#Heartache.

3.7K 70 20
                                    

Lianna's POV

Kasalukuyan akong nagluluto ng almusal ni Rence.

We're 2 years married. Pero, cold-hearted pa rin siya sakin. Di ko nga lam kung bakit eh. Kasi nung panahong niligawan niya ko, naging kami, at inaya niya ko magpakasal, di naman siya ganyan. After ng kasal namin, naging cold na siya. Lagi kong iniisip kung ano ba ang ginawa kong mali at ganyan siya sakin.

Bumalik lang ako sa sarili ko ng makarinig ako ng mga yapak pababa sa hagdanan.

"Good morning Rence. Kain ka na." Agad na bati ko sakanya na nakangiti. Pero tinignan niya lang ako at agad na din lumabas ng bahay at sumakay sa sasakyan niya. Di niya nanaman pinansin ang inihanda ko para sakanya.

Well, what's new? Di naman niya ako pinapansin. Para lang akong estatwa na dinadaan daanan niya. Ang sakit. Di niya ba ako mahal? Kasi ako mahal na mahal ko siya. Pinangarap ko to. Pinangarap ko na maipakasal ako sakanya.

*vibrate vibrate*

Tinignan ko ang cellphone ko at nakitang kong tumatawag ang aking bestfriend. Agad ko na sinagot yung tawag ng may ngiti.

[ Hi Li!] Agad na bati sakin ng bestfriend ko.

"Hi din Dane" lalaki ang bestfriend ko. Matagal ko na siyang bestfriend, actually kababata ko siya. Kilalang kilala na ako ng lalaking to.

[Labas tayo Li. Mall tayo. Treat ko] masayang sabi naman niya.

"Okay. Ligo lang ako. Sunduin mo ako ha." Biro ko sakanya.

[Oo naman. Bye. See you]

Binaba niya na ang tawag at naligo na ko. Di na ko magpapaalam kay Rence. Wala namang pake yun. Tsaka masaya din 'to. Makakapagrelax ako. Kahit saglit lang.

After kong maligo, nag ayos na ako ng sarili ko. Nagsuot ako ng isang floral dress na sleeveless tapos nag flats ako ng black. Nakacurl yung buhok ko tapos nakasuot din ako ng headband. Ayan. Di na ako nagmake up. Di ko naman hilig yun.

Pagbaba ko ng hagdan galing sa kwarto ko. Yes. Kwarto ko. Hiwalay kami ng kwarto kasi ayaw niya akong kasama. Kinamumuhian daw niya ako.

Haist. Wala pala munang Rence sa isip ko. Relax time ko ngayon kaya, enjoy muna.

Saktong busina naman ni Dane sa labas ng bahay. Aga niya. Kung sa bagay, pareho lang naman kami ng subdivision. Malapit lapit lang siya.

Lumabas na ako at isinarado ang pinto ng bahay.

"Let's go?" Tanon niya sakin

Tumango nalang ako bilang sagot. Inlalayan niya ko papasok ng sasakyan niya. Haha. Sweet and gentleman. Minsan naiisip ko, bakit di nalang sa best friend ko nato ako nahulog. Kasi he's almost my dream guy. Every girls dream. Gwapo, mayaman, mabait, gentleman, magalang, and may respect sa lahat ng babae. Ang dami ngang nagkakagusto sakanya. Pero di naman daw niya type kasi may iba na daw may laman ang puso niya.

I wonder kung sino yun. She's a lucky girl if ever.

"Huy, li! Nandito na tayo." Tumingin ako sa paligid at napansin ko ngang na sa mall na kami. Di ko man lang namalayan.

Lumabas agad siya ng kotse, at binukasan yung pinto sa side ko. Tinignan ko siya ng nakangiti.

"Nuks, gentleman naman ng best friend ko." Sabi ko sakanya.

" tss. Alam na ng lahat yun noh. Tsaka di lang gentleman. Gwapo pa." Pagmamayabang niya.

"Jusko. Biglang humangin ng malakas. " sabi ko at nagtawanan nalang ulit kami.

Merciless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon