Part 5

10 3 0
                                    

AC’s POV 

“Hi Ailissa!” napahinto ako at napalingon sa isang pamilyar na boses na yon. Finally! Narinig ko rin ang boses niya.

“S-Sean, ikaw pala.” diretso akong lumingon sa kanya

“S-sige mukhang maiistorbo ko ata kayo, una na muna ako. Sunod kana lang Ailissa ha?” paalam pa ni tita Annika at iniwan na nga kaming dalawa doon sa may dalampasigan

Sean is my childhood bestfriend. Siya yung anak ng dating kasama nila lola dito sa province bago pa umuwi dito sila Mama Rosie. He’s my first playmate since siya yung unang nag approach sakin nung unang uwi namin dito. Also, he was the person who broke my heart first. 

  

FLASHBACK

Nandito ako sa dalampasigan, fiesta samin dito kaya nagkayayaan kaming magtotropa na magfoodtrip sa may dagat. I was 15 years old, and in this age normal lang siguro na magkacrush diba? Lalo na kung matagal mo ng kakilala yung tao.

Niyaya kami ni Sean nila Khen, Niño, Jamescel, Jessa, Chelsea, Kianna and Kate na gumawa ng bonfire doon. Medyo matagal ko na rin sila nakalaro noon since yung unang bakasyon namin dito  ang pinakamatagal naming stay. So ayon, second stay ko sila nakilala ng matino since medyo nasa tamang pag iisip na rin kami noon.

"Tara! After natin neto mag sspin the bottle tayo. Tapos truth or dare" yaya pa ni Jessa

"Sige G!" -Jamescel

"Gusto ko yan!" -Khen

So bago pa man magstart na yung laro, naghanap muna kami ng lamesa na pwedeng paikutan. After non, si Jessa ang unang nagvolunteer na magspin nung bottle sa gitna.

At yon ay nahinto sa tapat ni Kianna.

"Oh Kia! Truth or dare?" tanong pa ni Jessa

"Ayokong pahirapan sarili ko kaya, truth nalang hahaha" sagot niya pa

"O sige, totoo bang balita na MU na kayo ni Sean?" nakakaintriga niya pang tanong. Medyo natahimik kami sa puntong yon since hinihintay nga namin ang sagot niya.

"Hmm" yan lang ang naging sagot niya, kahit bonfire lang yung liwanag samin, makikita mo yung pamumula ng pisngi niya kaya nagkatuksuhan na ang tropa. Pero ako, tahimik lang ako at pangiti ngiti lang kahit medyo binagsakan ako ng langit at lupa noon

"AY SANA ALL TALAGA!" -Niño

"When kayaaaa din?" -Kate

"Hoooy ako din sana!" -Chelsea

Ang sumunod na spin naman ay nahinto kay Sean. This time si Kianna na ang nagtanong sa kanya.

"Sean, truth or dare?" napatingin naman kaming lahat sa kanila

"Truth." matipid na sagot pa ni Sean

"Kung papipiliin ka sa aming dalawa ni Ailissa, sino ang pipiliin mo?" diretsahan niya pang tanong

"Ang hirap naman ng tanong mong yan." napakamot pa si Sean sa ulo

"Ano na ngaaa, sagot na bilis!" pagkukulit naman ni Kianna

"Parehas kayong importante sakin, actually lahat naman talaga kayo kasi nga tropa ko kayo dito. But, syempre mas nakakahigit ka ng konti sa kanila." nagsimula ng asarin ulit silang dalawa, at niyaya pang magkatabi doon sa naupuan naming kahoy

Nagkatinginan kami ni Chelsea, bukod kay Sean siya naman ang pinakaclose ko sa mga girls and alam niya na may feelings ako don sa lalaking yon. Mag eexcuse na sana ako ng nahinto sa harap ko yung bote. Kaya this time, kinabahan na ako sa posibleng matatanong sakin.

GENERATION SERIES #2: Thawing BoundariesWhere stories live. Discover now