Chapter 14

6 0 0
                                    

        End na pala ng February. 22 days na after  nung angyari sa JS thing. Hindi pa rin ako makapaniwala. Parang isang gabi, prinsesa ako. Parang nung isang gabing yun, nabuhay ako sa panaginip ko.  Yung thinking out loud na kantang yun, yun na ang best song ever for me.

         Saturday ngayon, Feb. 28, 2015. Practice namin for the Cha-cha. Maaga ako, tinext ko na mga classmates ko. Pero lintek, kapag mamalasin ka nga naman. One hour ako sa van, daig pa ang pagong. Nauutot tuloy ako. Pero atleast dumating ako mga 8:10. 20 minutes before time yun. Itsurang bakeke ako that time. Sanay kasi kaming magpractice with palda and leggings tapos naka lose na t-shirt. Hindi siya masyadong applicable sa kinagisnang practice attire ng section namin na PE uniform. Hahaha. Masaya naman gising ko. Nagpractice ako na masaya at medyo bigay todo rin. Inaayos na kasi ang mga bagay bagay ngayon eh. Si Jis? Asa pang pupunta yun sa practice. Miss ko na siya grabe. Holiday kasi nung February 25 at February 27, tapos absent siya nung February 26. Alas nwebe na at hindi parin dumarating si fafable ko. Hindi na ako nagexpect. Nagconcentrate na lang ako sa practice, ang cute talaga tingnan sumayaw ng Pedro kahit makalat pa ang sayaw. The best! Haha. Sumasayaw na ako nun eh. To the point na sobrang bigay todo ako. Then sabi ni Prince, nasa gate raw si Jis. Hindi ko pinansin dahil hindi ako naniwala. But then, after sometime, ang ibang mga classmates ko nagreact na din. Hindi ko alam eh. Pero sa reaction nila, parang crush nila si Jis. Kasi sila talaga yung taga inform na dumating na, sinong kasama, at anong suot. So ayun, sumilip ako at nageye-to-eye kame for like 2 seconds. Hindi ko alam kung saakin siya nakatingin o sa anggulo ko lang basta ako feel ko saakin. Ang feeler lang noh. Nung naglunch na, pagod talaga kame ng mga bakeke ko. Si Pot, Sherly, at Krisha. Sumabay samin kumain si Feih pero hindi na siya sumabay sa pagtulog. Oo. Natulog kame sa labas ng gym. Kulang na lang butas na lata, para lagyan ng tig pipiso. Itsurang lugi kame. Alam mo yung feeling na, pagod na pagod kame pero kailangan parin naming magpractice. Parang tinotorture lang namin mga sarili namin sa sobrang pagod.
          That time, nakita ko si Jis kasama si Louie na tumatakbo sa court. Ang cute talaga nilang tingnan magkasama. Same kasi silang fat and chinito. Si Louie, sobrang cute. Si Jis, sobrang gwapo. Talaga lang ha? Ang cute ni Jis tumakbo. Medyo fit sakanya ang polo shirt niya na blue kaya hugis bola talaga ang bilbil niya. Ang cute lang kasi tumatalbog yung bilbil niya habang tumatakbo siya and since mainit ang araw, wala na talaga siyang mata at tumatawa tawa pa. Ang gwapo. Nagpractice kame sa lugar na malapit sa section nila, gusto ko makita sumayaw si Jis for the last time. Oo, malapit na kasi graduation. Hindi ako nagkamali. Ang sulit talaga. Parang airplane siya na umiikot at kumekembot. Ang gwapo talaga at ang cute. Biruin mo yung balakang niyang kasing taba ng balakang ni Dumbo, nakakaya niyang ikembot. Ang cute talaga. Parang ang bigat bigat niya. Buti na lang wala siyang partner, kasi kung meron talaga namang sasabunutan ko. Grabe. Kahit bilbil mo, mahal ko.

Diary ni Hopia: SeniorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon