special chapter - before he lost half of himself

52 3 0
                                    

Daze's:
Guys 😭😭
You all are just soooo amazing.. and growing, too!

Thank you guys for being here... For being my comfort when all the society could offer was anxiety and fear... For being a breather when I felt like I couldn't breathe anymore... Yeah, let's leave it to that for now (🤣)

*

Chapter's note:
By the title, this is for Pyramus, but not his POV. It's another Omniscient POV. I admit, his POV is hard to write. I don't think I could give justice to his character. But I knew him well.. it's just that.. I don't think you'll like his thoughts (👀) Baka maglabasan na naman iyong hashtag niyo hahaha. Anyways, wala pa namang kung ano sila Dasha sa timeline na 'to.

This chapter contains scenes when Daphnia San Agustine was still alive.

Short chapter lang ito.

Chapter Playlist:
Mayday Parade - The Memory (The first time I listened to this, I knew this song was meant for Pyramus 😭)

Kung wala ka - Hale

***

"Love, 'yong yellow akin 'yan, ah." Ilang ulit na paalala ni Daphnia sa boyfriend niya na busy sa pagbabalat ng boiled eggs.

Hindi siya sinagot ng 'Love' niya at nagpatuloy lang ito sa pagbabalat. Napanguso nalang si Daphnia at nangalumababa sa harapan ng 'Love' niya.

"Love..." tawag niya ulit dito. "Iyong egg yolk, akin, ah." Kinulit niya ito.

Natatawa na si Daphnia dahil nakita niyang tuluyan nang nainis ang 'Love' niya sa kaniya.

Pyramus sighed and stopped peeling the shell of the eggs to take a good look at his 'Love'. "Stop it already, Love. As if I'll eat this damn yellow shits."

Pinigilang mapahalakhak ni Daphnia at sinubukang maggalit-galitan. "You're so mean to my egg yolks! They're not shits!" sigaw niya.

Nasa school grounds pa sila. They were sitting at the far corner of the cafeteria. Hinihintay lang nila na dumating ang iba pa nilang kaibigan para sabay mag-lunch.

Sumuko si Pyramus na makipag-away sa Love niya dahil nakita niya itong papaiyak (was an act in the end.) "Okay, sorry na, Love." He leaned closer to her to give her a quick kiss on the lips.

Palihim nalang na nangisay si Daphnia dahil sa ka-sweethan ng Love niya.

***

In a one big room inside a famous KTV bar in walking street, Daphnia and her friends were jamming through Dasha's go-to karaoke song.

"Don't stray
Don't ever go away.."

Bigay na bigay si Dasha sa pagsisimula niya sa kanta. Sumabay si Dasha sa sway ng katawan niya noong sinimulan ito ni Daphnia na nakatayo rin gaya niya habang nakaakbay sa kaniya.

Sumabay nalang din si Kaye sa kanila, pati na rin si Laarni. Nakahilera silang lahat sa harapan habang ang mga kaibigan nilang mga lalake ay nakaupo lang sa sofa, hindi na matanaw ng mga ito ang screen ng karaoke machine dahil nga naglinyahan silang mga babae at nakaakbay sa isa't isa.

"Sometimes
When you and I collide
I fall into an ocean of you..." Umalingawngaw ang boses ni Dasha sa loob ng lugar.

Bagay na bagay sa boses nito ang tugtugin. Walang kapintasan ang boses nito. Nga lang.. parang nakakaantok naman ang boses nito at ang kinakanta.

Sa sulok nga ng sofa sa room na nirentahan nila ay nakatulog na si Juriel at Benj. Halos itong dalawa kasi ang lumaklak sa beer na binili nila.

Pagkatapos ng kantang iyon ay nagsibalikan sila sa sofa. Hinayaan nalang nilang kunin ni Jovan ang isang mikropono at kumanta na naman ng isang old love song na parating dedicated kay Kaye.

Noribiamour✔️Where stories live. Discover now