Alex's POV
"Let's go kuya and ate! Buy me ice cream again!" sabay hila niya sa magkabilaang kamay namin habang wala na kaming nagawa kundi magpatangay sa kapatid ko.
Napalingon naman ako kay Ailissa at saktong nagkatitigan kami sa mata ng ilang segundo. Agad naman akong umiwas at napabitaw sa kamay ng kapatid ko sa bilis niyang tumakbo. Nananatiling magkahawak ang kamay nila ni Ailissa habang masayang tinungo ang ice cream stall kaya sumunod naman ako.
"Kuya! Kuya! Hurry up!" sigaw naman ni Xia nung makarating sila sa harap ng stall
"Andyan na." sabi ko pa habang binilisan ko ang lakad ko
Pagkarating ko doon sa kanila, medyo awkward naman talaga ng environment. Gusto kong kausapin si Ailissa kaso di ko alam kung paano ko siya iaapproach. Nahihiya pa ako after sa nangyari na yon dun sa hagdan. Hindi ko alam kung bakit umaatras nalang bigla ang dila ko sa t'wing nakikita ko siya. Naweweirduhan na ako sa sarili ko, bwesit!
"Hi Ailissa!" bigla namang sumulpot ang isang lalaki sa gilid kasama yung mga kaibigan niya
"Ay hehe, hello sainyo." Tsaka niya naman hinarap at nagwave pa sa kanila. Kinarga ko si Xia para makapili ng ice cream na gusto niya.
"Pwede ba manligaw?" sabi naman yung lalaki sa gitna
"Ah e-eh, a-no k-kase—" napapatitig naman ako sa kanya habang nangangapa pa siya sa sasabihin niya kaya naman binulungan ko si Xia na kausapin si Ailissa
"Go ask her kung anong flavor ng ice cream gusto niya." pabulong ko pang sabi sa kapatid ko
"Ate AC! What flavor do you like po?" tanong niya pa kaya naman napalingon sa kanya si Ailissa
"Ah hehe, next time nalang." Paalam niya don sa tatlong kumag na yon tsaka niya kami tinuro kaya umalis naman agad sila
"Yung dati baby." Matipid niya pang sagot at ramdam mo yung awkwardness sa pagitan namin
"Another one cookies and cream ice cream po." Sagot naman ni Xia na busy na kakakain
"Ay baby wait lang!" pagpipigil pa ni Ailissa at sinimulang ayusin ang buhok ng kapatid ko habang karga ko pa. Napatitig ako sa kanya habang inaayusan siya ng buhok. Masyadong maamo yung mukha, tama lang ang puti, may tamang kapal ng kilay, may katamtamang tangos ang ilong, mahaba ang pilik-mata na sumakto naman sa brown eyes niya at manipis tsaka mapulang labi na mas lalong nagpatingkad sa natural niyang ganda. Ngayon ko lang pala napansing bagay sa kanya ang suot siya, simple lang kagaya niya.
"Ayan done na, kain kana." Dagdag niya pa at tsaka siya pumakawala ng isang matamis na ngiti. Kita mo sa mga mata niya kung gaano siya kalapit pagdating sa mga bata.
"Thank you kuya! Thank you ate! You guys made my day extra special." hinila niya naman kami at sabay na niyakap ng napakahigpit
"Hmm. Anything for you baby."
"Anything for you Xia!" sabay pa naming sambit hanggang sa di namin namalayan na magkapatong na pala ang kamay namin sa likod ng kapatid ko. Don feel ko huminto ang oras at ang mga tao sa paligid namin.
THE NEXY DAY.
AC's POV
Pagkatapos nung araw na yon is nag out-of-town kami instead na magtunganga sa school for anniversary trip nila mom and dad and also magbibisita kami kila lola doon. Maaga kaming nagising para sa byahe namin papuntang Bicol. One hour lang lampas ang byahe sa eroplano from Manila kaya sakto lang ang dating namin don sa airport ng Legazpi. Kita mo sa view ang ganda ng Mayon Volcano. Nakakamangha.
YOU ARE READING
GENERATION SERIES #2: Thawing Boundaries
RomanceAilissa Calexandria Ravenna, a daughter of Mrs. Aika Fernandez-Ravenna and Mr. Jaspher Caleb Ravenna, is one of the campus crush. She is simple and somehow approachable. Her personality and wit easily caught someone's attention but in contrary, only...