Kabanata 4
Avoid
Pinag-aralan ko ang power point na binigay niya sa akin. Gamit ang sariling laptop ay pagod akong sumandal sa swivel chair ko. Gabing-gabi na at ako nalang ang gising sa bahay. Tulog na si mama at papa, maging ang kasambahay namin kaya ngayon ay nag-iisa akong nag-aaral sa report namin. Shit naman kasi e, pwede naman akong gumawa ng sarili kong idea regarding with the report but he refused me. Gusto niyang siya ang masusunod sa amin dito kaya no choice ako! Damn it!
Ayoko pa naman sa lahat ay dinidiktahan ang mga gusto kong gawin. Ayokong pinipigilan ako dahil nawawalan ako ng gana kapag may umaayaw sa akin. Kaya ngayon, wala akong gana sa report na ito. Hindi ko na alam kung mai-uulat ko ito ng maayos. Masyadong mahirap ang idea niya kaya hindi ko makuha ang mga punto. Lalo na sa part na explanation, talagang nanunuyo ang utak ko. What will I do now? Malapit na ang reporting namin! I have only one day to prepare, and I have to take it seriously.
Napabuntong-hininga ako sa ilalim ng gabi. Mabilis na pumasok sa isipan ang mga sinabi niya sa akin. What if I am really gay? Anong mukha ang maihaharap ko kay papa? Sa pamilya namin? Malaking kahihiyan ito lalo pa't kilalang matikas ang pamilya namin. Si papa ay lalaking-lalaki ang dating, sa pamilya naman ni mama ay puro mga lalaki, lalo na ang mga tiyuhin ko. Shit, siguradong ikakahiya nila ako. Bakit ko ba kasi naramdaman ito e? Maayos pa naman ako nung una e! Nung hindi ko pa siya nakikita at nasilayan ng mga mata ko! Hindi pa ako ganito, hindi pa ako malambot kaya ngayon ay nahihirapan na ako sa sitwasyon ko!
Malaking sampal ito sa pamilya namin. Kaya kailangan kong pigilan ito! Kailangan kong pigilan ang nararamdamang siguradong magdudulot ng kahihiyan sa buong angkan namin. I need to stop it! And I need to avoid him! I need to avoid my heart from him! He is dangerous! He can destroy my life, and I need to debar this feeling I have right now. I nipped my lower lip, sighing so deep.
Muli kong binalikan ang laptop, binasa ng maigi ang pointer niya at gaya ng nauna ay hindi ko pa rin makuha. Shit talaga! What should I do now? Nahihirapan talaga ako sa idea niya! Masyadong pang-matalino e! Hindi abot ng utak ko. Kaya imbes na ulit-ulitin ang report ay pinatay ko nalang ang laptop at piniling matulog na muna. Bumagsak ang katawan ko sa kama at mabilis kinain ng antok. Nagising lang ako dahil sa mga katok sa pinto. Puyat pa ako kaya hindi ko alam kung bubuksan ko ba ang pinto o hindi na muna.
"Anak, open the door. Mali-late ka na sa klase mo." si mama.
Napabalikwas agad ako ng marinig ang boses niya. Shit! Bakit hindi ko namalayan ang oras! Mabilis kong tinignan ang wall clock, at napalaki ang mga mata ng makitang late na ako sa unang subject namin. Shit! Hindi na ako nag-aksaya ng oras, mabilis akong pumasok sa banyo at naligo. Natigil naman si mama sa pagkatok kaya binilisan ko ang ginagawa. Pagkatapos ng ilang segundong pagligo, lumabas ako na walang saplot sa katawan. Kinuha ko ang uniform at mabilis 'yong sinuot. Pagkatapos ay sinuklay ko ang buhok at lumabas na ng kwarto.
Pagkababa ay lumapit agad ako kay mama para halikan siya sa pisnge. Nagmamadali ako lalo pa't matatapos na ang unang asignatura namin. Siguradong absent na ako nito! Shit naman kasi e! Anong oras na akong nakatulog kagabi kaka-aral sa hindi ko naman maintindihang report namin. Nagpaalam ako kay mama at kumaripas ng takbo palabas ng bahay. Hindi ko na naabutan si papa dahil maaga pa iyong umaalis kaya ang ginamit kong sasakyan ay ang bisekleta. Pinaharurot ko ang pagpadyak sa bike para makarating agad sa school namin.
Ilang oras na lumipas ay hingal na hingal ako na huminto sa harap ng gate ng school. Pawisin at basang-basa na ang uniform ko pero hindi ko nalang iyon pinansin. Pinark ko ang bike sa parkingan ng mga bike at mabilis na pumasok sa loob ng campus. Pinakita ko sa guard ang ID at pinapasok niya ako. Pinahid ko ang pawis ng umakyat sa second floor dahil nandoon ang room namin para sa susunod na asignatura. Kinagat ko ang labi, huminto sa gilid ng pinto at inayos muna ang sarili bago pumasok. Agad akong napuna ng teacher namin kaya huminto ako sa kalagitnaan ng paglalakad.
BINABASA MO ANG
Together Once Again
RomansaAccording to the bible, man is for woman and woman is for man. Ang lalaki ay magmamahal ng babae at ang babae ay magmamahal ng lalaki. Pero bakit merong lalaking nagmamahal ng lalaki? Bakit tumitibok ang puso ng lalaki sa pareho niyang uri? Bakit me...