#Finalflashback

2.5K 53 17
                                    

"r-rence/lianna"

Sabay naming sabi ng pumihit ako paharap sakanya. Di ako makapaniwala sa nakikita.

Sa tagal naming di nag usap, talagang labis ang tuwang nararamdaman ko ngayon at nagkita na kami muli.

Ngumiti ako ng matamis sakanya at ganun din ang ginawa niya sakin.

"naku bagay na bagay talaga si kumpadre. Di tayo nagkamali sa desisyon nating ito" rinig kong sabi ni Rence

"naku, tama ka diyan. So kelan ba ang kasal"

Parehong nanlaki ang mga mata namin ni Rence ng marinig ang pahayag ng aking ama.

"dad, what are you talking about" rinig ko ang labis na pagtutol sa boses ni Rence.

Nakaramdam naman ako ng kirot sa aking dibdib dahil sa nakita kong reaksyon sakanya.

Alam ko namang ayaw niya eh. Alam ko yun kasi nag iisa lang ang nag mamay ari sa puso niya at yun ay si hailey.

"yun nga ang agenda namin ng aking mabuting kaibigan na ama ni Lianna. Napagkasunduan namin na ipagkasundo kayong dalawa para narin sa expansion ng ating business at mas magtibay na rin ang aming pagkakaibigan. Tutal naman at magkakilala na kayo, tingin ko naman ay mabilis naman kayong magiging maayos sa magiging set up niyo"

Mahabang pag eexplain ni tito na may kahalong ngiti sa kanyang mga labi.

"hindi ako makapapayag. Dad, alam mong may mahal akong iba. Alam ni Lianna yun, tinulungan pa nga niya ako hanapin ang babaeng iyon. Naiintindihan niya kung di matutuloy ang kasal, di ba li?" punong pag-asa niyang sabi sakin.

Ngunit ang nagawa ko lamang ay ang yumuko dahil di ko alam ang aking sasabihin. Gusto ko man tumutul pero mas nananaig ang pagiging selfish ko. Gusto kong makasama si Rence. Gusto ko siyang makasama ng pang habang buhay. Siya yung lalaking gusto kong makita sa bawat pag gising ko sa umaga. Gusto kong ako ang mag aayos ng kanyang damit na susuotin pang opisina.

Gusto kong ako ang magiging ina ng magiging anak niya.

"Lianna please? Help me. Mahal na mahal ko si Hailey, alam mo yun"

Agad namang tumulo ang aking mga luha dahil di ko alam ang aking sasabihin

"it's settled Rence. You have no choice but to marry Mr. Fier's only daughter. You can't oppose to that. Cut all of your connections with your lover and continue living with your soon to be wife. End of conversation"

And that made Rence storm out of the resto.

Natuloy ang kasal namin ni Rence after 3 months of that incident. Simula ng ikasal kami ay mas naging cold siya sakin and now we are in this situation kung san mas tumitindi ang galit niya sakin.

Mas kinamumuhian niya na ako ngayon dahil sa hindi ko pag tutol sa desisyon ng aming mga magulang

Nagising ako sa aking pagkatulala dahil sa malakas na bulyaw sakin ni Rence. Nanlilisik ang kanyang mga matang naka titig sakin.

"wala ka talagang silbing babae ka. Ano, tutulala ka nalang jan ha?! Wala ka na ngang kwentang tao, wala ka pang silbi. Alam mo, mabuti pang sa ibang taong may silbi nalang ako ipinagkasundo ng mga magulang ko eh. Ano bang pinakain mo sakanila ha?! Ginayuma mo?! Isa ka talagang mang kukulam"

Patuloy ang pagbuhos ng aking mga luha kasabay ng pagdurog ng paulit ulit ng aking puso. Ba't pa ba niya ako kinuha? Pagod na pagod na ako sa pananakit niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 01, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Merciless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon