Chapter 18

24 5 0
                                    

Chapter 18

Hindi ko na na-enjoy ang pangalawang araw ng pahinga ko dahil sa pagtatago kay Viel. I made sure that no one can enter my room. My door and windows are locked all day. Nabuksan lang 'yon nang nagpa-deliver ako ng pagkain. Pero hindi ko pa rin binuksan agad ang pintuan. Sinigurado ko muna na hindi si Viel ang bubungad sa akin.

I know para akong tanga sa ginagawa ko but ayoko ko siyang makita.

Ayoko ng naging effect niya sa akin kagabi. He hypnotized me using his hazelnut eyes kaya siguro nag-relapse na naman ako kagabi at nag-isip ako ng mga what ifs about our past bago ako natulog. I even questioned if I really want to marry Leo. Hindi talaga maganda ang pag-uwi ko rito e. Nagugulo ang mga plano ko sa buhay.

Mabuti na lang kinabukasan ay may trabaho ako outside the resort. Gabi na siguro kami makakauwi. Maliit lang ang chance na makita ko siya ulit kapag ganoong oras.

"Naka-upload na ang interview mo with Viel sa channel ni Seo." Sabi ni Guia habang naghahanda kami sa photoshoot. Inaayos na ng hairstylist ko ang buhok ko.

"Ang fast naman nila mag-edit." Two days pa lang ang nakakalipas ah?

"Panoorin mo." Ibinigay sa akin ni Guia ang phone niya.

Sa unang part pa lang ng video ay naiinis na ako. So, ibinoto pala talaga kami ng mga subscriber ni Kuya Seo para sa interview. Isinama nila sa video 'yung pagrereklamo ko. Parang sinadya nila na magmukha akong affected pa rin. Kung hindi ko siguro kilala ang sarili ko, mapapaniwala ako na affected pa rin ako. But thankfully I know myself. The video ended after sagutin ni Viel ang mga huling itinanong sa amin.

He still love me? He regret losing touch? Talaga ba? Ayokong maniwala.

Alam talaga ni Kuya Seo at ng team niya kung paano makukuha ang atensyon ng viewers because we are trending and they are all waiting for the next part.

"Paano naman nila nalaman na naging kami ni Viel before?" Bakas sa boses ko ang inis. Paano ba naman, mukha talaga akong affected sa video na 'yon. Hindi ko na kailangang tanungin ang opinion ni Guia dahil halos lahat ng comments ay ganoon.

"May vlog si Seo before na kasama ka. Naglaro kayo ng chess that time. May isang fan na nag-upload ng part kung saan sinabi ni Viel na girlfriend ka niya. Doon nagsimula." Iyon ba 'yung a day in my life vlog ni Kuya Seo?

Gosh. Pahamak talaga 'yon! Kung alam ko lang na magiging dahilan 'yon ng kahihiyan ko, hindi na sana ako pumayag na sumama sa vlog na 'yon.

"Paano 'yan? They want a part two. Sobrang invest nila sa story niyong dalawa." Tiningnan ko ng masama si Guia. I don't know kung kakampi ko ba siya or isa pa siyang pahamak kagaya ni Kuya Seo.

"Invested din sila sa amin ni Leo." At hindi sila ang magdidikta kung affected pa ba ako sa past namin or hindi.

"I will not do any interview with Dela Vega's. I hate them!"

Pagkatapos ng trabaho ay tinawagan ko si Leo. For sure nakarating na sa kaniya ang balita. Pero hindi niya ako tinanong about that. He asked me kung okay lang ako.

Mabuti pa siya.

"I'm actually not enjoying the attention I am getting right now." I admitted.

"Why?"

"Have you watched my recent interview?" He nodded."I'm sorry."

"Why are you saying sorry?"

"Because it feels like I'm doing something wrong. He's my ex-boyfriend and people are shipping me to him." It doesn't feel right because I have Leo.

Scars And Stars |✓ (Dela Vega Series #3)Where stories live. Discover now