#flashback.2

2.7K 49 23
                                    

Lianna's Pov

Pag kadating namin sa impyerno--este sa bahay ay agad naman siyang pumunta sa kanyang kwarto. Ako naman ay dumiretso na rin sa aking kwarto at nag bihis.

Nakaupo ako sa aking kama at pilit inalala ang nakaraan.

Hailey Valderama, napakagandang pangalan para sa napakagandang nilalang.

Bumaba naman daw ang aking self-esteem. Pero keri lang.

"Oh! Kaklase pala natin siya? Bat parang di ko siya napapansin?" Narinig ko namang sabi niya

"Eh pano kasi, ikaw na din nagsabi na ang nerd niya. Kaya siguro di mo rin siya napapansin. Yang mga mata mo kasi puro nalang sa mga babaeng kita ang cleavage at yung mga naka damit na akala mo ay kulang sa tela." Agad naman akong napalunok sa sinabi ko. Bakit ba ang dal dal ko?

Atsaka bakit parang mas ibinibenta ko pa siya dun sa girl? Haist lianna. Umayos ayos ka nga.

"Eh sa mas nakakaakit sila eh. Bakit ba?" Sabi niya habang inaayos yung mga gamit.

"Pero alam mo lianna, iba tong babaeng to eh. Ibang iba siya sa mga nakilala ko. Napakahinhin ng galaw niya, nakakaakit ang mga mata niya, yung mukha niya na napaka amo. Para siyang anghel" dagdag pa niya.

Kung pwede lang siguro maghugis puso ang mga mata, ganun na siguro ang mga mata niya ngayon.

Mukhang tinamaan nga talaga siya dun sa babae na yun.

Pano na ko?

Pero hindi. Hindi pa naman sila kaya may pag-asa pa ako.

Natapos kami mag ayos ng mga gamit at nagpasya na kaming umuwi pareho.

Habang nasa sasakyan ako ay nakatanggap naman ako ng text

From: Dane-ie

I miss you :(

na-touch naman ako kahit ganun lang ka-ikli ang sinabi niya. Tagal din niya kaya ako di pinapansin. Nagtatampo dahil daw lagi nalang ako "rence"

Agad ko din naman siyang nireplayan

To: Dane-ie

I miss you too Dane :* wag na magtampo sakin please?

Agad naman nag ring ang telepono ko at sinagot ko na din naman

[I miss you li]

"I miss you too hahaha wag ka na magtatampo sakin ha. Ikaw lang naman nag iisang bff ko eh"

[Oo na po. Tara date tayo? Sunduin kita sainyo]

At sa pagsabi palang niya nun ay alam kong abot mata nanaman ang kanyang ngiti

"Sige" sagot ko naman

Pagkadating ko sa aming bahay ay agad ko naman siyang nakita sa aming sala at sinalubong niya ako ng kanyang matamis na ngiti at mahigpit na yakap.

"Masyado mo naman akong namiss" sambit ko.

"Talaga." Kiniss naman niya ako sa cheeks ko

Nagpaalam ako sakanya para makapagbihis at makaalis na kami

Agad naman akong nakabihis at nakaalis.

Pagdating naman sa mall ay nag arcade kami agad tsaka nagsine, nag resto at nagpasya na ding umuwi ng mapagod.

Kinabukasan ay sabay kaming pumasok ni dane.

Merciless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon