Part 10- The Final Ending

16 0 0
                                    

AC's POV

"Loko ka! Pero seryoso nga, pag gumaling ka kaagad, may reward ka sakin." sabi pa ni Alexis kaya dali dali akong napalingon sa gawi niya

"Talaga? Ano yon?"

"Ako—"

"HUH?" naguguluhan ko pang sabi

"E-este a-ako ng bahala d-don. Sa ngayon magpahinga kana muna, late na eh. M-Mauna na muna ako." tsaka umalis na siya ng biglaan, naiwan akong tulala at naguguluhan sa kwarto ko.

Pinalipas ko nalang ang pag-iisip sa sinabi niyang 'yon tsaka ako nagpatuloy sa pagbasa. Tinulungan rin ako ni ate Jen sa pagligpit ng pinagkanan namin ng ice cream kanina tsaka ako natulog.

TATLONG LINGGO ang nakalipas ng medyo umokay na yung paa ko, nawala na rin yung pasa saka pagmamaga. Regular pa din ang check-up sakin para mamonitor yung progress ko. As usual naka-home school pa din ako, bale sinesend nalang mga teachers yung mga notes tsaka activities sa email ko para naman makacope up ako sa lesson namin.

Napapadalas na rin ang dalaw nina Kiara, Lester tsaka Alexis sa bahay, kaya kahit papano di ko masyadong namimiss ang kakulitan nila. Sa ngayon, nakakapaglakad na rin ako ng may saklay. Nakakapanibago man, pero pagsisikapan ko na gumaling kaagad para makahabol ako sa graduation.

Tumambay kami ngayon sa park ng village since Saturday naman. Nadatnan nila kase akong naglalakad sa labas ng kasama si Ate Nessa kaya naman niyaya na nila akong maglakad lakad at tumambay dito.



"Girl, malapit na graduation natin. Sana makalakad kana talaga." sabi pa ni Kiara na gaya ng dati, kain pa din ng kain ng mga dala nila sakin.

"Nakakalakad naman talaga si Ailissa, Kia! Huwag ka ngang ano dyan!" siway pa ni Lester

"Ay okay, world war na naman." sabat ko pa habang pinagmamasdan silang nagbabatukan.

"Alam mo konting tiis nalang talaga titirisin na kita ng buhay! Nanggigigil talaga ako dito, pigilan niyo ko!" nakakuyom pa ang dalawang palad niya na parang pinipigilan ang galit niya

"Heh! Ewan ko sayo, maghanap ka ng kausap mo bukas sa school ha! Dun kana, di kana namin tropa! Shoo! Shoo!" pamububugaw pa ni Lester at tumabi sakin

"Kita mo ikaw pa yung galit?! Wow ha!" singhal niya pa at binitawan yung hawak hawak niyang chocolates

"Awat na nga kayong dalawa, magcocollege na tayo tapos ganyan pa kayo umasta, para kayong bata." Siway pa ni Alex sa kanila

"Sorry na kase, joke lang kase yon. Sineryoso mo naman." panunuyo pa ni Lester

"Sorry lang? Walang k-kiss?" tugon naman ni Kiarra

"HOY BABAENG 'TO! MAGHUNOS DILI KA!" sabay palo ko naman sa kanya nung saklay ko

"HOY IKAW NGA RIN DIYAN!"

"Ano ako aber?!"

"Meron kanang first ki—"

"HOY LESTER HALIKAN MO NA 'TO, NGAYON NA! BILISSSS" sabat ko pa, bwesit talagang babaeng 'to.

"NO WAAAYYYY! PARA LANG 'TO SA FUTURE HUSBAND KO 'NO!" sabi pa ni Kiarra habang napatakip pa sa bibig niya

"Tss, corny." usal pa ni Lester

"Pero seryoso Alexis, aksidente lang ba talaga 'yon? Kase may promise kami netong bestfriend ko na dapat sa first and last namin 'yon. I know corny 'yun pero special kase yon. Jowain mo nalang siya para di na siya lugi." sabay pout niya pa

"Hoy loko ka girl!"

"Aksidente lang talaga 'yon. Sorry rin kase vinavalue niyo pala yon. Hindi ko naman sinasadya." Sagot pa ni Alexis kaya biglang naging awkward yung paligid

GENERATION SERIES #2: Thawing BoundariesWhere stories live. Discover now