ALEX's POV
"Wala kang karapatang manakit ng taong wala namang ginagawang masama sayo." sabi ko pa kay Ashley na kasalukuyang nakayuko at umiiyak sa harap ko
"So, totoo nga na kayo na?!" singhal niya pa sakin
"Nababaliw kana ba?! Wala ka ngang alam kaya sana nanahimik kana lang. Pwede mo naman akong tanungin ng diretso diba? Hindi yung gagawa ka pa ng eskandalo sa harap ng tao."
"Sige sagutin mo ako ng diretso ngayon, kayo na ba?!"
"Hindi. Hindi kami at walang kami. That's all!" depensa ko pa sa nanlilisik niya mga mata
"Eh bakit kung makadikit yon sayo wagas? Alam mo bang may nilalandi rin siyang transferee ha?! Aware ka ba don?"
"Oo alam ko lahat lahat. Kaya please lang, huwag na huwag mo na siyang lalapitan kung ayaw mong magalit pa ako sayo lalo. Tapos na tayo Ashley, matagal na, kaya sana tumigil kana rin sa pagseselos kung kani-kanino. Palayain mo na rin ang sarili mo."
Yan ang natatandaan kong huling pag-uusap namin ni Ashley sa gym matapos ang gulong ginawa niya. Natapos ang practice ng maayos kaya naman makakapagpahinga na rin ako sa bahay. Pero maya maya pa'y tinawagan ako ni dad para puntahan yung address na sinend niya sakin. Agad naman akong dumiretso doon
"Good evening Hijo! Nice to meet you again." sabat sakin ni ate Jojo
"Ay good evening po. Pinapapunta pala po ako dito ni dad hehe."
"Upo kana muna dyan Hijo, sagutin ko lang 'tong isa pang tawag ha?" sabay turo niya pa sakin doon sa sofa na nasa likod ko
"Sure po."
"P-Please.. Let me g-go."
"Iniiwasan mo ba talaga ako Ailissa?"
"Please let me go." Rinig ko pa sa isang pamilyar na mga boses kaya naman iginala ko ang sarili ko sa shop na yon at dinala ako ng mga paa ko sa isang kwarto. Agad ko namang binuksan ang pinto ng walang pahintulot upang makasigurado na tama nga yung nasa isip ko.
"Gusto ko lang naman malaman Ail—"
At di nga ako nagkamali,
"Bitawan mo siya kung ayaw mo ng gulo." nakita ko nalang ang sarili ko humawak kanang pulsuhan ni Ailissa.
"Ano bang problema mo pare ha? Wala naman kayo diba?" insulto pa sakin ni Sean
"Alam ko. Pero bro, nasasaktan mo na siya kaya bitawan mo na si Ailissa." hinigpitan ko pa ang hawak ko sa kanya
"May gusto lang naman akong malaman sa kanya kaya tinatanong ko siya." nagpakawala naman siya ng matalim na tingin ngayon
"Ailissa, tara na!" hinila ko siya ng malakas papunta sakin kaya naman napabitaw sa kanya si Sean at tsaka kami dali daling lumabas ng shop
"Oy Hijo, Hija san kayo pupunta? Nakapili na ba kayo?" paghahabol pa samin ni ate Jojo
"Magpapahangin lang po saglit. Babalik rin po kami agad" sabi ko pa tsaka hinigit ang kamay niya palabas ng shop
Pinaupo ko siya doon sa malapit na park tsaka ako tumakbo papuntang convenience store. Pagkabalik ko ay nadatnan ko siyang tulala sa swing kaya naman inabutan ko siya ng binili kong ice cream.
"Here."
"Teka p-pano mo n-nalaman?" nagtatakang tanong niya pa sa inabot ko
"Sabi sakin ni Xia, favourite mo yang cookies and cream ice cream diba?" tsaka niya kinuha sakin yung hawak ko, at napaupo na ako sa tabing swing
YOU ARE READING
GENERATION SERIES #2: Thawing Boundaries
Roman d'amourAilissa Calexandria Ravenna, a daughter of Mrs. Aika Fernandez-Ravenna and Mr. Jaspher Caleb Ravenna, is one of the campus crush. She is simple and somehow approachable. Her personality and wit easily caught someone's attention but in contrary, only...