Chapter 16

24 5 0
                                    

Chapter 16

Ang daming nangyari pagkatapos mawala ni Mama. Kagaya ng huling bilin niya ay ipinagbenta ko ang bahay namin sa Batangas. Tinulungan ako ni Tito Fil na ayusin ang mga papeles na kailangan. Hindi na rin naman nanggulo si Tita Faye. Though isinumpa niya na hindi pa kami tapos, wala na akong paki alam.

We stayed in Manila for good. Doon ako nagtapos ng Senior High School sa school nila Waven. When I turned 18, umalis na kami sa puder nila Lolo. Hindi naman nila kami pinigilan. Pwede naman daw kaming bumalik sa kanila anytime. Mababait naman sila pero gusto nilang isuko ni Dale ang pangarap niyang maging Doctor. Kung pangarap ko, okay lang pero pangarap 'yon ng kapatid ko. Gusto kong matupad niya 'yon.

Mabuti na lang at pinatuloy kami ni Jao sa apartment nila ng libre. Binigyan din ako ng part-time job ni Waven sa milktea shop nila. Pansamantala muna akong tumigil sa pag-aaral pagka-graduate ng Senior High. Tinanggap ko na rin kasi ang offer ni Guia sa pagmo-model. Iyon muna ang pinili ko. Tutulungan daw nila kami ng mga kapatid ko na magsimula ng bagong buhay. May tiwala naman ako sa kanila dahil Tita ng boyfriend ni Gab ang CEO noon.

"Aalis ka?" Tanong ko kay Bea. Medyo naninibago pa rin ako na tawagin siya sa pangalan na 'yon. Ilang buwan na rin ang nakalipas nang makalabas siya sa hospital. I'm so happy nang magising siya. Tatlong buwan din kasi siyang comatose.

A lot of things have changed. Sobrang overwhelming ng lahat para sa aming pareho.

"Sasama na ako sa Dad ko sa Australia." Huminga ako nang malalim. Ayokong mapalayo siya sa akin kasi halos buong buhay ko kasama ko siya pero magiging selfish naman ako kapag ganoon.

"Baka umalis din kami rito." Pumirma na kasi ako ng contract sa agency nila Guia. Nag-request ako na kung pwedeng sa malayong lugar ako. May branch sila rito sa Manila. Doon kami tinuturuan tungkol sa pagiging model. Doon muna raw ako habang inaayos pa ang mga papel ko para malipat ako sa agency nila sa New York kung saan naniniwala sila na malaki ang opportunity na naghihintay sa akin.

"Do you think magiging maayos ang buhay natin?" Bea asked.

"Sana. I don't want to stay like this forever. Ano 'yon? Sad na lang ako everyday?" Pareho kaming natawa but I know pain can be seen in our eyes.

"We don't deserve this, Mary." She hugged me and I hugged her back.

"I know...We just need to be strong."

"We are already strong." I guess she's right. We are strong kasi despite what happened to our life, nandito pa rin kami at lumalaban.

"Don't forget me." Mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kaniya. I'm afraid na baka huli na 'yon o matatagalan pa bago maulit. "See you soon. Call me okay?"

"I will."

Mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kaniya bago siya tuluyang pakawalan. We we're both crying while waving our hands to each other hanggang sa tuluyan na siyang sumakay sa kotse at mawala sa paningin ko.

I promised na kapag nagkita ulit kami ay okay na ako. Sana siya rin. Maybe some things have to end for better things to begin.

Kaya naman ipinagpatuloy ko ang buhay ko. Mahirap man, nakakapagod at nakakalungkot pero kinakaya at kakayanin pa. Umuwi ako sandali sa Batangas nang ayos na ang mga kailangan namin para sa pag-alis. Nagpaalam ako sa mga kaibigan ko at siyempre pati sa pinaka paborito kong Kuya sa lahat.

"Iiwanan mo rin pala ako."

Alam na ni Kuya Jackson na buhay talaga si Annavel but sadly, hindi siya nakapagpaalam bago umalis ang kaibigan ko papuntang Australia. Hindi ko nasabi sa kaniya after ng libing ni Mama kasi nawala rin sa isip ko. Nagalit pa nga siya sa akin noong una pero hindi naman niya ako natiis noong nagpaalam ako na aalis din.

Scars And Stars |✓ (Dela Vega Series #3)Where stories live. Discover now