Kabanata 2
Don't do
Para akong siraulo habang nakaharap sa salamin. Kanina ko pa pinagmamasdan ang sarili ko, kung may mali ba? Kung malabo lang ba ang mata ko? Kung nagkaroon lang ba ako ng problema sa isip kanina? Hindi ko alam! Hanggang ngayon ay naguguluhan parin ako sa aking sarili.
Bakit naman ako magkakagusto sa isang lalaki? Fuck, lalaki ako at tuwid kaya ba't kumakabog ang puso ko habang kaharap ang lalaking iyon! Basta, nagsimula lahat ng ito ng titigan niya ako ng malalim. Para bang may kakaiba sa mga mata niya, sinasabing may mali sa akin! Hindi ko alam kung bakit, ngayon ko lang naman siya nakita at nakilala pero ang puso ko ay dumadagundong katulad sa mga nararamdaman ng babae.
Hindi ako bakla e! Alam kong normal akong lalaki! Wala sa lahi ni papa at mama ang mga malalambot na lalaki! Kaya hindi pwedeng i-ugnay ko ang sariling sa pagiging bakla! Shit! No way! Siguradong patay ako kay papa kapag malaman niyang may nararamdaman akong ganito sa kalahing lalaki! Malaking kahihiyan ito sa pamilya at angkan namin! Shit naman oh!
Pinikit ko ang mata, huminga ng napakalalim bago umalis sa harap ng salamin. Walang mali sa akin! Sadyang naramdaman ko lang ito kanina habang kaharap ko siya! Hindi ako bakla pero lumalambot ako kapag nakikita ang mga titig niya. Pabagsak akong humiga sa kama, pinilit ang sarili na matulog ngunit hindi ako dinalaw ng antok. May kumatok sa labas ng pinto ko kaya napatingin ako doon.
"Sino 'yan?" mahina kong sabi.
"Anak, may bisita ka! Bumaba ka muna at harapin siya!" si mama sa istriktong boses.
Kumunot ang noo ko. Sino namang bisita? Wala naman akong inaasahan na bisita ngayong gabi ah!
"Sige ma." sagot ko.
Napilitan akong tumayo at lumabas ng kwarto na tanging boxer lang ang suot. Sanay akong magsuot ng mga ganito lalo na kung nasa bahay lang ako. Hindi naman ako naiilang kay mama, nasanay na din siya dahil ganito din si papa. Huminga ako ng malalim bago bumaba sa hagdanan namin.
Napasimangot lang ako ng makita ang panauhing sinasabi ni mama. Fuck, ano namang ginagawa ng babaeng ito dito? Mabilis na tumingin sa akin ang bisita ko daw, nakangisi siya at may malagkit na tingin sa katawan ko. Humarap ako sa kanya habang nakabalandra ang hubad kong katawan.
I am not masculine like my father. But I have well-defined body. Hindi ako mahilig sa gym, talagang ganito na ang katawan ko simula ng tumuntong ako sa kinse. Kuhang-kuha ko naman ang mukha ni papa, maamo pero malupit. Animalistic kumbaga, kaya karamihan sa mga babae ay hinahabol ako dahil sa kakaiba kong mukha.
Napakislot ako ng mabilis niyang haplusin ang tiyan ko. Napakagat-labi ako at napapikit pero bumalik sa huwisyo dahil naaalalang nasa bahay kami. Fuck, gusto yata niyang magpa-init. Ngumisi ako at mabilis na yumuko para mahalikan ang labi niya. Ericka is my ex slash sex buddy. We both explore sex without label until now. At kahit pa may boyfriend siya'y ako parin ang bukod tanging nakakapagbigay ng kasiyahan sa kalibugan niya.
She kissed me back. Sinapo pa ang mukha ko kaya napangisi ako sa halikan namin. Humiwalay ako ng kaunti at nagsalita.
"Sa kwarto tayo." mahina kong sabi.
Tumango siya. Mabilis akong umakyat na kasunod naman siya. Binuksan ko ang pinto at pinapasok siya. Mabilis niyang sinakop ang labi ko, mas lalo akong sinilaban ng init sa katawan. Fuck, kailangan ko 'to ngayon! Gusto kong subukan ang sarili kung kaya ko pa bang gumalaw ng babae. Pinahiga ko siya sa kama ko at hinubaran ng kasuotan. Init na init ako ngayon at habang tumatagal ay mas lalo akong ginaganahan sa ginagawa namin.
I put my two fingers on her wet muliebrity. Napaungol siya kaya mabilis kong nilagay ang kamay sa bibig niya.
"Babe, hindi sound proof ang kwarto ko. Pigilan mong umungol." natatawa kong sabi.
BINABASA MO ANG
Together Once Again
RomanceAccording to the bible, man is for woman and woman is for man. Ang lalaki ay magmamahal ng babae at ang babae ay magmamahal ng lalaki. Pero bakit merong lalaking nagmamahal ng lalaki? Bakit tumitibok ang puso ng lalaki sa pareho niyang uri? Bakit me...