#leave

2.7K 55 16
                                    


Nagising nalang ako sa sinag ng sikat ng araw. Nakaramdam ako ng sakit ng katawan. Nakita ko namang nakadamit ako at hindi masakit ang ibaba ko. Ang masakit lang naman ang mga braso ko pati ang likuran ko.

Pumunta akong banyo at tinignan ang sarili ko. Naluha nalang ako ng makita ko ang sarili ko.

May pasa sa gilid ng labi. Mga pasa sa braso. Violet na sila, pero halatang sariwa pa rin. Sinubukan kong hawakan at napaaray nalang ako. Naalala ko nanaman lahat ng nangyari kagabi. Ang pambubugbug niya sakin. Feeling ko, malapit na ako sumuko. Tama si Dane. Dapat matuto din akong sumuko. Pero, mahal ko talaga siya eh. At di ko makakaya kung mawawala siya sakin.

Bumaba na ako papuntang kusina, as expected wala na siya at pumunta ng opisina. Nagtimpla ako ng kape ko at nag toast nalang ng tinapay. Tinatamad na din akong magluto masakit pa din kasi ang katawan ko . Mamaya nalang sigurong lunch.

*bzzzzzt* [nagvavibrate po yan, haha. Sensya na]

Nagulat nalang ako ng biglang magvibrate ang aking cellphone
Tinignan ko ito, at nakita kong si Dane ang nagtext

[Li, andito ako sa labas ng bahay niyo, I brought some breakfast]

Sumilip naman ako sa may bintana at nakita kong siyang nakasandal sakanyang sasakyan na nakapamulsa. Shems. Ang hot niya lang talaga tignan.

Ngumiti naman ako sakanyanat ngumiti din siya sakin pabalik.
Dali-dali naman ang akong lumabas ng bahay, di ko na ininda yung sakit ng aking katawan.

Agad ko naman siyang pinagbuksan ng gate at sinalubong niya naman ako ng yakap. Napangiwi naman ako dahil nga masakit pa ang aking katawan. Narinig ko naman siyang tumawa kaya tinignan ko naman siya.

"Anong tinatawa tawa mo jan? Ha?" Naka pout kong sabi tanong sakanya.

"Haha. Wala naman. Ang cute mo lang kasi. Tsaka di halatang namiss ko ako. Haha" tumatawang sabi niya.

"Psh. Tara na nga sa loob"

Pumasok naman kami at inihain ang mga dala niya.
Merong fried rice, bacon, egg and hotdog. Tas may nagtimpla siya ng kape niya. Kumuha naman ako ng mga plato, pero nagulat nalang ako ng hilahin niya ako sakanya.

"Bakit may pasa ka nanaman? Bago nanaman yang nasa mukha mo, pati yang mga nasa braso mo? Li, sinasabi ko sayo ha! Pag nakita ko yang asawa mo, malalagot siya sakin" halos namumula na sangalit ang buong mukha niya ng sabihin niya iyo. At dahil dun kaya napaluha ako.

"D-Dane" naiiyak na sabi ko

"Aish..." niyakap niya nalang ako at kinomfort.

"Shh... ayokong nasasaktan ka li. Tumahan ka na please. Di mo naman maiiwas sakin yung ganyang problema eh. Bestfriend kita at importante ka sakin kaya ayokong nakikitang ganyan ka. Kung di nga lang dahil sayo, nagsumbong na sana ako kina tita eh"

"Dane, a-alam kong malapit na din akong sumuko" umiiyak na sabi ko.

"Mas okay na yun, li. Nakakapagod din minsan ang maghintay at umasa"

Tanging tango nalang ang naisagot ko sakanya... nung nahimasmasan ako, nagsimula na kaming kumain. Tho, di naalis ang katahimikan sa pagitan namin.

"Ahm... dane, will you be there if ever na mag give up na ako?" Ako nanang bumasag sa katahimikan.

" of course. Bestfriend kita kaya di kita iiwan" sagot niya. Ngumiti nalang ako sakanya, ng makaramdam ako ng hilo. Napahawak ako sa aking noo.

"Hey, are you alright?" Tanong niya.

Tumango nalang ako. Mas tumindi pa ang sakit ng aking ulo.

"Hali ka nga muna. Punta tayo sa kwarto mo at dun ka magpahinga." Pero patayo pa lang sana ako ng umikot ang aking paningin, then everything went black.

Merciless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon