Daze's:
Sa kapatid ni Dasha itong POV. I previously posted this in my one-shot-stories book kaso I realized na dapat dito ko nalang ito ilagay since this is highly relevant for the story.Read at your own risk!
Thank you for making it this far.
***
Jianna's
Napaigtad ako nang marinig ang lakas ng pagsara ng pinto sa bukana siguro ng bahay.
Nag-away na naman sila mama at papa?
Narinig ko pa ang mga papalahong sigawan hanggang sa katahimikan nalang ang narinig ko.
Isinara ko ang notebook at inilagay ang pen sa penholder. Mamaya ko nalang tatapusin iyong assignment ko sa mathematics.
Napatingin ako sa bedside table. Nagkunot-noo ako nang makita na alas otso na pala ng gabi.
Ibig sabihin, halos isang oras akong nagso-solve?
Pipihitin ko sana ang doorknob pabukas nang magbukas iyon at iniluwa si ate Dasha.
Nakasuot pa siya ng corporate attire niya. Mukhang galing pa sa trabaho. Dito maggagabi si ate? Halos isang oras ang biyahe papunta rito ah.
"Hi bunso," saad ni ate at kinintilan ng halik ang noo ko.
"Dito po muna kayo, ate? Hindi sa condo niyo po?"
"Oo, eh," 'yon lang ang sinabi ni ate at dumiretsong higa sa kama ko. Tahimik ko lang siyang pinanood habang inaanalisa ang galaw niya.
Tumingin sa akin si ate. "P'wede bang makitulog ako rito, Ji?"
Tahimik lang akong tumango-tango. Wala namang kaso sa akin.
Nakakapagtaka lang na napapadalas 'ata si ate na makitulog sa kwarto ko. Kada uwi niya rito sa bahay, imbes na sa kwarto niya siya natutulog ay sa akin siya tumatabi.
Iniwan ko na si ate sa kwarto at tumungo sa kusina. Nagsalin lang ako ng tubig at kaagad na tinungga iyon at bumalik na rin sa kwarto pagkatapos.
Naabutan ko si ate na nakapantulog na pero ayon at may kinakaing chitchirya sa kama ko. Inilingan ko si ate nang inilahad niya sa akin ang kinakain niya.
Natulog na rin kami pagkatapos niyang maubos iyon.
Gusto ko sanang itanong kay ate iyong kila mama at papa pero mukhang ayaw pag-usapan ni ate kaya hindi ko nalang sinubukan pang itanong.
For years, alam kong sinusubukan ni ate na hindi namin malaman ni kuya Rino ang mga madalas na pag-aayaw ng mga magulang namin pero ngayong nagdalaga na ako ay hindi na yata maiiwasan na malaman ko iyon.
Kaya pala dati, panay aya sa akin ni ate na gumala, iyon naman pala ay iniiwasan lang nitong makita kong nag-aaway sila mama at papa.
Naalimpungatan ako mula sa pagkakatulog nang makarinig ng mga hikbi.
Napatingin ako sa gilid ko at nakitang nakatalikod sa akin si ate habang nakahiga. Kitang-kita ko ang pag-taas-baba ng mga balikat niya at ang mga mumunting hikbi na kumakawala sa bibig ni ate.
Umiiyak si ate?
Gumalaw ako at kaagad namang tumigil si ate.
"'Te? Okay lang po ba kayo?"
Patagong nagpunas si ate ng mga luha niya pero nakita ko naman iyon. Nagpatay-malisya nalang ako.
Gusto ko mang magtanong ay pakiramdam ko wala akong karapatan. Palagi namang gano'n si ate. Alam ko na ang isasagot niya sa akin kapag tinanong ko siya.
YOU ARE READING
Noribiamour✔️
ChickLit(Completed) An epistolary Witness how a girl fall in love unknowingly and silently with someone who have hangups that he can't let go. A whole lot of funny moments and stupid stuffs with bizarre people, a bunch of unaccepted feelings and a 360-degre...