Chapter 8

7 0 0
                                    

            Hindi ko na isasalaysay ang mga nangyari sa buhay ko noong mga nagdaang buwan. Walang kwenta. Walang nakakakilig na nangyari. Hindi na rin ako inspired talaga. Hindi na ako tulad ng dati na kumakanta. Nahihiya na ako. Feeling ko pag hahawak ako ng mic, tatawanan at ikakahiya ako ni Jis. Kaya hindi ko na ginawa. Hindi na rin ako nagaral ng maayos, top 14 nalang ako ngayong second quarter 92 point something nalang ang general average ko. Hindi na rin ako masyadong nagaayos. Nakakapagod. Alam mo yung tipong gusto mong gawin lahat para sa isang tao pero yung taong yun hindi nakikita lahat ng pagbabagong ginawa mo sa sarili mo.  Imagine? Buwiset talaga.

---
          Friday. Bumalik na kame galing Catechism. Grabe, coordinator naming si Ma'am Linda hindi naman nakikipagcoordinate saamin eh. Ilang biyernes na kaming pumupunta sa Canelar, pero pinapabalik lang kame kasi wala raw Catechism or may school activity sila. Bad mood ako non, sino ba namang masaya? Aga aga ba naman eh ang pawis pawis mo na dahil maglalakad ka ng malayo layo tapos twice pa? The best. Noong paakyat na kame sa room, nakakunot pa noo ko. Sa stairs, medyo unexpected ang nangyari. Dumaan kasi si Jis sa side. May daanan naman sa kabila pero doon siya dumaan. Pababa siya. Computer kasi first class nila. Amin, Catechism. Pilot classes lang ang may ganito eh. Hetero siya. Kaya ayun. Nung dumaan siya sa side ko, bigla siyang nagpalm together tapos nagsabi ng excuse me habang nagmamadali talaga. Malamang late. Ngiting aso ako. Tinukso ako agad ni Pot. Sinabi ko na nagexcuse me siya. Second time ko palang narinig ang boses niya. Ang saya ko. God's ways are so amazing. "So ganon? Sayo mageexcuse me, eh kame din naman dinaanan niya, pero hinde?" Napaisip ako dun. Tama ba yung narinig ko? Saakin lang siya nagexcuse me. Ang swerte ko Lord. Thank you!

        Hindi ko talaga maipaliwanang kung bakit. Pero alam mo yung kahit isang lapit niya lang or even kung makita mo lang siya. Buo na araw ko. Kahit sabihin kong I'll try magmove on, bumabalik at bumabalik parin ako sakanya.

Diary ni Hopia: SeniorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon