Mama🥰
Today 11:31 AM
Nak?
Kasama mo si Jia?
Pasensiya ka na ha.... kung nakita mo na namang nag-aaway kami ng papa mo
Nasan pala kayo ngayon?Kasama ko po siya.
Nandito kami sa SM, ma
Sana naman po pagbalik namin sa bahay, hindi na kayo nag-aaway ni papa :)Pasensiya na talaga, nak
Nakita ba kami ni Jia?
Mabuti nalang at naiwan lang si Rino sa shopAyos lang, ma. Sanay na.
Hindi naman kayo nakita ni Jia. Nahila ko na siya bago pa kayo makitang nagsisigawan. Matanong nga 'tong si liit pero buti nalang nasasagot ko nang maayos.Pasensiya na talaga, mga anak.
Ma, stop saying sorry.
Ano na po? Mainit pa rin ba ang ulo ni papa?Mainit pa rin ang ulo ng papa mo at hayon pinagbuntunan ang kotse at kinukumpuni kahit wala namang sira.
Hinayaan ko nalang papa niyo para naman lumamig na ulo nonAno na naman po bang pinag awayan niyo? Tungkol pa rin po ba sa pinag-awayan niyo rin nong nakaraan?
Wag mo nang intindihan, nak
Mababaw lang to
Sadyang ang ano lang talaga ng papa niyo.
Anong oras pala kayo uuwi nak?
Magtatanghali naDito nalang po siguro kami maglalunch ni Jia, ma
Naaliw po kasi siya sa mga larong pambata dito sa mallNako, may pera ka bang dala?
Naghanda pa naman ako ng chicken curry para kay Jia.Opo, dala ko po yong atm card
Tsaka ngayon ko nalang po bibilhin ang mga school supplies nina Jia at Rino, ma.Ah,,,, sige
Malapit na nga rin pala ang pasukan nila sa june
Sige, mag-ingat kayo jan, nak, ha?Opo, ma
Kayo rin po
Lambingin niyo nalang po si papa kapag mainit pa rin ulo niya hanggang mamaya heheYon nga plano ko, nak
Baka kapag nag-aya akong pumunta kami sa kwarto ay magkaayos na kami ng papa niyo heheMa!
Hindi ko naman po kailangang malaman yan!
Hay, bye na nga, ma
Magtetext nalang po ako kapag uuwi na kamiHaha
Sige, nak
Mahal ko kayoI love you too, ma
I love you too rin, sabi ni Jia
Seen
YOU ARE READING
Noribiamour✔️
ChickLit(Completed) An epistolary Witness how a girl fall in love unknowingly and silently with someone who have hangups that he can't let go. A whole lot of funny moments and stupid stuffs with bizarre people, a bunch of unaccepted feelings and a 360-degre...