#Truth

2.6K 49 3
                                    

Dane's PoV

kinabukasan pumunta ako sa bahay ng magulang ni li. kakausapin ko na talaga magulang niya. di na tama ang nangyayari sa kanya. di na ko papayag na nasa puder siya ng isang demonyo. kaya ko naman siyang alagaan eh. kaya ko siyang mahalin ng higit pa sa pagmamahal niya kay Rence.

"oh, iho napakaaga mo naman yata bumisita dito." sambit ng mama ni Li habang pababa ng hagdan kasama si tito.

"magandang umaga po tito, tita" nagmano naman ako bilang pagbibigay galang

" ba't ka bumisita ng ganitong kaaga iho? may sasabihin ka ba?" tanong naman ni tito

"meron po tito.tungkol po kay Lianna"

"bakit? anong tungkol sa baby ko?" nag aalalang tanong ni tita

" tita, tito may sakit po si Lianna. may Tumor po siya" malungkot kong pahayag sakanila.

nanghihina namang napaupo si tita sa upuan, si Tito naman ay makikitaan mo ng lungkot sakanyang mga mata.

" kelan niyo pa nalaman na may ganun siyang sakit?" seryosong tanong ni tito.

"last week po. ayaw niya pong ipaalam sainyo. pero kagabi po isinugod ko siyang ospital dahil nahimatay po siya. at ang sabi ng doctor ay kailangan daw niya po magpatingin sa magaling na doctor, ngunit hindi na daw po siya pwede magbuntis." sabi ko naman

"kung ganun, dadalhin natin siya sa mahusay na doctor." sambit naman ni tito.

"asan ang asawa niya? bakit ikaw ang may alam neto? bakit hindi siya?" tanong ni tita

" kasi po tita--"

hindi ko pa natutuloy ang sinasabi ko ng biglang tumawag sakin ang nurse na pinabantay ko kay li. agad na nanlaki ang aking mga mata sa ibinalita ng nurse. di ko na namalayan na ibinaba ko na ang tawag.

"bakit? anong nangyari sa anak ko?" tanong ni tito

"nawawala po siya. umalis daw po ng ospital." nag-aalalang sambit ko.

"ANO?!" -tita

"kung ganun, puntahan na natin ang ospital na yun" sabi ni tito.

agad naman akong sumakay sa sasakyan ko. kasunod ko naman  sila tito na nasa sasakyan nila. Li, sana okay ka lang. argh. di ko mapapatawad sarili ko kung may nangyaring masama sayo.

~~~~~~~~

Lianna's PoV

tahimik akong nakaupo habang tinatanaw ang mga ulap. nakasakay ako ngayon sa isang eroplanong papuntang palawan. alamkong di tama ang pagtakas ko sa ospital dahil under observation pa ako, pero i need to unwind. kelangan kong makapag isip isip. 1 week lang naman ako dito. 1 week na walang iisipin. 1 week na mabubuhay ng mag-isa.

"To all passengers please fasten your seatbelts" di ko namalayan na nakarating na pala kami. agad ko naman tinanggal ang aking seat belt at hinintay ang go signal ng flight attendant. ilang minuto pa ay pinababa na kami. bitbit ko lang ang isang travelling bag na may iilang damit ko lang. dala ko lang din ang cellphone na bigay sakin ni dane at wallet na may lamang limang libo. kakasya na siguro sakin yun para sa isang linggo. dala ko din ang gamot na inireseta ng doktor sakin.

hay. di ko alam kung san ako pupunta. kung san ako titira at kung anong mangyayari sakin dito.

pagkababa ko ng eroplano, agad na sumalubong sakin ang malamig na simoy ng hangin saking balat. napakalinis ng lugar. a good place to stay and relax. pagkalabas ko ng airport ay sumakay agad ako ng tricycle at sinabing sa pinakamalapit na hotel. 15 minutes ride lang yata para makarating sa hotel na tutuluyan ko. maayos naman dito. Isa siyang resort magandang type, kasi yung tutuluyan ko parang resthouse lang. gets niyo ba? bahala na kayo. ahaha. basta yun.

Merciless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon