"You may now kiss the bride."
The next thing I know, I kissed her hand.
Tama kayo. Kinasal kami ni Andy sa Marriage Booth. Pwede na ako maging tuldok sa sobrang kahihiyan.
Wala na akong mukhang maihaharap.
"Uh Andy, sorry nga pal--"
"No, it's okay. Natuwa din naman ako. First time ko ikasal." Nakangiti niyang sabi.
"Alam mo Joshua, gusto ko yung first wedding ko, yun din yung last."
Sabay tumayo siya pero bago siya makaalis.
"Can I have your number, if you will allow me?"She smiled. I handled her my phone. She typed her number. And she waved goodbye.
Hope this day wasn't the first and last. This will serve as the beginning.
KINABUKASAN
Tinext ko sya agad. At di ko inaasahang magrereply sya. Wow.
Oh sure. Sakto pupunta din ako ng school ngayon para sa shooting namin for some brand advertisements.
Her answer upon asking her kung pwede sabay kami pumasok.
Malapit lang naman din ako sa bahay nya eh. Sa Makati ako, sa Sta. Ana siya. Isang jeep lang naman.
"Hi."
Sabi niya.
"Tara na?"
Pinauna ko sya sa pagsakay sa jeep, sumunod naman ako. Magkatabi kami. As in siksik.
"So, anong oras class mo?"
Siya nag open ng topic.
"1pm pa"
"1pm? Omg. 8am pa lang. Ang aga mo naman sobra."
"It's okay. Uhm, may review din kasi kami ngayon eh. So naisipan ko na sumabay na lang din sayo."
Silence.
"Ay Joshua, sa Luneta ako bababa. Sabi kasi ng groupmates ko dun na lang daw kami magkita."
"Aw. Sige. Sasamahan na kita dun. Baka kasi wala pa groupmates mo eh. Delikado pa naman dun. Madaming manloloko."
Tahimik na naman.
Sa isang buong byahe na yun, nakilala namin ang isa't isa. Interests, hobbies, san nag aral before, mga ayaw at gusto. Kung ano anong pwedeng pag-usapan.
Sa byahe na yun, dun niya naikwento kung nagmahal na kami, kung nasaktan na, kung naranasan ng maiwan.
"We broke up last August. Nawalan kami ng communication. Busy sya with school, same goes with me. Di namin na balance so we decided to end that relationship. Besides, 4 years is already enough."
Pagkwe kwento nya.
"Ako naman, we broke up nung June. Nakipag hiwalay ako kasi nasasakal ako sakanya eh. Alam mo ba nakailang add ako sa friends ko sa fb?""Ha? Bakit? Anong nangyari?" Interesado nyang tanong.
"Selosa kasi sya. Ina unfriend nya pag babae tapos basta. Napaka selosa nya."
"Eh paano ba yan? Selosa ako. Baka masakal ka sakin."
Napanganga ako. Dumbfounded. Astonished. For short, na shock.
"Oh we're here. Para po manong."
Sabi niya.
Okay lang kahit selosa ka din. Ikaw naman yan eh. Kaya ko tanggapin yun.
![](https://img.wattpad.com/cover/34486842-288-k954287.jpg)