Part 6

14 2 0
                                    

ALEX's POV


After class, nagyaya sila Kevin na magbasketball sa gymnasium. So, um-oo na agad ako since wala rin namang assignments ngayon. Mga bandang 6pm is naisipan na naming umuwi kasi maggagabi na rin naman and for sure baka hanapin na kami sa kanya-kanyang bahay namin.

Pumunta na kaagad ako sa parking at inistart agad yung kotse ko, yes pinayagan na ako nila dad and may student-driver's permit naman ako. Maya maya pa'y nakita ko sila Ailissa na naglalakad palabas ng campus, nahuli siya sa mga kasama niya kase may kausap siya sa phone.


"Ay sorry po, sorry di ko talaga sinasadya." hindi ko namalayan na nasobrahan na pala ako ng lapit sa kanya kaya todo sorry siya ngayon sa harap ng kotse ko ngayon. Nasilaw siya sa ilaw kaya tumabi siya kaagad at dali dali ko namang sinara ang window ng car bago niya pa naisipang kumatok

"IKAAAW?!" sigaw niya pa nung nakita na ako yung driver

"Oo, ako nga. Wala ka bang sundo? Sumakay kana." sabi ko pa kase kaysa naman mapahamak pa siya diba?

"A-ah no t-thanks magtataxi nalang a-ako." tsaka siya tumalikod at nagpaunang lakad

"Ako na nga 'tong nag ooffer sayo tapos ikaw pa 'tong may ganang talikuran ako?!" sigaw ko pa mula sa bintana ng kotse niya habang hinahabol ko siya, kita mo na? Nagmamagandang loob na nga ako tapos gaganyanin niya lang?

"Who cares! Kaya kong umuwi mag isa!" singhal niya pa at lumingon sakin

"Pag ikaw na-rape dyan sige ka! Konsensiya ko pa yon, ganon?!" pangbablackmail ko pa kaya naman napahinto siya sinabi ko at nag isip

"F-Fine."


"Wait lang!" tsaka akong nagmadaling lumabas at pinagbuksan siya ng pinto, gentleman diba?

"T-Thanks. S-Sorry, nasiraan kasi si Manong Rodel kaya wala talaga akong sundo ngayon." paliwanag niya naman, pero di niya lang alam na kanina ko pa narinig ang pinag-usapan nila

"Alam ko." sagot ko pa habang patuloy na nagmamaneho

"EXCUSE ME?! ARE YOU STALKING ME?!" umibabaw naman ang boses niya sa loob ng kotse, ang ingay talaga ng babaeng to!

"Amfeeling neto, di pwedeng narinig ko lang yung usapan niyo kanina?" tsaka naman ako ngumisi

Sandaling namutawi ang katahimikan namin sa gitna ng byahe. Not until sinira niya ito.

"Ba't pala ngayon ka lang din umuwi, kanina pa uwian ah!"

"Kase—" lumingon pa ako sa kanya at nagpakawala ng nakakainis na ngiti

"Kase what?" salubong na kilay niya pang sagot

"Kase inaantay talaga kita." napatulala siya sa sinabi kong iyon. At nagsalubong na naman ang dalawang kilay niya

"ANONG SINABE MO?!"

"Joke lang hahaha naglaro kase kami ng basketball kanina. Feeling neto!" at kumalma naman siya.

Hindi nagtagal ang byahe ng makarating agad kami sa kanila. Nadatnan din namin na nandon sa labas ng bahay sina tito't tita kaya sobrang pasalamat nila pa sakin. Sumaglit lang ako doon para laruin si CA since di niya ako pinapaalis, don na din ako pinagdinner, nakakahiya man kaso wala na akong magagawa. Pagkatapos non, umuwi na ako sa amin at nagpahinga.





GENERATION SERIES #2: Thawing BoundariesWhere stories live. Discover now