#Again?

2.4K 44 5
                                    

Lianna's pov

"Rence"

Sumalubong sa akin ang kanyang madilim na aura. Makikita mo ang galit sa kanyang mga mata. Ang dating masayahin niyang mukha ay napalitan ng poot at galit. At dahil yun sa akin.

"Hi asawa ko. Namiss mo ba ako" sambit niya ng may nakakalokong ngiti at paunti unti siyang lumapit sa akin sabay hawak sa magkabila kong pisngi.

"R-rence please wag. Maawa ka sakin rence. please"

"Maawa? Sayo? Haha yan ang huling bagay na gagawin. Nagawa mo pang magtago sakin ha. Akala mo ba di kita mahahanap ha?! Akin ka na lianna at di ka makukuha sa akin ng kabit mo. Di pa ako tapos magpahirap sa iyo!"

At mas lalo niya pang hinigpitan ang paghawak saking mga pisngi. Naiiyak na lamang ako dahil wala akong laban sakanya. Oo alam ko yun.

Na kahit anong gawin ko, hindi ako makakawala sa mga kamay niya. Tanggap ko yun dahil mahal ko siya.

Ganun naman talaga ang pag ibig di ba? Nagpapakamartyr ka. Nagpapakatanga ka. Kasi when you love, you take all the risk.

Mag mamahal ka kahit walang kasiguraduhan na mamahalin ka din niya pabalik.

*pak*

Isang malakas na sampal ang nagpabalik sa akin sa wisyo

"Ano?! Tutulala ka nalang jan?! Ha?! Tumayo ka jan at uuwi na tayo! Ipapahamak mo pa ako dahil diyan ka kagagahan mo! Pano pag naabutan ka ng mga magulang ko at magulang mo na wala ka sa bahay?!"

Hinila niya ang aking buhok dahilan ng aking pagkakatayo

"Di ka nag iisip! ang tanga mo talaga kahit kelan! Uuwi na tayo!" Dag dag niya habang hinihila ako palabas

Nakaramdam ako na may tumutulo. Di ko alam kung yung dugo ba na nang gagaling sa aking kamay kasi natanggalan ng swero o yung mga luha ko na walang tigil sa pagpatak dahil sa sakit na aking nararamdaman.

Nang makalabas kami ng ospital ay agad na niya akong ibinalibag sa kanyang sasakyan. Ang sakit ng aking likuran dahil sa pagkakatama neto sa gilid ng pinto

Agad naman siyang pumunta sa driver's seat at inilock ang pinto. Pinaharurot naman niya agad ang sasakyan. Napakapit naman ako sa aking upuan, nagdadasal na sana'y walang masamang mangyari sa aming dalawa.

Naalala ko si manang liza. Ni hindi manlang ako nakapagpaalam sakanya o nakapagpasalamat sana. Baka mag alala yun sa bigla kong pagkawala.

"R-rence i-balik mo ko dun p-please" kinakabahan kong sabi.

Ngunit hindi man lang siya umimik. At mas dumilim pa ang kanyang mukha kaya mas pinili ko nalang manahimik.

Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa airport at dali dali kaming pumasok para sumakay ng eroplano na pabalik ng maynila.

Hawak hawak nanaman niya ang aking pulsuhan ng napakahigpit. May balak pa yata siyang durugin ang aking mga buto.

Pagsakay namin ng eroplano ay nasa business class kami at wala ng iba pang nakasakay. Malamang binayaran niya na ito lahat. Mayaman talaga.

pinaupo niya ako malapit sa bintana at siya naman ay sa aking tabi.

"Manahimik ka at wag kang magsasalita. Sa bahay tayo mag tutuos mamaya"

Agad niyang sinuot ang kanyang headphones, sumandal at natulog.

Pinagmasdan ko naman siya. Ang gwapo niya talaga. No wonder why kung bakit maraming babaeng nagkakagusto at nahuhumaling sakanya. naalala ko yung unang beses namagkakilala kami

Merciless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon