Chapter 17

24 5 1
                                    

Chapter 17

"I know ayaw mo na bumalik sa Pilipinas pero kailangan natin umuwi, Shan." Pagod na pagod ako kasi sunod-sunod ang shoot ko. Nagkaroon pa ako ng chance na makarampa sa Fashion Show sa Paris noong isang araw pero heto at iyon ang bumungad sa akin.

"Guia, ayoko. Besides okay naman ako rito sa New York. Pagpahingahin mo muna ako. Marami naman tayong ibang models ah."

Ayokong pumunta sa Pilipinas. End of discussion. Period.

"I'll let you rest for 20 minutes and then we will talk." Umalis na siya after noon pero kagaya nga sinabi niya, bumalik siya after 20 minutes.

"Kung inaalala mo ang tungkol sa nangyari sa airport noong huli kang pumunta sa Pilipinas, don't worry. Walang makakaalam. Ipo-post ko ang picture niyo nila Miss Tessa sa araw ng pagdating natin sa Pilipinas."

Well, si Guia nga pala ang may hawak ng IG account ko. Siya ang nagpo-post ng mga kailangang i-post. Pero 'yung luma kong IG nasa akin pa rin, naka-private lang at ilang taon ko na ring hindi nagagamit.

"Do you think I'm that shallow, Guia?" Hindi lang naman iyon ang dahilan kung bakit ayokong bumalik sa Pilipinas. Marami akong reason at isa na ro'n si Viel. I don't love him na pero ayoko pa rin siyang makita.

"May iniiwasan ka? Iyon ba?" Tumango ako. Of course she also know about it. Nag-rant kaya ako sa kaniya before. "Malawak ang Pilipinas. Besides 10 years na 'yon at may Leo ka na. Be professional."

I hate na tama siya. Kainis.

"Ano bang gagawin ko sa Pilipinas? Bakit hindi na lang ako mag-stay here? Malapit na matapos ang contract ko 'di ba?"

"Exactly. Malapit na matapos ang contract mo and gusto ng CEO natin na makita ka ulit. Nakakahiya naman sa kaniya kung tatanggihan mo ang hiling niya after all the things she did for you. Kaya wala kang choice." Napasimangot na lang ako sa mga sinabi ni Guia. She's right. "Interview and photoshoot lang naman muna ang gagawin mo ro'n. Hindi ko pa alam kung may welcome party since matagal ka ring nawala sa Pilipinas."

Right. I don't have a choice. I have to keep in mind na lahat ng success na meron ako ay dahil kay Tita Roce, Tita ni Riki. Hindi ko masusuportahan ang mga kapatid ko financially kung hindi niya ako tinulungan. Marami na siyang naitulong sa akin, the least I can do ay umuwi muna sa Pilipinas since hindi ko na siya napagbigyan sa pagre-renew ng contract.

"Malay mo may sariling pamilya na ang ex mo sa Pilipinas or baka nasa ibang bansa siya. Pero kahit naman magkita kayo parang balewala na lang siguro kasi mga bata pa naman kayo noon. Unless... may feeling ka pa sa kaniya?"

Inirapan ko si Guia. "The f? What is Leo then? A bandaid?"

"For what? For your wounded heart?"

Talagang inasar niya pa talaga ako ha.

"Stop it."

"I'm sorry, sinabi mo na nga pala noon na you already move on. Magaling na ang sugat but how about the scars?"

"Guia naman. The scars is still here and it will always be here to remind myself of what he did to me.:"

"Oo na, pikon ka pa rin talaga kapag siya ang usapan."

I'll be gone for weeks or months, Idk. Pupunta ako sa Pilipinas for work🙄

Nag-update lang ako sa mga kapatid ko sa group chat namin bago ako nagpahinga nang makarating ako sa apartment namin. Hindi biro ang presyo ng mga bahay rito kaya ikino-consider na rin naming magkakapatid na lumipat sa ibang bansa after ng retirement ko. Siguro ay sa South Korea but gusto ni Dale na bumalik sa Pilipinas kaya hindi pa kami makapag-desisyon. Nasa hospital si Dale. Resident Doctor pa lang siya ro'n but I'm so proud. Hindi madali ang makarating doon ano. Minsan na lang kami magkita kahit na magkasama lang kami sa apartment dahil pareho kaming busy. Si Viviane naman ay nasa South Korea. Kung wala lang si Bea ro'n ay hindi ko siya papayagan. She's pursuing her dream there. Trainee siya ro'n at malapit ng mag-debut. Same company sila ng asawa ni Bea. Kaya naman kahit papano ay kampante ako na maayos ang kalagayan niya.

Scars And Stars |✓ (Dela Vega Series #3)Where stories live. Discover now