Friend Request
"Congratulations! DL tayong apat!" Jessa said happily.
Nasa harap sila ng bulletin board samantalang nasa gilid lang ako, iginagala ang tingin sa paligid. I'm acting weird, I know. Napansin iyon ni Mark kaya tumigil ako at humarap na lang kay Jessa.
Simula kasi yung nangyari sa Antipolo, hindi ko na nakita si River sa school.
Bakit parang palagi ko na siyang hinahanap? Siguro nasanay lang ako na madalas ko siyang nakikita dati kahit saan. Ayoko naman tanungin si Sophia kasi baka ano pa ang isipin niya."Libre ko. Samgyup house tayo!" Si Lorraine.
Tahimik akong tumango, nasa loob lang naman iyon ng campus. Mabilis na ikinalabit ni Jessa si Lorraine at nauna na silang maglakad. Si Mark naman tumabi lang sa akin, tahimik at sabay naming sinundan ang dalawa. Sa amin na ulit siya sumasabay lately. Pinapansin niya na nga ako pero ewan, iba na siya. So near yet so far. Ganoon siya.
"May hinahanap ka?" Tanong niya. Nakataas ang isang kilay.
"Ha? W-ala!" Mabilis na sambit.
Hindi niya na ako tinanong pa ulit at tumahimik na lang siya hanggang sa makarating kami sa samgyup house. He opened the slide door for me.
"Thanks." I said.
Kumaway agad si Lorraine sa amin, nandoon sila sa unahan. And daming tao ngayon.
"Okay na ba talaga kayo? What happened ba kasi?" Bulong na tanong ni Lorraine.
Nasa tabi ko siya habang kaharap namin ang dalawa. I didn't bother to answer Lorraine. Siniko ko siya nang mapansin na nakakunot noo si Jessa. Nagtataka kung ano ang pinag-uusapan namin. Mark started to grill the beef.
"Ang talino mo talaga nu? Sayang lang kasi 2 points na lang nasa President's list ka na sana." Si Jessa.
Mark chuckled. He's smart. Kahit naman nung high school pa kami, siya talaga ang pinaka matalino sa batch namin. Pero hindi ko talaga alam kung bakit Psychology din ang kinuha niya. Is it because of me? Hindi naman siguro.
"Psychology ba talaga ang gusto mo? Nung hiniram ko kasi yung notes mo may nakita ako dun." Tanong pa ni Jessa na para bang nabasa niya ang naiisip ko.
The atmosphere changed. Natigil si Mark at napaiwas ng tingin, samantalang naghihintay lang kami ng isasagot niya. He's uncomfortable with the topic. Ako lang siguro ang nakapansin nun. Kaya kahit gusto kong marinig ang sagot niya...
"Ah malapit na ang next subject natin. Maybe we should leave now." Ani ko.
We went back to our building. Mark was still silent. Tumabi na siya sa akin ngayon pero hindi ko pa rin siya maramdaman. Paminsan minsan nahuhuli kong nakatingin sa amin si Jessa pero umiiwas naman siya at ngumingiti.
It's been my hobby to observe people. By just giving them a deep glance, I could say what they feel. Kaya pakiramdam ko iba ang salita at kilos ni Jessa sa totoong nararamdaman niya talaga. Si Mark, hindi ko alam kung aware ba siya na may gusto sa kanya yung tao.
"Grabe ngayon lang ulit kita nakita? How's life?" Si Sophia.
Totoo nga. I've been very busy with school stuff. Hindi ko na rin siya madalas maabutan at nakakasabay tuwing dinner kasi madalas wala siya. Probably been active with her night life.
Nakahiga siya sa kama ko habang kumakain ng ice cream. She's a mess really.
"Like the usual." I said. Nakaharap ako sa laptop.
Naramdaman ko siyang tumayo at kalaunan umupo sa harap ko.
"You know. You should live with your life!"
Kumunot ang noo ko. What does she mean?
"Sumama ka sa akin minsan. I frequent saw your friends in the club. Pero ikaw, palaging school at condo lang. What's up?"
I shook my head. I am probably the most different one. Iba kasi ang lifestyle nila talaga sa akin. I love books, netflix series, adventures, helping people and would rather choose a peaceful place over the noise of the club. Little things can make me smile, salty air, smell of the sea, everything about nature. I really enjoy my life and I don't understand what she's implying.
Hindi ko na lang siya pinansin at umalis para kunin ang flashdrive ko sa bag. Pero pagbalik ko, nasa harap na siya ng laptop ko.
"What are you doing?" I asked but barely she smirked.
Mabilis kong kinuha sa kanya ang laptop. She opened my facebook account and what she did was invasion of privacy! Ewan ko ba kung bakit naging kaibigan ko itong si Sophia!
Binuksan ko ang messenger pero wala naman siyang ginawa roon. Nandoon pa rin yung mga unread messages na galing sa ibang club members at sa ibang high school friends. But suddenly when the name pooped up.
River message
Thanks for finally accepting my friend request. I assumed we are officially friends now?
Tiningnan ko ng masama si Sophia. Pero wala siyang pakialam at nagkibit balikat lang. She continued with her ice cream.
"Adding some spice in your life." She smirked before she left my room.
Sophia!! I would probably kill her. Tiningnan ko lang ang screen ng laptop. Should I reply? Ano naman ang sasabihin ko?
1 new message
River Alfeir Salvarez:
Busy?
Ipinikit ko ang mga mata ko. Sa huli ay isinara na lang ang laptop at hindi na nag abala pang magreply. Matagal din na hindi ko siya nakita pero ngayon, hindi ko alam ang sasabihin ko. I opened my phone and decided to reply. I should thank him at least for not leaving me when I was having a hard time.
"Hi! Thank you for being nice to me last time. Kahit hindi mo naman kailangan gawin iyon dahil lang sa dare ni Kuya." I pressed the send button.
Ipinikit ko ang mga mata ko. My heart was rapidly beating. Bakit ganito? Pero hindi pa nga nag-iisang minuto, my phone instantly beeped again.
River Alfeir Salvarez:
No prob. Don't think it as a dare. It's my pleasure to help and If there's another next time, I am willing to do it again.
Mabilis kong isinara iyon at hindi na nagreply pa. Thinking of it made me loose my mind. Ngayon ko lang napansin na ang pangit pa lang isipin na kami lang dalawa sa sulok ng kakahuyan... walang masyadong kapitbahay at malakas pa ang ulan. Nakakahiya!
"Hey, dinner's ready."
Binuksan ni Sophia ang pinto kaya napaayos ako ng upo. Siguro gulong gulo na ang buhok sa frustration.
"W-hy are you blushing?" Tinuro niya ang mukha ko habang natatawa.
Like Oh my God. Totoo ba?
"I am n-ot!" Pagtanggi ko kahit hindi ko naman talaga nakikita kung ang itsura ko ngayon.
"Bahala ka nga." Sambit niya habang natatawa pa rin. Natigil lang nang may isinagot siyang tawag kaya lumabas siya.
I was panicking when I faced the mirror. And there, I confirmed. My face was so red and its embarrassing. Bakit ba ganito? Bumukas ulit ang pinto kaya napaayos ulit ako. It's Sophia. Can't she use the door and knock?
"Hey. I have visitors, uwi lang ako sa kabila."
"And uhm can I invite them for a dinner?" She said while hiding a smirk.
Them? Don't tell me.... Oh God!
YOU ARE READING
Sadyang Mapaglaro Ang Tadhana (Feeble Love #2)
Novela JuvenilIn the first place, she knows it would drown her. River, a person nor place was supposed to be her comfort zone but it turns out to be a curse.