Chapter 16

7 0 0
                                    

"Expect the unexpected."

Wtf. Last day ngayon ng exam at limang exam the whole morning ang kailangan naming itake. Naiyak ako sa Accounting dahil may tatlong items ako na hindi naanswer at two points each yun. Sa CAT naman nainterchange ko ang traditions sa customs. Masakit talaga ang ulo ko pero hindi ko na dinibdib. Natapos na yun eh. Alangan namang balikbalikan ko pa? Ang nakaraan, hindi dapat binabalikan. Weh?

Pagkahapon, nagpractice lang kame at nagparty. Hindi siya literally party pero ay ewan ganun na nga ata. Umuwi si Jis kanina, siguro hindi nanaman yun pupunta. Nawalan ako ng ganang pumunta kung hindi ko naman rin makikita ang beautiful face ng baby love ko. Patapos na ang program at sabi ko kay Prince if hindi darating si Jis within five minutes uuwi na ako at hindi na magsasalo salo. At nang biglang, pumunta sa harap si Jis at nakita ko ang napakagwapo niyang mukha. Ang gwapo niya at ng mahiwagang sling bag niya. Bading ata yun. Nagslisling bag. Hindi siya nagnanapsack. Pero kahit bading siya, I love all his imperfections and all his flaws. Pero hindi siya bading, nagmamalabis lang ako. Geh bye.

Nagkita kame ni Kay (classmate ni Jis na medyo ka close ko dahil same naman kame ng school since grade school). Sumigaw siya.
"Uyyyyyy!!! Wala raw siyang magawaaa, date na ituuu!!"

So ano? Magtatangka ka nanamang lumapit? Ipapakita mo nanaman ba na gusto mo siya? Alam mo namang wala siyang pakialam diba? Tigil na, please. Wag mo na saktan sarili mo.

Diary ni Hopia: SeniorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon