Chapter 11

4 0 0
                                    

February, 2015.
          "Buwan ba talaga ng pag-ibig o buwan ng nutrisyon? Bakit nagkalat ang mga ampalaya sa Pilipinas? "

---
           Pebrero na pala. Isang buwan nalang, gragraduate na talaga ako. Sa wakas. Matutuldukan na ang mga paghihirap ko. Pero bago yan, kahit kailan astig ang Claret. Sa February 06 na ang prom, pero bago ang prom. Magpapakahirap muna kame sa mid-terms, February 04-05. Hindi naman mabibigat ang mga lessons, kasi okay lang. Madalian kasi dahil sa PAASCU Visit sa Feb 22-26. May gown na rin pala ako for JS. Pero parang tanga. Ako lang nagdesign, ako bumili ng fabric, at ako na rin ang nagtahi. Joke. Pinatahi ko, 5 days bago ang prom. Jackass talaga ako kahit kailan. Hindi naman ako sasayaw eh. Tambay lang kame sa prom hanggang sa magdidisco na.  Last year, prom date ko si Dave, pero habang naghoholding hands kame. Si Jis ang tinitingnan ko habang nagdidisco siya. Hindi rin kasi masarap ang food sa regency kaya hindi rin ako excited kumain.

Prom Night
        At last, tapos na ang pagdurusa sa exams. Hindi ako magoovernight dahil ayaw ko. Pinayagan naman ako pero tinamad ako, hindi rin pinayagan si Pot kaya for what pa ako magovernight? So ayun, prom night na nga talaga. Nagpamake up ako kay Kaycee. Si Usni dapat yun or si Sitts. Kaso lang, wala akong sundo kaya kay Kaycee nalang. Si Kaycee, friend siya ni Al- Shamer. Nagpahome service nalang ako, sulit na ang pay. Siya na rin ang bumili ng mga gagamitin ko dahil wala talaga akong kyeme sa buhay. Nagmukha akong dudang sa gown ko, pero wala akong pakialam. Mga 3:30 ata nasa event's place na ako. Bwiset. Taas ng takong ko. Nagpaescort ako kay John Ray, ang close friend kong ka MU ng ex-bestfriend kong si Rez. Buti pa sila, nagclick lang. Mabilis pa. Eh kame, kung sa wifi pa to. No connection. Pagakyat ko dun. Hinanap ko agad si Jis. Di ko naman nakita talaga dahil may contacts ako at maluha luha pa ang mata ko at naman, mabigat ang piluka ko. Parang vice ganda lang. Hindi ko naman nafeel ang program pero okay lang dahil kachika ko mga classmates ko. Picture picture. Selfie selfie. Hanggang sa nag disco na. Sobrang wild na kame. Napagod rin after 15 minutes. One hour ang disco. Abusado. After namin sumayaw at umikot sa buong event's place, umupo na kame sa lugar namin. Tinanggal namin ang heels at nagtsimisan nalang. Tinawag ako ni Mj, para makipagpicture daw pati crush ko. Akala ko naman joke lang, sumama pa rin ako. Nung nandun na si Jis, umatras na ako. Hindi ko kaya. Nanginginig na ako. Humahapdi ang mga mata ko sa sobrang kaba. Pinagpapawisan na ako. Hindi na ako makalakad ng maayos. Nanigas nalang ako. Hinila nila ako at ayun, nagkapicture nga talaga kame ni Jis. Hindi ko namalayan umiiyak na pala ako. Ang alam ko lang sobrang saya ko na nakatabi ko siya, may picture kame. Ang saya ko. Hindi ko alam kung tumalon ba ako sa sobrang saya or nag gimme gimme basta ang alam ko umiyak ako. Kasi sobrang saya ko. Sobrang saya ko. Bumalik ako agad sa upuan at nakatunganga lang at hindi makapagsalita. Nung natauhan na ako, balik tsimis na ako with the group. Pinagtsimisan namin yung mga tao sa paligid. Nang biglang sinabi nila Reign at Pot na nasa papunta daw si Jis sa amin. Tawang tawa lang ako. Kasi alam ko nagjojoke lang sila or kung totoo, baka pupuntahan si Pot kasi may gusto sakanya mga barkada nun. But iba ang nangyari, inaya niya akong sumayaw.

/*Now playing: Thinking Out Loud by Ed Sheeran */

Hindi ako makapaniwala. Nababasa ko lang to sa Wattpad eh. Napapanaginipan ko pang rin to. Hanggang day dream lang to. Nagigising rin lang ako bigla. Hindi ako umoo muna. Siyempre. Sabi ko ayaw ko. Sila Louie rin naman ang nagsasalita eh noong una. Sila nila JB. Then, nung si Jis na ang kumalabit saakin at inaya na ako personally, kinuha na nila Reign ang mga gamit ko at ayun sinayaw niya nga ako. First sa side lang ng table. Naprapraning na ako nun kasi hindi ko alam kung ano ba ang reality sa fairytale sa panahong yun. Parang fairytale come true siya. Parang ako si Cinderella na isinayaw ng prince charming niya. Noong sinabi ni Sir Lex na last 30 seconds nalang raw ng kanta ay hinawakan niya ang kamay ko at hinatak ako sa dance floor. Doon, sinayaw niya ako ng maayos. Magkahawak ang aming mga kamay. Hindi ko lubos maisip na posible palang mangyari yun. Possible pala na magkadikit yung palms namin. Hinawakan niya ako sa may likuran. Hindi ko siya magawang mahawakan that time. Continuous ang pagbuhos ng luha ko. Hindi ko na kasi maiexpress ang nararamdaman ko. Masakit rin kasi sa mata ang contact lens. Alam kong hindi lang yun 30 seconds. Sa loob ng isang minuto or less, binantad ako ng tukso, kilig, at saya. Bago matapos ang song, nilapit niya ako at pinush malapit sakanya. Malamang may sasabihin yun.

"Hm, sorry, kung dinededma kita. Nakakahiya kasi talaga."

Those words killed me. Ang dami kong gustong isagot. But hindi ko alam kung anong uunahin ko. Gusto ko sabihin sakanya na mahal na mahal ko siya. Na siya ang dahilan kung bakit I'm a better Hopia now. Kung bakit hindi ako yung gagang bata na kilala nila noon. Kung bakit nagpupursigi ako sa buhay. Siya rin ang dahilan kung bakit durog na durog ako. Gusto ko sabihin sakanya lahat. Gusto ko rin tanongin kung ano pa ba ang kailangan kong gawin para mahalin niya ako. Para mapansin niya ako. Ano pa ba? Handa akong gawin lahat para lang sakanya. Handang handa akong gawin o ibigay ang kahit na ano. Mapasaakin lang siya. Pero sa mga panahon na iyon, wala akong nasabi. Nung narinig ko ang boses niya, nanginig lang ako at mas lalong umiyak. Naramdaman niya ata ang nginig ko, tiningnan niya ako.

"Nanginginig  ka man, relax lang."

    Easy for you to say.  Hindi mo kasi alam kung sino ka for me.  Hindi mo alam kung gaano kataas ang tingin ko sayo.  Jis, hindi mo alam.

Diary ni Hopia: SeniorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon