Feelings
"Saan ka galing?"
Hindi ako sumagot at mabilis na binuksan ang condo at padabog na sinarado ang pinto. Huminga ako ng maluwag at hindi pa rin maalis sa isip ang nangyari. Naaamoy ko pa ang pabango niya na kumapit sa damit ko!
"Hey! You okay?" Si Sophia, malakas ang katok sa pinto.
Gusto ko munang mapag-isa sa ngayon. This puzzled feelings... I swear I'm in trouble.
Hindi ko na sinagot si Sophia. Mabilis na akong nagtungo sa closet at nagkuha ng damit para makaligo na. I could not believe what happened. Ni hindi na ako nakapagpaalam kina Lorraine. Pagkatapos maligo ay iyon nga ang ginawa ko. Nakita ko na may message nga ang dalawa at hinahanap ako.
To Lorraine;
Huwag niyo na akong hanapin. Umuwi na ako.
Huminga ako ng maluwag. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko. I did avoid him. Pero bakit... palagi pa rin kaming nagtatagpo.
Alam kong ayaw ko sa kanya dahil alam kong hindi siya makakabuti sa akin. He gave me anxiety! Hindi na siya maalis sa isip ko. Kahit hindi ko pa naman siya tuluyang kilala, masasabi ko na playboy siya. He's the type of guy that could easily make the girls fall for him. Yung tipong hindi nagseseryoso at takot sa commitment.Pero bakit ko ba iniisip ang mga bagay na ito!
Kinabukasan, late na akong nagising dahil hindi ako masyadong nakatulog kagabi. I hate to admit that it's all because of him. Bakit ba hindi siya maalis sa isip ko! Sana naman ay hindi ko siya makita ngayon.
"Hello?" I answered my phone. It was my brother. Naglalakad na ako ngayon papunta sa building namin.
"You want to come with me? I'll be going to Antipolo next week." sambit niya sa kabilang linya.
Mahina akong napatili. I badly need this break. Sakto naman sa schedule ko. Semestrial break na next week. Its been a while since we visit Antipolo. My grandparents brought me a rest house as a gift on my debut. They knew that I love everything about nature. May ilog na katabi iyon at nasa overlooking. May bahay din naman kami roon but I would choose to stay on my rest house. Sayang naman.
"Umuwi ka na kagabi?"
I sighed. As much as I don't want to recall what happened last night, its inevitable. Gaya ng lalaking iyon. Kahit pilit kong iniiwasan, mas lalo lang lumalapit.
"Yeah." Mahinang sambit ko kay Jessa. Papunta kami ngayon ng library dahil sa case study tungkol sa confusing issue na gagawin.
Kumunot ang noo ni Lorraine, may panghihinala sa mga mata.
"I think I saw you with a guy?" She said but she kinda doubt what she was saying.
Napapikit ako. I silently pray that they would not recall that night anymore. Kasi paniguradong gagawan nilang issue. Nauna na akong pumasok sa library. Samantalang nag-iisip pa rin si Lorraine kung nakita niya ba talaga akong may kasamang lalaki kaya nahuli. She was drunk. Hindi niya iyon maaalala.
Nakahinga lang ako ng maluwag ng tuluyan na silang nagsimulang gumawa. I look at them, both seemed serious. Medyo mahirap nga naman ang pinapaggawa samin knowing that its off topic. Nevertheless, I prefer not to complain. Kasi kahit papaano naman, matututo ako kahit mahirap at hindi tinuro sa amin kung paano. By doing it on my own way, in the end it would benefit me at least.
I was about to pull the book from the shelves but I stopped by doing so when I saw a familiar face. Leaning on the rims, he was calmly reading a book but his eyes was sharp gawking on mine. I read the cover of the book that he was holding, engraved on there was Obligations and Contracts.
Napaawang ang bibig niya ng makita niya akong nakatingin sa kanya, mabilis ulit na binalik ang mga mata sa binabasa. I immediately plucked the book that I was eyeing earlier from the shelves. Pagkatapos ay hindi na nagdalawang isip na bumalik sa mesa. Kaya lang, nagulat ako pagbalik ko dahil nandoon na rin si Mark. Hindi ko alam kung babatiin ko ba siya o tahimik na lang na uupo. Its been months already since I last talk to him. And I kinda feel bad about it.
"Hi!" Mahinang sambit ko nakatingin sa kanya, mabilis siyang napaangat ng tingin sa akin, napaawang ang bibig.
"H-i." Simpleng ani niya.
Ngumiti ako bilang tugon pero hindi ko na ulit siya pinansin dahil nasa library pa naman kami. I know I told him that we would never be friends anymore if he kept on acting that he owns me. Pero siguro naman napag-isip isip niya na ang sinabi ko sa kanya? I don't really want to lose him. He's my best friend.
"Ang sakit sa ulo nun! Grabe!" Si Jessa.
Walang professor na dumating pagkatapos. Nasa classroom na kami ng mag announce na hindi na raw papasok si Sir. Well, its a good thing.
"Tapos bukas, exam na!!" Patuloy niya.
She keep on ranting and we let her. Sinabayan pa siya ni Lorraine kaya mas lalo silang umingay. I can feel that she's pressured. Given that she's scholar. Kailangan talaga na walang bagsak at mapanatili niya ang grade niya hanggang sa huli. Well, I'm confident that Jessa can make it. She's hardworking at matalino siya.
"I need to go home now." Sambit ko at tumayo na.
Biglang tumayo si Mark pagkasabi ko. Kaonti na lang ang natitira sa room ngayon dahil siguro maaga rin umuwi ang karamihan dahil bukas na nga ang simula ng exam.
"Can we... talk." Mahina iyon pero sapat para marinig naming tatlo.
Tumungin ako kay Jessa pero umiwas siya ng tingin. Kahit naman pabiro niyang sinasabi na crush niya si Mark alam kong totoo ang feelings niya. I've been observing her. The way she look on Mark, and the way she divert her eyes when Mark was looking at me.
"Sure. Ahh Jessa, Lorraine sabay na rin kayo. Di pa ba kayo uuwi?" Tanong ko. Umiwas ng tingin sa akin si Jessa. Si Lorraine naman ay naglalagay ng liptint sa labi.
"Hindi na--
"Okay--
Napatingin kami kay Jessa. Sa huli ay huminga siya ng maluwag at tumayo na rin.
"Hindi na kasi may dadaanan pa ako." Sambit niya at pilit na ngumiti.
I can sense on the first glance what a person feel. At kung hindi nga ako nagkakamali...
"You sure?" Kumunot ang noo ko. Nakakunot noo rin si Lorraine habang naghihintay ng sagot ni Jessa. While Mark, he just shrugged.
"Of course! See you tomorrow. Fighting!" She said and she's back on being bubbly again.
But I am not convinced. Something is wrong.
~~
YOU ARE READING
Sadyang Mapaglaro Ang Tadhana (Feeble Love #2)
Novela JuvenilIn the first place, she knows it would drown her. River, a person nor place was supposed to be her comfort zone but it turns out to be a curse.