. Kahit naman busy, hindi nawawala sila mommy, exemption nga lang yung incident na nangyari years ago. Kaya ngayon mas lalo silang naghihigpit sa akin at gusto nilang palagi ng kasama because of some... trust issues.
"Is she your secretary? Ang yaman niyo pala talaga." Sambit ni Jessa pero hindi ko na siya nasagot dahil sa natatanaw sa harap. While Lorraine only chuckled.
Kumunot ang noo ko. The car was familiar. Is that kuya? Pero busy siya sa business at paniguradong nasa Antipolo iyon.
It was a Black Ford Everest, as I was expected, lumabas doon si Kuya Andrew with his usual cheery smile. Napansin ko na magulo ang buhok niya.
"What are you doing here?"
"That's not what you greet your handsome brother, Therese." He said before he step closer to hug me. I rolled my eyes lazily.
"Happy Birthday. Kuya will always be here for you." He whisphered.
I chuckled because the way he say it, he sounds emotional.
"I know, but let me breath at least!" Ani ko, dahil mas humihigpit ang yakap niya.
Naramdaman kong natawa rin si Lorraine at Jessa sa likod ko. Kilala naman na nila si Kuya.
"Let me drive you okay? Mom kept on calling me. She couldn't contact you, why is that?" Nakataas ang kilay na tanong niya. He really resemblance my Dad.
Nagulat ako dahil hindi ko na naman hawak ang phone ko. Kinapa ko iyon pero wala naman sa bulsa at bag ko.
"I t-hink I left my phone." I said.
Kumunot ang noo ni Kuya. Sa huli ay tinawagan niya na lang si Miss Jennifer na ipadala na lang ang phone ko. I was about to open the front seat but Kuya Andrew stopped me.
"May aso dyan. Sa likod ka." He boredly said.
I shrugged. Kailan pa siya nahilig sa aso? Nasa likod na sila Jessa kaya sumunod na rin ako at tumabi sa kanila.
I opened the door. Nakita ko agad na nakatingin ang dalawa sa akin. Kumunot ang noo ko.
"Why? May dumi ba sa mukha ko?" Tanong ko.
Lorraine shook her head while Jessa leaned on me to whisper. " Tumingin ka sa unahan."
Nasa tapat ko ang upuan sa unahan kaya hindi ko masyadong makita ang nakaupo roon. Iyong aso ba na sinasabi ni Kuya ang tinutukoy nila?
After a minute, pumasok na rin si Kuya Andrew na may dalang bottled of water.
"Wake up, you rascal!" Itinapon niya ang tubig sa katabi.
My forehead creases. Is he talking to the dog?
"Kuya--
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil sa biglaan pagsalita ng nasa unahan ko.
At alam kong hindi iyon aso."Fuck you Thomas! I wanna fucking kill you." Matigas na ingles na ani nito.
I remained silent, ganoon din ang dalawa. Hindi pa siguro kami nakikita ng kasama ni Kuya. The man keep on murmuring something, but it was more like he's uttering profanity.
"You are such a loser Alfeir. Don't get drunk if you can't handle yourself. At sa susunod iiwan na kita sa bar. I would not care anymore." Ani ni Kuya sa katabi. He sounds annoyed.
Did he just said Alfeir?
"Well then. Should I thank you for being a good fucking friend?" The man said. Sa bawat salita, hindi nawawala ang mura.
It's getting uncomfortable listening to their conversation. Hindi ba nila kami nakikita rito? Jessa gave my shoulder a nudge. She typed something on her phone at pagkatapos ay itinapat niya iyon sa akin kaya binasa ko naman.
"Is he the guy again? The law student? Omg halata na kakagising niya lang at ang gwapo niya. Tingnan mo kasi!"
I shook my head. Hindi ko na pinansin ang sinabi ni Jessa. Kung si River nga itong sa harap.... wala na akong pakialam. I should not care. Why should I, right?
Kumunot ang noo ko ng mapansin ang gulat na mukha ng katabi. Napaawang ang bibig ni Jessa samantalang nakatakip naman sa bibig si Lorraine. And I don't understand why...
"Get your shit out of here. Mahiya ka naman, may mga tao sa likod mo!" Sigaw ni kuya.
Mas lalong kumunot ang noo ko. "Kuya? Could you please hurry." Sambit ko dahil masyado na silang mainggay. I sound annoyed. And it's really uncomfortable.
Hindi ko lang alam kung magsisisi ba ako dahil biglang tumahimik sila. Lahat sila nakatingin na sa akin. The man peeked from behind. Nagkasalubong ang mga mata namin. He look surprised. I stare at him with my forehead creased as he bite his lower lips. Bumaba ang tingin ko... that's when I realize he's topless.
I averted my look, I remained myself in control. Trying to hide the palpitation that I'm feeling inside.
~~
YOU ARE READING
Sadyang Mapaglaro Ang Tadhana (Feeble Love #2)
Genç KurguIn the first place, she knows it would drown her. River, a person nor place was supposed to be her comfort zone but it turns out to be a curse.