AC’s POV
Pinagpahinga muna nila ako at naghanap nalang sila dad ng pwedeng umasikaso doon sa gym, ininform ko na rin sila ng propsed designs na nagawa ko kagabi. Maghapon akong nakatunganga doon sa clinic. Di bale babawi nalang ako pag okay na ako. Kaya naman sinulit ko na ang pahinga.
“Ailissa okay kana ba?” sabat pa ni Sean na nasa pintuan kaya naman umupo muna ako
“Oo, thanks.” Matipid ko pang sagot
“Sabi ko naman kase sayo na huwag mong pababayaan ang sarili mo.” Bigla naman siyang lumapit sakin kaya napaatras ako
“Ailissa, alam kong galit ka pa sakin dahil nung dati. Pero gusto ko lang bumawi sayo. Sorry kung nasaktan kita noon, hindi ko naman alam na may gust—“
“Noon pa yon, Sean. Matagal na yon natapos.” Sabi ko pa tsaka ako umiwas ng tinginSa totoo lang may gusto pa rin naman ako sa kanya pero kung iisipin ko yung nagawa niya sakin dati? Malabong maibabalik pa ang tiwala ko sa kanya. Peste kasing pusong ‘to! Hindi makamove on move on!
“Pero pwede pa namang mabalik ang dati diba?” tinitigan niya pa ako sa mata
“Hindi ko alam Sean, hindi ko pa alam.”
“Handa naman akong maghintay Ailissa” tsaka niya hinawakan yung mga kamay ko kaya napatitig ako sa mata niya
“Wala pa ako sa tamang oras para magdesisyon, pag iisipan ko pa Sean, sorry.” Agad kong kumawala sa mga kamay niya“Mahal mo ba talaga siya?.” Bigla naman siyang napatayo at nananatiling nakatingin pa rin sakin
“Kahit na malabo na talaga, nandito pa rin ako, Ailissa. Hindi na ako mawawala sa tabi mo, pangako yan.” Umiwas ako ng tingin kasi di ko naman kayang matiis na makakakitang taong nasasaktan dahil sakin.
“Sige mukhang kailangan mo nga muna magpahinga. Kita nalang tayo bukas, pagaling ka Ailissa. Mauna na muna ako.” Dagdag niya pa saka niya nilisan yung apat na sulok ng clinic.KINABUKASAN.
Maaga akong pumasok para icheck yung progress nila kahapon. Kumain na rin ako ng madami at uminom ng vitamins para okay ako maghapon since hindi rin naman ako pinaaalis nila mommy na di nakakakain ng marami.
Pagkarating ko sa campus, nabigla ako andaming puso tsaka red décor sa gilid kaya naman chineck ko yung date sa phone ko. Valentine’s day pala ngayon! Shemay di ko nabati sila mommy tsaka daddy. Dumiretso na agad ako sa gymnasium at nabigla ako sa nakita ko, malapit na palang matapos. Bale mga balloons nalang ang kulang tsaka yung red carpet then mga upuan tsaka lamesa.
Maya maya pa’y nagsidatingan na rin yung iba naming kasama, nandito na rin yung dance trainor kaya naman inentertain ko na.
“Ay hello po, kayo po ba yung magtuturo samin nung sayaw?” sabi ko pa
“Ay good morning hija! Ikaw ba yung anak ni Mr. Ravenna? Ay kaganda naman palang bata.” Sabi niya pa habang hinaplos yung buhok ko
“Opo, ako nga po. Hehe thank you po! Nagbreakdown po kasi katawan ko kahapon kaya po di ko na nagawang tumulong. Buti nga po nakuha pa kayo ni dad.”“Syempre naman, malakas sakin yung family niyo hija. And maaga rin naman kasing natapos yung nakaschedule namin kahapon kaya nakahabol pa kami dito. Nga pala, sabi ng daddy mo sumama ka sakin mamaya sa shop. Magpili ka ng gown mo doon, may mga bagong gawa don, for sure magugustuhan mo yon.” Dagdag niya pa
“Excuse me muna hija ha? CR lang ako.”
“Ay sige po sure. Nandon po yung comfort room.” Sabay turo ko sa kanya at tsaka nagmadali naman siyang pumunta doonIginala ko muna ang mata ko habang naghihintay ng ibang kasamahan namin. Medyo maaga pa naman kaya naglibot libot muna ako para tignan yung ibang details. Gayang gaya talaga doon sa ginawa kong designs. May malalaking black and white na tela na nakasabit sa mga gilid tapos nagmeet yung isang dulo nila sa gitna na natatakpan ng chandelier. May mga iba’t ibang sizes ng honeycomb ball na nakasabit din sa ceiling kasama ng mga maliliit na light bulb. Okay na rin naman yung decorations sa stage, may malaking gold maskara sa right side na may mga malalaking feathers na nakakabit sa right side din nito. Di pa naayos yung mga table kasi nga may practice pa kami, tsaka 7pm pa naman yung start bukas.
YOU ARE READING
GENERATION SERIES #2: Thawing Boundaries
RomanceAilissa Calexandria Ravenna, a daughter of Mrs. Aika Fernandez-Ravenna and Mr. Jaspher Caleb Ravenna, is one of the campus crush. She is simple and somehow approachable. Her personality and wit easily caught someone's attention but in contrary, only...