THAWING BOUNDARIES (Part 2)
AC's POV
Kinabukasan, maaga akong nagising. Nagprepare na rin ako tsaka bumaba para magbreakfast. After non, kinuha ko na ang bag ko at pumasok na sa school kasi may kailangan akong tapusin na hindi ko pa natapos kagabi kasi nakatulog ako ng maaga. Sumabay ako kila mommy't daddy papunta ng school kasi day-off ni Manong Rodel ngayon, driver namin.
Pagkarating namin don, as usual inantay ko na naman sa hagdan si Kiara. Kung ako palaging nauuna, siya naman ang palaging late saming dalawa. Magkabaliktaran ng kaming dalawa. Kumuha ako ng libro for advance reading while waiting. Nagsidatingan na rin ang mga estudyante kaya medyo umingay na ang paligid.
"OMG! Nabalitaam niyo ba kahapon yung nangyari?"
"Girl, knows ko na rin nag chika sa canteen!"
"Pinatawag pa nga daw sa Guidance eh!"
"OMG awkward non for sure."
Agad kong tinakpan ng libro ang mukha ko habang pinapakinggan ang mga usapan sa paligid. What the heck!? Sinong nagpakalat? I thought kami kami lang nakakita non. No waayyyy! Pano na?
"Girl!" tawag pa sakin ni Kiara habang papaakyat sa gawi ko kaya naman inalis ko yung nakaharang na libro sa mukha ko
"Girl! Matunog na ang usapan dito sa campus nung nangyari sainyo ni Alex. jusko! Pano na kayo niyan mamaya sa klase?"
"Hindi ko na nga din alam, bwesit kasing Alex na yan eh! Masyadong panira ng katahimikan!" singhal ko pa habang pinalo yung libro sa hawakan ng hagdan
"Wala tayong magagawa dyan girl! Isa rin sila sa may share sa school na 'to, tapos family friend niyo pa. Wag mo nalang intindihin, maggagraduate na rin naman tayo eh" paliwanag niya pa
"Bwesit kase! Una, binully ako. Pangalawa, may papatid patid pang nalalaman tapos yung ki- ARGH! BASTA YUN NA YON!" tsaka nauna ng pumasok sa room, kaya naman sumunod nalang sakin si Kiara.
Maya maya pa ay pumasok na yung teacher namin for the first subject. Habang naglelecture si ma'am, pansin ko sa peripheral vision ko na nakatingin sakin si Alex. I don't know lang ha? kung sakin talaga siya nakatingin but for sure tama ang hinala ko. Actually magkarow lang kami sa pinakaunahan, nasa left side kaming girls at right side naman ang mga boys.
Natapos ang klase, lunch break na, puro pangdedeadma lang ang ginawa ko sa room. Kunwari walang nangyari, kunwari hindi nila ako pinag uusapan kahit obvious naman na ako yung tinutukoy nila sa mga gossips nila.
Napagdesisyunan namin ni Kiara na lumabas agad ng room para di maubusan ng seats sa canteen tsaka iwas na rin sa mga tao. Nag order na kami ng lunch tsaka dinala na namin sa table.
"Girl, curious lang ako ha? Anong sabi nila tita sayo?" tanong niya pa habang umiinom ng milktea
"Aksidente lang naman daw ang nangyari kaya tanggap naman nila, and sabihan ko nalang daw sila if binully pa ako nung tukmol na yon." singhal ko pa
"Kahit naman na ibully ka pa non, di naman natin kaagad masusumbong kasi for sure busy din naman sila sa office." depensa niya pa
"Yon na nga ang iniisip ko. Basta di bale bahala na, wag lang talaga mauulit yon kasi baka masapak ko na siya ng bongga" tawa ko pa
"Baliw ka talaga girl! Hahaha kumain na tayo habang di pa masyadong matao dito, then library tayo after."
Pagkatapos namin kumain ng lunch, naglibrary muna kami saglit. Nag advance reading uli kami as usual. Yeah ganito ang routine naming dalawa ni Kiara everyday, library lang ata ang di namin matiis na hindi puntahan araw araw eh. Ewan ko ba ba't ang hilig kong magbasa.
YOU ARE READING
GENERATION SERIES #2: Thawing Boundaries
RomanceAilissa Calexandria Ravenna, a daughter of Mrs. Aika Fernandez-Ravenna and Mr. Jaspher Caleb Ravenna, is one of the campus crush. She is simple and somehow approachable. Her personality and wit easily caught someone's attention but in contrary, only...