Na Friendzone: Isang Malaking Kalokohan part 2

31 1 0
                                    

Naglalakad ako at kasalukuyang hinahanap si Andy. Baka kasi nandito pa siya.

Napadaan ako sa booth nila. Tama. Andito pa nga siya.

Nilapitan siya ng kaklase ko.
"Huy Alyssa!"

"Nako Joshua, pasasalamatan mo ako pagtapos neto."

Tsaka siya lumapit kay Andy.

Next thing I know, nagpi picture kaming dalawa ni Andy.

"Isa pa. One two," click.

"Thank you Andy."

Sabi ni Alyssa.

Tinititigan ko lang yung picture. Grabe. Sobrang bait nya para pumayag na magpapicture kasama ako.

Speechless.

Habang naglilibot kami sa field, nakita ko si Ethan. Kamember ko din sa org.
"Ethan, kilala mo to?"

Tinignan ni Ethan yung picture.
"Ay, si Andy. Officer ng College namin yan. Gusto mo pakilala kita?"

Hihindi na sana ako pero...

"Louise, Charm, diba kablock niyo si Andy? nasaan siya?"

Tanong niya dun sa dalawang babae.

"Ay sila ng mga friends niya ang in charge sa booth ngayon eh. Baka nandun sa booth namin."

Paliwanag nung babaeng maganda din, naka braces. Pero iba pa din yung ganda ni Andy.

"Ay Joshua, lapitan mo na lang mamaya. Bakit, bet mo?"

Napangiti na lang ako. Di ko siya gusto. Mahal ko na ata siya.

"Kuya Ethaaaaaaaan~"

Papalapit na samin yung dalawang babae kanina, pero this time hawak nila sa magkabilang kamay si Andy.

Napatakbo ako kasi baka mamaya mainis siya tas sabihin ikaw na naman. Ayoko ng ganun.

Nagtago ako sa isa sa mga booth, tanaw ko sila.

Kausap lang ni Ethan si Andy na as usual, nakangiti. Ang ganda niya talaga.

Ayos na ako sa pasulyap sulyap na lang sakanya. Baka kasi pag niligawan ko siya, mareject ako. Masakit yun.

Habang nagmumuni muni ako, biglang may nag handcuff ng kamay ko sabay may nagpiring ng mata ko.

Shit. Ano to?

NaFriendzoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon