Part 9

7 0 0
                                    

ALEX's POV

"Araayyyy shit!" nataranta ako at dali-daling inalalayan si Ailissa na nakakapit na sa paa at napasigaw sa sobrang sakit

"Okay ka lang ba?" napaupo na rin ako at chineck yong paa niya

"AAAAHHHH SAKIT!" sigaw niya pang sobrang lakas kaya naman biglang nagpanic lahat ng nandoon

"Teka lang, antayin mo ko d-dito ha?" sabi ko pa sa kanya at dali dali akong tumakbo papuntang parking lot

"WAG MO KONG IWAN DITO ALEXIS!" rinig ko pang bulyaw niya sa malayo

Nagbakasakali akong sumaglit sa clinic pero nadismaya ako kasi sarado talaga ito. Kaya naman agad akong tumakbo at hinanap ang kotse ko sa parking lot. Dali dali kong pinaharurot ito papuntang gym, nagkumpulan na ang mga tao na nandoon at patuloy pa rin sa pagsuway yung ibang Student Council officers na magsikalma.

Tumakbo ako papunta sa may stage at iniwan kong nakabukas ang makina ng kotse ko pati na rin ang pinto sa backseat.

"Masakit pa ba?" natatarantang tanong ko

"O-oo, s-sobra." tugon niya pa habang pilit na inalis yung heels niya ng dahan dahan kaya naman tinulungan ko na siya.

"T-teka lang dahan dahan." sambit pa niya habang iniinda ang sakit

"Shit! Tara na." agad ko siyang binuhat na parang bagong kasal at dinala siya sa backseat.


Pumunta kami sa pinakamalapit na hospital. Sakto naman na walang masyadong pasyente kaya naman naasikaso kami kaagad. Tinawagan ko na din sila Tita't Tito at sinabi ang nangyari.

"What happened to the patient, sir?" sabat naman samin nung isang nurse

"Natapilok po siya miss kanina sa hagdan—"

"Nurse, pakiaassist naman siya don sa bed oh." Utos niya pa sa isang kasamahan niya

Agad agad nilang binuhat si Ailissa sa doon sa hospital bed.

"We'll take care of her Sir, don't worry. Pakihintay nalang po dito. Excuse me." Tsaka siya umalis at nakita ko nalang na sinara nila yung kurtina.

Limang minuto pa an nakalipas ng narining ko na tumawag sakin si Tita't Tito sa bungad ng hospital.

"Alexis! How is she?" sabat pa sakin ni Tita Aika

"Medyo masakit daw po yung pagkakatapilok niya, Tita. Nandon po siya, inaasikaso ng nurse." Sabi ko pa habang tinuro yung Emergency Department.

"This is the worst experience for her, she should be enjoying this night right now." Tugon pa ni Tito JC

"Accident is accident, wala na tayong magagawa dyan, Hon. Besides, minor lang naman ata yon."












AC's POV

Kasalukuyan akong nasa hospital bed ngayon, inaasikaso nila yung kanang paa ko. Nagcold compress na rin ako kanina para daw di na mamaga pa pero I guess, huli na ang lahat. Medyo namaga nga siya ngayon at may pasa pa. Nagpalit na rin muna ako ng hospital gown kasi naman sagabal pa yung gown ko. And nilipat na rin muna nila ako sa regular room.

"Good evening doc, how's my daughter?" sabi pa ni mommy

"Well, Mr. and Mrs. Ravenna, the patient's foot is in severe pain after the incident. We made her some tests such as x-rays, and we found out that she have a Grade 2 ankle sprain. It is more severe sprain, but incomplete tear with moderate pain, swelling and bruising. Although it feels slightly stable, the damaged areas are tender to the touch and obviously walking is painful. I suggest na lagyan muna siya ng casts or splint para masecure yung damage. Ifollow up ko na din yung medicines niya sa nurse."

GENERATION SERIES #2: Thawing BoundariesWhere stories live. Discover now