Warning: long-ass note!
Iyang picture sa taas, gawa ko lang yan pero totoo talaga iyang conversation na iyan. Ibang dialect kasi iyong gamit namin so nag-effort akong gumawa niyan. That conversation is between me and a guy who I knew since I was 5. He had a crush on me since he knew I exist (not kidding) Alam kong may crush siya sa akin kasi halos araw-araw niya akong sinasabihan 'noon'. His mother liked me, so as his older sister. Palagi nga akong kinukulit ni tita noon sa kaniya, eh. Siya lang iyong naglakas-loob na sabihin sa guardian ko na liligawan niya raw ako! Take note, we were grade six that time. I seriously didn't like him. Napakakulit at energetic niya. Hindi ko na siya masiyadong nakikita noong junior high school na kami kasi sobrang adjustment 'yon, instead of seeing me, sa chat box ko naman siya ng bulabog. But he stopped constantly messaging me, like flirting in my dm a long time ago. Let's cut it short, last year yata noong huli kaming nagkita with common friends, I can say he has matured pero may kapilyuhan pa rin. But I don't know why I feel disappointed na hindi niya na ako tini-treat the same way he did when he still liked me. Hahaha, may panghihinayang 'yan, girl.
Hanap nalang ako ng Afam, uy.
*
Bakit ko nga ba 'to kinuwento? Kasi sa kaniya ko binase si Jovan! Yes!
This special chapter is for the most chaotic 'pair' in this epistolary, Kaye Avenido and Juss Kovan Dolar! #JuYe4ever
Break muna tayo kay mareng Dasha, boarding na kasi flight nila ni Maria papuntang Seoul (🤣)
College pa sila Kaye sa entry na 'to. Hindi ko ginawan ng sa current timeline which is may trabaho na nga sila kasi baka spoiler.. 👀
I hope you all are doing well! Iwas tayo sa sakit, guys. 'Wag gagaya sa akin.
I hope you will like this entry 😳
***
Kaye's
Napatigil ang tahimik kong pag-aaral para sa qualifying exam nang bigla nalang nag-ingay ang smart phone ko sa pamilyar na tunog.
Napapikit nalang ako sa katangahang hindi ko nga pala na-silent ang phone ko.
Inis akong tumayo sa study chair ko at tinungo ang kama. Hindi na ako nag-abalang tingnan ang notification sa phone at kaagad na nag-"Do not disturb" mode.
Padabog akong bumalik sa study area ko at inuloklok ang ulo sa mga ginawa kong reviewers at librong hiniram sa kilalang schoolmate na higher level.
Napabuntong-hininga ako sa hirap ng mga pinagbabasa ko. Hindi ko nga alam kung talaga bang may naintindihan ako sa mga binasa ko. Parang minimorize ko nalang yata.
Nangunot ang noo ko nang tumunog ulit ang smart phone ko. Napasinghal nalang ako at binigyan ng masamang tingin ang phone na nasa kama.
Bakit....
Nagngitngit ang mga ngipin ko.
Ang lecheng Jovan!
Nalusutan na naman ako! Nilagay siguro niya ang sarili sa override Do not disturb!
Walanghiyang 'yon.
Naiinis kong pinulot iyon at 'di sadyang napindot ang accept button sa incoming call niya!
📞: Kaye beybeh! Sinagot mo! (Laughs)
"Walanghiya ka talaga! Pinakialaman mo na naman cellphone ko kahapon!" Napahawak ako sa ulo upang pigilan ang sarili na mainis pa lalo.
📞: Luh siya. 'No ginawa ko ba sa phone mo. Hindi ko kaya sinira! Nag-selfie lang naman ako ah! You're hurting my feelings, Kaye beybeh.
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Anong selfie!
YOU ARE READING
Noribiamour✔️
ChickLit(Completed) An epistolary Witness how a girl fall in love unknowingly and silently with someone who have hangups that he can't let go. A whole lot of funny moments and stupid stuffs with bizarre people, a bunch of unaccepted feelings and a 360-degre...