SPECIAL CHAPTER

17 2 4
                                    

Isang taon na ang nakalipas pagkatapos ng kasal na 'yon, nagfocus muna kami sa trabaho and sa oras naming dalawa. Busy na rin ako sa hospital since magre-retired na si Doc Salvador. Yes! Namotivate ako ipursue ang pagiging doctor dahil sa kanya, mas lalo kong naintindihan ang pangangailangan ng mga tao lalo na sa kalusugan.

Si Alexis naman busy rin sa pagiging engineer. But bago pa man siya naging busy sa mga clients niya, natapos niya na yung bahay namin kasi yun yung inuna namin bago kami ikasal since may ipon naman talaga kami noon pa.


"Babe, anong food 'yang kinakain mo?" sabi ko pa habang kumuha ng apple sa ref

"Ice cream, yung favourite mo. Bakit babe?" sigaw niya pa mula doon, dali dali akong pumunta sa tabi niya

Tutok na tutok naman siya sa tv habang nanunuod ng basketball

"Good morning, baby." Niyakap niya naman ako tsaka kiniss sa noo

"Hm. Good morning."

"Gusto mo? Here." nag-insist siyang subuan ako pero kinuha nalang yung bowl sa kanya tsaka sumubo ng ice cream mag-isa habang nakikinuod na din


Maya maya pa'y, di ko namalayan ang sarili ko na napatakbo papunta sa sink sa kitchen. Agad kong nilapag sa lamesa yung apple at tsaka naman ako sinundan ni Alexis at hinagod ang likod ko habang sumusuka.

"Ano ba yan ang pangit naman ng lasa!" singhal ko pa, inabot niya naman saking yung tissue kaya pinunasan ko ang bibig ko pagkatapos magmumog

"Luh? Sure ka niyan babe? Diba nauubos mo naman yan dati pa? Kulang pa nga yang nasa ref sayo eh" sabi niya pa at nakaalalay pa rin sa likod ko habang papabalik kami sa sala

"Ewan ako nga rin. Basta ang pakla na ewan, di ko gusto ang lasa." sabay kuha ko pa ulit ng apple sa lamesa

"Buti pa 'tong apple, mas okay 'to. Babe, pakikuha nga ng asin doon, please." Sinunod niya naman ang utos ko at bumalik kaagad

"Oh anong tinitingin-tingin mo dyan?" nagtatakang tanong ko pa habang nasa harap ko na siya at parang may malalim na iniisip kaya inagaw ko na yung lalagyan ng asin

"Di kaya?"

"Di kaya ano?"

"D-di kaya b-buntis ka?" diretsahan niyang sagot

"Nako impossible pa 'yon. Umupo kana dito bilis!" hinila ko na siya paupo sa tabi ko tsaka binatukan

"Aray ko naman babe!" singhal niya pa habang hiwalay pa din ang utak niya sa katawan niya

"Teka, kailan ka ba huling dinatnan?" tanong niya pa din

"August 8?" sabi ko pa habang patuloy pa rin sa pagkain ng mansanas


"HOY BABEEE!" napabalikwas ako sa sigaw niya

"AY PALAKA KA! BA'T BA SUMIGAW KA!"

"October na ngayon, two months ka ng delay?" napatulala ako sa sinabi niya kaya naman chineck ko yung kalendaryo

"Hoy oo nga!" hinampas ko pa siya sa balikat

"OMG BABEEEE!" nagyakapan kami sa sobrang tuwa at naglulundag na parang bata

"Wait lang, baka di pa sure hahaha akyat muna ako sa taas. Antayin mo ko dito." Dali-dali kong tinungo ang kwarto namin tsaka nag-PT. Saglit ko pang hinintay yung resulta hanggang sa may lumitaw na dalawang pulang guhit sa gitna.






Pinigilan ko ang sarili ko na mapahiyaw sa tuwa at saglit na kinimkim ang kasiyahan na 'yon. Nadatnan ko siya pabalik-balik ng lakad sa sala na parang di mapakali sa sarili.

GENERATION SERIES #2: Thawing BoundariesWhere stories live. Discover now