Kabanata 6
Siraulo
Yes, I do like him! I like him, and I know it would cause pain to me. Sino ba naman kasi ang papatol sa bakla? Sa isang tagong lalaki? Sino? Nothing! Lahat ng mga tunay na lalaki ay nahuhulog lamang sa mga babae. Iyon ang katotohanan na dapat ng mga homosexual tanggapin. Hindi man katanggap-tanggap sa lipunan, wala naman kaming magagawa e. This is what we feel, what we moved. So, I have nothing to do but to accept my gender.
Hindi ko naman pwedeng itanggi habang buhay ang tunay na kasarian. Hindi ako tatanggapin ng Diyos kapag hindi ako maging totoo sa sarili. Oh God, bakit may ganito pang tao? Bakit may bakla pa? Bakit may tomboy? Bakit may ganitong kasarian pa? Pwede naman kaming mabuhay ng normal! Magmahal ng normal at gawin ang mga bagay na normal din.
Kapag ganito kasi kami, mahirap kumilos. Mahirap iparamdam sa mga tao ang pagmamahal mo. Ayokong maging salot sa lipunan. Ayokong kadirian ako ng mga tao, ng mga malalapit kong kaibigan. Ayokong isuka ako ng taong minamahal ko. I want to be loved the way I love them. I want to have peaceful life. I want to be accepted. I want to be loved. I want a normal life. Ayokong mahirapan pa, kaya sana hindi na lang ako naging ganito.
Bumuntonghininga ako, kaharap ang pamilya at si Zeek. Ngumiti si mama sa kanya habang nakayuko naman ako dahil sa kaba.
Hindi pa kami tapos kumain kaya hanggang ngayon ay magkakaharap pa rin kami. At tama si kuya, okay lang kay mama at papa na may kasama kami sa pagkain. Hindi talaga maramot ang pamilya ko pagdating sa pagkain. Kaya sobrang daming blessing ang dumadating sa amin dahil sa pagiging mabait nila mama at papa. Napahinga ako ng malalim, nasa dessert menu na kami. At iyon na lang ang huling kakainin namin.
“So, basketball player ka?” si mama kay Zeek.
Ngumisi ang katabi ko sabay lingon sa akin. Mas lalo akong kinain ng kaba. Shit! Bakit kasi tumitingin pa siya sa akin? Tuwing magtatanong si mama, titingin siya sa akin! What’s wrong with him?
“Ahm…yes po, ma’am. I am playing basketball.”
sagot niya sa magalang na boses.Ngumiti si mama at bumaling sa akin. She sighed after looking at me.
“What will you take after senior high?”
He looked at me again.
“Engineer po. Kaso baka mahirapan ako dahil walang pera si mama. I am looking for a scholarship.” sagot niya.
“Oh, really? Well, our business is looking for an scholar. You want to avail?” si papa.
“Wow, that’s great…sir,” masayang sagot ni Zeek.
Mom smiled.
“Naku, drop the formality hijo. Call us tita and tito. And yes, we will give you a scholarship. Basta pagbutihan mo lang ang pag-aaral.” tugon ni mama.
Napahinga na lang ako ng malalim. As what as I said, mabait talaga ang pamilya ko. Nagkaroon ng programa sa negosyo si papa, which is giving a help to those college students who cannot afford to school. Kaya ang iskolar ay binibigay ni papa, para na rin makatulong sa mga nagsusumikap na mag-aaral. Sa ngayon, may one hundred beneficiaries na ang programa ni papa, at nadagdagan dahil kasama na si Zeek.
“Thank you po, tita and tito. That’s great a blessing po, maraming salamat.” Zeek said happily.
Ngumiti lang si mama at papa. Dumating naman ang dessert namin kaya tumigil sila sa kwentuhan. Ang mga kuya ko ay busy na rin sa negosyo, kaya naging tahimik kaming dalawa. After eating my dessert, tumayo ako para mag-banyo. Iniwan ko sila na nag-uusap pa. Nilakad ko ang pasilyo papunta sa banyo, binuksan ang pinto at pumasok sa loob. Isasara ko pa lang sana ang pinto ng may humila sa labas at bumungad sa akin ang nakangising si Zeek.
BINABASA MO ANG
Together Once Again
RomanceAccording to the bible, man is for woman and woman is for man. Ang lalaki ay magmamahal ng babae at ang babae ay magmamahal ng lalaki. Pero bakit merong lalaking nagmamahal ng lalaki? Bakit tumitibok ang puso ng lalaki sa pareho niyang uri? Bakit me...