“Aray! Ow shit!” napaupo ako habang hawak hawak ang tuhod ko sa sobrang sakit. Bwesit! Kung minamalas ka nga naman oh.
“HOY! INAANO BA KITA?! BWESIT KA!” sabay bato ko ng bag ko sa kanya. Potek pinatid ako ng mokong yon. Napalingo siya at biglang sumeryoso ang mukha.
“Ang corny ng love story ng parents mo. HAHAHAHA” tumawa naman siya habang hawak hawak ang kamay sa tiyan niya. What the!!!
“MAS MUKHANG MAIS NAMAN MUKHA MO! BACK OFF KUNG AYAW MONG PAGSUSUNTUKIN KO YANG PAGMUMUKHA MO!!!” ani ko pa
“AC BABYYYYYY, you okay?” dali dali silang tumakbo papunta sakin si mommy’t daddy
“Sino may gawa nito sayo? Are you okay baby?” tanong pa sakin ni Dad tsaka tinayo ako
“I-I’m okay mom, dad.” tsaka ko pinagpag yung uniform ko pati na rin tuhod ko
“Why are you here?” tanong ko pa sa kanila
“May urgent meeting ang board. Sabay kana samin pauwi baby.” sabat naman ni mommy habang tinutulungan niya akong mag-ayos ng uniform ko
“HOY IKAW! BA’T MO PINATID ‘TONG ANAK KO HA?” sigaw pa ni dad kay Alex, classmate kong bully. He’s my kaaway since 1st year high school. Sa lahat ng mga classmate ko, siya lang yang never naging nice sakin, napaka attention-seeker super! Take note mas lumala siya ngayon, kairita! Kala mo naman worth it paglaanan ng oras ang pagpapapansin niya.
Maya maya pa’t may isang lalaking sumulpot sa likod neto, I think ka-age lang din ng parents ko, gwapo din tapos mukhang mabait. I think itsura niya lang namana ng anak niyang loko loko.
“Alex, let’s go.” utos pa neto sa anak niya
“A-Alexander?! BROOOO!!!” di makapaniwalang tawag pa ni dad. What the?!
“A-Aika? JC? Woah! Kamusta?” at lumapit naman ‘to sa gawi namin, niyakap niya sila parehas
“A-Anak niyo na ba ‘to? Si AC na ba ‘to?” tanong niya pa habang tinuturo ako
“Oo, siya nga. Akalain mo yun, magkaklase pala anak natin.” Sabi pa nung daddy ni Alex
“Alex, come here.” Tawag pa nito sa anak niya
“Hija, this is Alex, Alexis Sebastian” aniya pa
“I know him po, ang di ko lang po alam is kung bakit niya po ako pinatid kanina.” Habang tinitignan ko ng masama si Alex, huh akala mo di ako magsusumbong? Asa ka!
Nagkatinginan lang silang tatlo tapos sabay sabay na tumawa.
“I guess may part 2 yung libro mo, Hon.” Sabi pa ni daddy kay mommy. Part 2 what? ang gulooooo.
After a small chitchat with our parents, tahimik kaming umuwi sa bahay, not until my curiosity breaks the silence.
“Mommy, are you related with Alex’s dad?” I asked
“Alam mo baby, your Tito Alexander was a good friend. In fact, bestfriend namin siya ng daddy mo way back high school. Remember? I got your name from my friends before, that’s why Ailissa Calexandria name mo. Why do you ask nga pala?” then humarap naman siya sakin
“I see, uhm nothing mom. I’m just curious po.” I answered
“Naks, classmate mo pala si Alexis. How is he ba? Close kayo baby?” bigla namang nabuhayan yung mukha ni mommy. Alam ko na kung san patungo ‘to.
“Yeah but we’re enemies.” Mapaklang sagot ko, it was nice to know na kahit magulang ko ay parang friend ko lang kung kausapin but syempre di mawawala yung respect.
YOU ARE READING
GENERATION SERIES #2: Thawing Boundaries
RomanceAilissa Calexandria Ravenna, a daughter of Mrs. Aika Fernandez-Ravenna and Mr. Jaspher Caleb Ravenna, is one of the campus crush. She is simple and somehow approachable. Her personality and wit easily caught someone's attention but in contrary, only...