Chapter 10

4 0 0
                                    

January 21, 2015.
          Ang bilis naman ng araw. 16 years ago, nasa fokien palang ako ng nanay ko. Ngayon, ang taba taba ko na. Parang kahapon lang bumibili pa ako ng mga stamp na tig singko, ngayon narealize ko na ang jeje ko pala. Bakit ka ba nagthrothrowback? Kasi nga birthday ko, and I'm 16. As always, umuwi si Tita galing Qatar. Every 4 months naman siyang umuuwi. Sa Lantaka kame nagcelebrate. Masaya talaga kapag completo ang pamilya. Abala naman ako sa paghahanap ng gown ko for the prom. Nakakatamad, swear. Kahit sako lang gamitin ko, okay lang. Alam ko naman na hindi parin ako mapapansin ni Jis eh. Anyways, oo birthday ko. Wednesday ngayon so may pasok. Pumunta na akong school. Madami palang nakakaalala sa akin. Daming nagreet personally, thru sms, dms, ig dms, and fb messages and posts. Ang mga classmates ko, kanya kanyang trip para mapagreet saakin si Jis. Secret lang daw nila pero ako nagegets ko. Matsing ata ako eh. Si Jonie nga, umaalis ng classroom pupunta lang sa St.John. Pero sila Kelsey lang ang nagtagumpay. Lunch time, sinakto nila na nasa room si Jis kasi lagi yun nasa library, aircon. As if naman... nvm. May binigay sila sa akin na bond paper. Siyempre inopen ko agad at nagthank you. Bad mood ako dahil nadumihan ang paper ko sa Math, bawas na yun sa cleanliness. Pagbukas ko ng paper, may nakasulat na malaking Happy Birthday Joph may design design pa. Pagkabasa ko sa likod, may nakasulat.

Juli Jis Santos (June 10, 1999)

tapos may scratch pero basang basa ko parin... sa kabilang side, nakasulat to.

Happy Birthday! =)
I wish you good fortune.
-Jis

Hihimatayin ata ako. Pero naalala ko, hindi niya pala alam na birthday ko. Hindi niya naman binuksan ang paper eh. Kaya naggreet lang siya. Baka akala niya birthday ng isang chix at hindi ng isang baboy na panget. Pero masaya parin ako, kasi atleast, kahit papaano. Nakagreet siya. Pero mas masaya ako last year, kasi siya mismo ang nagreet sa facebook. Hindi yung may nagsabi sakanya. Ang masakit kasi yung message na yun ang last message niya saakin....

Happy birthday nga pla JopH...]]]
Jan. 21, 2014   8:23 p.m

Baka next time, mauulit to. Yung wallpost na yan ang paulit-ulit kong tinitingnan. Yan lang ang bumuo ng araw ko. Yung way kung paano niya binuo yung birthday ko last year, yun lang din yung bumuo ng birthday ko this year. Atleast alam ko na kahit papaano, naalala niya na birthday ko. Kahit isang beses sa buhay niya. Nagreet niya ako. Kahit isang beses.

Diary ni Hopia: SeniorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon