[Fourth Narration] In Which They Had A Talk

20 5 23
                                    

Daze's:
Another narration na naman : )

Originally posted this on the companion book kaso nilipat ko nalang dito dahil hindi naman gano'n kadami ang narrations.

Thank you for making it this far! Mabuti at nakayanan mong umabot dito? ヘ( ̄ω ̄ヘ)

Chapter Playlist:
Let's Hurt Tonight - OneRepublic

Happy reading!

>>><<<

Dasha's

"Leche ka talaga! Traydor kang tanga ka," nanggigil kong bulong sa sarili nang makita ang ini-reply sa 'kin ng gagang Resa na 'yon.

Walanghiya talaga 'yon! 'Kala ko pa naman kampi siya sa 'kin pero kita mo nga naman ang ginawa niya ngayon.

Gusto na yata talaga akong patayin ng gaga sa kaba at kahihiyan.

"Dasha."

Napapikit ako nang tinawag ako ng kung sinong poncio pilato sa likuran ko. Pikit-mata akong pumihit paharap kahit na abot-abot ang tahip ng dibdib ko sa kaba.

"Ano?" nagtapang-tapangang ani ko nang makita si Pyramus na para bang hinihintay ako.

Leche ka talaga, Resa!!

"I'm going to take you home. Wala ka raw kasamang umuwi. It's late now," aniya sabay baling sa wristwatch niya.

Ha! At talagang pumayag siya sa request ni Resa?! Nananadya yata 'to! 'Tsaka ba't niya pa ako ihahatid eh baka hanapin pa siya nila Kevin!

"'Wag n-na. Ano... 'di pa ako uuwi kaya 'wag nalang. Inabala ka pa ni Resa." Hilaw akong tumawa nang tumingin siya sa 'kin na parang niloloko ko lang siya. "Sige na. Uwi ka na. May pupuntahan pa ako," pagtutulak ko sa kaniya.

Nanigas lang siya sa kinatatayuan niya no'ng sinubukan ko siyang itulak para lumakad na.

Leche! Pinapahirapan talaga ako nito!

"Where? May bilbilhin ka ba?"

"Basta," sabi ko at palihim na napasipa sa semento dahil 'di pa niya yata ako lulubayan.

"Sa 24/7 minimart lang ako ta's diretso uwi na," dugtong ko nang makitang hinintay niya pa akong dagdagan ang sinabi ko.

"Why go there?" tangang tanong niya.

"Gutom ako! Bibili ako ng cup noodles do'n at kakain, bakit?" parang tangang dahilan ko.

Leche, ang lame. Syempre, alibi lang pero nang maisip ko pa lang 'yong bulgogi flavor na noodles sa minimart, eh, naglaway na ako.

"Gutom? Didn't you just ate at Alice's house?" aniya at nag-smirk.

Si Dasha ang rupok.

"Kanina pa 'yon! Gutom ako ulit at wala kang pake!"

He gave me a "you're unbelievable " look.

"I'll go with you. Samahan kita," sambit niya kinalaunan.

Put- Ang kulit!

"Hindi na! Okay lang ako! 'Di mo na ako kailangang samahan! Ang kulit!" napasigaw na ako.

I saw him scoffed. "Now tell me you aren't avoiding me."

"Anong avoid-avoid?! 'Di kaya, 'no! Kung anong pinag-iisip mo, 'tsong! Bahala ka na d'yan! Kainis!" Pumihit na ako patalikod at kagat-labing naglakad-takbo pero ang kurimaw sinundan talaga ako.

"Tss, hindi raw. Liar," patuya niyang saad.

Inisang tingin ko lang siya at tinalikuran. Nasa labas na ako ng subdivision at nakita ko ang sasakyan niyang nakapark sa isang gilid. Inalis ko ang tingin doon at tinanaw ko ang minimart sa 'di kalayuan at naglakad papunta roon. Hindi ako kumibo hanggang makarating na sa minimart. Nakabuntot pa rin siya hanggang pagpasok ko sa minimart.

Noribiamour✔️Where stories live. Discover now