Kabanata 16

211 8 2
                                    

Kabanata 16

Kaibigan

Tumulo ang luha ni Mama ng marinig ang sinabi ko. Nanatili akong nakatayo, ramdam na ramdam ang kaba sa puso ko. Tinignan ko si Papa, his reaction was blank and stoic. Kinain na ako ng kaba dahil sa paraan ng tingin ng ama ko sa akin.

Tumayo si Mama habang umiiyak at lumapit sa akin. My tears fall as I watched my mother walking to me. Nang makalapit, niyapos niya ako ng mahigpit. Umiyak ako sa kanyang yakap habang damang-dama ang isang ina na hindi kailanman tatalikuran ang anak.

“I’m so proud of you, anak.” she said while crying.

I hug her tightly. Sumunod na tumayo ang mga kapatid ko. Naramdaman ko ang yakap ni Kuya Credle at Kuya Crodney. Sumiksik sila sa amin, samantalang tumayo si Papa upang umalis at iwan kami. Napatingin ako sa amang tinalikuran ako.

“It’s fine bunso, we love you. We accept who you are. Don’t hide yourself anymore.” si Kuya Credle.

Tumango ako at yumakap sa kanila. I’m so happy even after my father turn his back on me. I’m happy because my mother and brothers accepted me. Akala ko hinding-hindi nila ako matatanggap. Akala ko tatalikuran nila ako. Akala ko aayaw sila sa akin. Pero ngayon, habang niyayakap nila ako, ramdam na ramdam ko ang yakap ng pamilya.

“Papa will understand you eventually. Sa ngayon, bigyan muna natin siya ng panahon. Nagulat lang ‘yon dahil sa biglaan mong paglabas.” ani Kuya Crodney.

Napahinga ako ng malalim. Tama siya. I will not force my father to accept me. I will not force him. Kung ngayon hindi niya ako matanggap, bibigyan ko siya ng panahon na maintindihan ako. Kasi alam ko naguguluhan siya ngayon dahil sa ginawa ko. Baka galit ‘yon dahil ang bunso niyang lalaki, lumantad bilang malambot na lalaki.

“Salamat, Ma at kuya.” masaya kong sabi.

They nodded. Niyakap nila ako ng mahigpit. Ito na siguro ang masayang gabi sa akin. Isang tao nalang ang kailangan kong kumbinsihin na ganito ako at si Papa ‘yon. Kapag tinanggap niya ako, everything will be alright. Wala naman akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao e. The acceptance that I need is from my family. Kapag tanggap nila ako, everything will fall as fine.

Natapos ang gabing ‘yon na punong-puno ng tawanan at iyakan. Natulog ako na may ngiti sa labi. Sa kalagitnaan ng gabi, bigla kong naisip si Zeek. Kumusta na kaya siya? Ang tagal na pala simula ng magkausap kami. Ang tagal na pala simula ng maramdaman ko siya. Ngayon, patapos na kami sa huling baitang ng senior high, hindi ko alam kung anong mangyayari sa amin sa college. Hindi ko alam kung saan kami patungo. Kung magkakaroon pa ba kami ng pag-asang magkausap o baka hindi na.
Kinuha ko ang picture frame niya na tinago ko.

He was smiling while looking at the camera. Hindi ko maipagkakailang gwapo talaga siya. He is attractive and I am sure that every girl wants him. Ngayon tatanungin ko ang sarili, sino ako para sa kanya? Sino ako para mahalin niya? Sino ako para tanggapin niya? May kasalanan akong nagawa at alam kong hindi niya ‘yon mapapatawad pa. Hindi ko alam kung gusto niya pa akong makausap gayong nandidire na siya sa akin.

“I missed you so much, Zeek.” I said sadly.

Tumulo ang luha ko habang pinagmamasdan ang kanyang larawan. Sana kung hindi ka para sa akin, patawarin mo pa rin ako. Mahal kita, at ikaw lang ang mamahalin ko ng ganito. Sana naman humilom na ang galit niya sa puso. Sana mawala na ang galit niya sa akin. Kahit hindi nalang ako, kahit nakahanap na siya ng iba para magbigay ng saya sa kanya, tatanggapin ko ‘yon. Ang mahalaga ay patawarin niya ako. Ang mahalaga tanggapin niya ulit ako bilang kaibigan nalang.

Nagising ako ng maaga dahil sa ingay na naririnig sa labas ng kwarto. Boses na nag-aaway kaya nagmadali akong tumayo at lumabas. Nasa hagdan palang, rinig na rinig ko na ang galit na boses ni Papa.

Together Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon