Kabanata 19
Follow
Pagkatapos kong sabihin lahat ng 'yon sa kanya, I felt relieved. Nawala yung naiwan na sakit sa puso ko dahil sa pag-uusap namin ngayon. Siguro ito na yung sinasabi nilang closure? When we talk, lahat ng hinanakit ko'y nawala. This is the end of us. Wala ng rason pa para magkita at magharap kami. Wala ng rason pa para kausapin ko siya. It's done!
Tumingin sa akin si Manfred, nasa bar na kami. Maingay at umiikot ang paningin ko dahil sa neon light. Inabot sa akin si Ezio ang baso ng whiskey. Ngumisi ako at tinanggap 'yon. Agad kong nilagok ang baso ng alak at sumiksik sa lalamunan ang pait ng alak.
"Alam mo dude, hayaan mo na 'yong lalaki na 'yon. Oo nga't gwapo siya pero siraulo naman." lasing na sabi ni Daveon.
Tumawa ang mga kaibigan ko at uminom na rin sila ng alak. Naging agresibo ang dancefloor dahil sa tugtog. May tama na ang mga kaibigan ko at alam kong isang inom nalang ng alak, tumba na sila. Tumayo si Ezio at dumiretso sa dancefloor kahit gumigiwang-giwang na ang paglalakad.
Hindi pa naman ako lasing. Siguro tipsy pero kaya ko pa naman. Baka nga ako ang maghatid sa kanila ngayon dahil ako lang naman ang hindi pa lasing. Sumunod si Daveon at Manfred kaya naiwan ako sa lamesa namin. Napailing-iling nalang ako sa mga kaibigan ko. Inabot ko ang baso ng whiskey at balak na sanang inumin ngunit may umagaw sa baso na hawak ko.
Napatingin ako sa kamay ng humablot papunta sa mukha na kinakulo ng dugo ko. Again!? Ano bang gusto ng lalaking ito? Bakit pati dito sa bar, sumunod siya! Ano bang gusto niyang mangyari? Ano bang gusto niyang gawin ko!? Okay na lahat e! Okay na ako! Okay na ang pag-aaral ko! Okay na sana kami kung hindi lang siya bumalik ngayon!
"Stop drinking. It's not good to your health." aniya sa marahang boses.
Umiling ako at mabilis na iniwas ang kamay sa kanya. Umatras ako upang magkalayo kami. Pungay na pungay ang kanyang mga mata. Umiwas ako ng tingin at huminga ng malalim. Damn it! Nasaan na ba ang mga kaibigan ko!? It's time to go home!
"Ano bang pakialam mo! It's my health not yours!" mariin kong sagot.
Ngumisi siya at umiling-iling.
"Kapag may mangyaring masama sayo, sa tingin mo ba magiging maayos ako? Well, hindi! Kung ano man ang mangyari sayo, hinding-hindi ako patutulugin ng isip at puso ko." paos niyang boses.
Tumawa ako ng pagak at hindi makapaniwala sa kanyang sinabi. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa kanya. Naninibago talaga ako. Pakiramdam ko, isang malaking imposible ito. Hindi ganito si Zeek. Masama ang ugali ni Zeek. Prangkang tao si Zeek. Galit siya sa mga katulad ko! Kaya paanong naging mabait siya at concern sa akin?
Siguro laro na naman itong ginagawa niya. Siguro gusto niyang mahulog ulit ako sa kanya tapos kapag mangyari 'yon, sasaktan na naman ako. Kapag maging baliw na naman ako sa kanya, paaasahin na naman niya ako! Kasi ganoon siya! Kasi gusto niyang nasasaktan ako! Kasi ayaw niya naman talaga sa akin!
"Yung bibig mo madulas na naman." malamig kong sinabi.
He smirked sardonically.
"Gusto mong kagat-kagatin ang labi ko?" he said playfully.
Lumabas ang hangin sa ilong ko dahil sa sinabi niya. Walanghiya! May ganoon pa talaga siyang pinagsasabi huh! Ang kapal ng mukha niyang sabihan ako no'n!
"Siraulo ka ba!? Anong akala mo sa akin, uto-uto!" inis kong sagot.
Umalis siya sa likod ng sofa at umikot upang makaupo sa tabi ko. Mabilis akong umusog upang hindi kami magkadikit ngunit mariin niyang niyakap ang baywang ko upang hindi makaatras. Ngumisi siya at talagang hindi nahiya na gawin sa akin 'to!
BINABASA MO ANG
Together Once Again
RomanceAccording to the bible, man is for woman and woman is for man. Ang lalaki ay magmamahal ng babae at ang babae ay magmamahal ng lalaki. Pero bakit merong lalaking nagmamahal ng lalaki? Bakit tumitibok ang puso ng lalaki sa pareho niyang uri? Bakit me...