Na Friendzone: Isang Malaking Kalokohan Epilogue

27 0 0
                                    

Sabi nila masakit daw ang mareject ng taong mahal mo lalo na kung magsisimula ka pa lang pumorma.

Pero mas masakit yata pag nakapag simula ka na at nakapag pundar ka na ng masasayang ala ala tapos dun ka pa marereject.

Di naman niya ako nireject ah. Actually, ang sabi niya pa see you around. Kasi para ata sa kanya, kaibigan ako.

Sakanya ko natutuhan ang ilang mga bagay.

Una, bago manligaw at alamin ang interests, hobbies, favorites at past ng isa't isa, dapat alamin muna kung may boyfriend. Alamin muna ang present. Kasi paano kayo makakabuo ng future kung yung kasalukuyang nangyayari eh wala kang alam.

Pangalawa, di lahat ng pumapayag magpa picture na kasama ka ay gusto ka na din. Diba yung mga artista ganun? Kaya sila nagpapapicture kasi alam nila na may mga taong natutuwa sakanila pero deep inside, di sila natutuwa sa kasama nila.

Pangatlo, di nafo fall ang babae sa pagto tolerate ng gusto nila. Okay, somehow yung iba oo nai inlove pero si Andy hindi. Nilibre ko sya ng ice cream, sinasamahan ko sya pag nagc crave sya ng kung ano anong pagkain, at kung ano ano pa. Di ko naman sinasabi na gold digger sya pero kasalanan ko kasi, di pala naiinlove ang babae sa ganun.

Pang apat, hindi totoo ang silence means yes. Ilang beses ko na nasabi sakanya na gusto ko sya. Na mahal ko sya. Wala syang sagot. I assume that kinikilig sya kaya di sya makasagot. Yun pala, wala lang talaga syang masabi. Wala siyang masabi kasi wala naman siyang nararamdaman.

Pang lima, di porket pinakilala ka na sa pamilya niya, ibig sabihin kayo na. Diba ang kaibigan pinakikilala din sa pamilya para alam ng pamilya mo kung sino yung mga nakakasama mo.

At pang huli, mas okay na yung sa simula pa lang nireject nya na ako kesa ngayon na nahihirapan ako kung paano siya kakalimutan.

Ang hirap sobra. Para kang nagtatayo ng isang sand castle sa seashore. Alam mo na masisira yon kasi syempre hahampasin sya ng alon. But the sea was so calm that time so you still decide to have the castle done to that spot. Patapos ka na sa castle tapos biglang may alon na malaki na syang sumira sa sand castle na ginagawa mo.

Sabagay, di naman sinira nung Yexel yung pagsasamahan namin ni Andy. Sila naman kasi talaga. Couple sila. At ako siguro yung alon na muntik na sumira sa castle.

Hay. Hindi ko na alam. Ewan ko na.

Pero sa ngayon, ang mahalaga, I take the risk and I tried to reach the star that I've been wanting to reach.

Oh let me scratch that. She's not a Star. She's the sun that lighten up my world. Pero syempre, lumulubog ang araw at napapalitan ng buwan.

Bakit ko ba pilit kinokonekta ang mga bagay bagay sa nararamdaman ko?

Walang kahit na anong koneksyon ang sand castle, ice cream, buwan at araw, mga artista, mga star, at kung ano ano pa sa pagiging broken hearted ko.

Umiikot ang mundo. Lahat nagbabago. Lahat napapalitan.

Hindi mo mabubura ang isang bagay na nangyari na. Ang tanging magagawa mo na lang ay mag step forward. Mag move on. Wag na lilingon pa.

Tsaka madami pa namang taong dadating sa buhay ko eh. Ilang beses din naman ako masasaktan, maiiwanan, malulungkot, mawawalan ng pag- asa, at mahihirapan bumangon. Pero ang mahalaga, sa bawat kabiguan na yun, naranasan ko maging masaya, tumawa, ma inlove, at higit sa lahat matuto na di lahat ng bagay ay patuloy na nagiging masaya.

Lahat ay may katapusan. Ang dapat lang tandaan ay sulitin ang sandali na yon.

NaFriendzoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon