Chapter 15

7 0 0
                                    

            Ikaw ba, kapag may nalaman kang kadiri about sa crush mo, magiging crush mo parin ba siya or diretsong turn off ka na? Pag-isipan mo bago mo to basahin, kung babasahin mo man.

          Kapag mahal mo ang isang tao, lahat ng imperfections niya matatanggap mo.

         March 05, 2015. NAT Exam. Hay salamat, bukas na lang talaga ang exams. NAT ngayon so hanggang 3 pm kame. Naka assign ako sa room ng crush ko, pero siyempre wala siya doon kasi nga lalake siya at 'S' ang simula ng apilido niya. Nagcommute lang ako para dumating on time sa school. Before 7 am kasi dapat nasa school na tapos yung parents ko daig pa ang cutu kung gumalaw. Dumating naman ako on time. Excited ako pumunta sa room nila. Dumaan muna ako sa canteen at nakita ko si Louie. Sinabi ko naman sakanya na sa room nila ako naka assign. Sabi niya sayang raw kasi wala naman din siya doon. You know na who's siya. Sabi ko okay lang basta andun ang desk niya. Nagstart na ang exam by eight ng umaga, natapos namin ang tatlong subject on time and nagend nung 11:30 am. Lunch na at hindi kame umalis ni Elum at Rhezyl sa room. Doon nalang rin kame kumain, tutal wala naman ring makakainan sa baba eh. Gusto ko ring hanapin ang desk niya. Plano ko yun since kagabi. So ayun nga, hindi ako lumabas. Binilisan ko ang pagkain. Umupo ako sa may desk sa likod dahil kung sa harapan ay baka mabasa ang mga answer sheets namin. Hindi nagtagal ay pumasok sila Keish, classmate nila si Jis. Doon raw sila kakain. Ano ba namang magagawa namin eh dun naman ang room nila. So ayun, hinanap ko pa rin ang desk niya at tinulungan pa ako ni Ruffa pero hindi niya nahanap. Hinanap ko pa rin and narealize ko na kung saan nakapatong ang bag ko at kung saan ako kumain ay siya nga palang desk niya. Ay takte kapag swineswerte nga naman noh. Last stalk ko sa desk niya is nung november, 2013 pa. Ang saya ko nung nakita ko ang desk nita kahit super kalat. Inayos ko medyo lang para hindi obvious. Kinuha ko pa nga shuttlecock niya. Gusto ko siya ulit makita mag badminton, ang amazing niya talaga. ♥ Sa loob ng desk niya, may dark violet na towel, gusto ko kunin. Baka may amoy niya pa yun. Kinuha ko at inamoy. Amoy pogi. Binuka ko yung towel para ifold sana ng maayos nang makita ko ang hindi inaasahang makikita ko.... sipon ng crush ko. Kulay yellow green, like most of the sipons. Ang dami. Sabagay malaki ang nose niya. Madikit pa yung iba. Tang ina kadiri. Kinuha ko ballpen ko at pinangtulak paloob ng desk niya. Kinilig pa rin ako dun. Hindi ko alam kung bakit. Ay ang saya ko.

          After lunch, tatlo parin kame sa room so kami na ang pinauna para sa pagkuha ng last two subjects for the NAT. Late kasi yung iba. Ang Ingay sa labas kasi hindi pa lahat ng rooms nagstastart. Nauna lang kame. Nakita kong dumaan si Louie, hindi ko pinansin dahil Physics ang exam na kinukuha ko ng biglang may kumanta ng stay with me, napakabasag naman ng boses. Walang hiyang lalake yun, with feelings kung kumanta. Gusto tuloy umulan. Nagulat ako nung nakita ko si Jis na lumakad sa labas at siya pala yung kumakanta. Nakalimutan ko na kung paano yung boses niya eh. Last time na narinig ko siya, intrams pa. Kumakanta siya ng Narda sa karaokehan with Louie. Grabe. Ang basag. Nasa harapan ako ng proctor namin at hindi ko napigilan ang sarili ko. Paano naman kasi, tumigil siya sa kakakanta noong nakita niyang nakatingin ako sa kanya na parang gulat na gulat. What the eff. Sobrang basag pero pogi parin ng boses. Ang perfect siyet. Bagay talaga kame. Opposites attract, same charges repel. Hahaha physics yan ha.

        Alas tres ang uwian. Umuwi na ako agad with Darren pababa. Pero magisa lang akong umuwi. Natawa naman ako kasi nasa gate rin siya at kumakanta nanaman. Nakita niya ako. Feel ko naman tumingin siya kaya kumanta siya. Ang pogi ng boses. Sobra. Kahit sobrang pangit, para saakin gwapo yun. Yun na ang pinakamagandang boses na narinig ko ever. Lumabas na ako ng gate at nagbye sa nanay at kay darren. May narinig akong nagbye, medyo lumingon ako. Si Jis yun uh. Kanino siguro siya nag bye. Kame lang ni Darren ang nasa labas at paalis na si Darren. Ngiting aso ako dahil feel ko naman na saakin siya nagbye. Asa pa  Hope, mamatay ka na lang, Hopia pa rin pangalan mo.

Diary ni Hopia: SeniorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon